+ -

عَنْ خُرَيْمِ بْنِ فَاتِكٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«الْأَعْمَالُ سِتَّةٌ، وَالنَّاسُ أَرْبَعَةٌ، فَمُوجِبَتَانِ، وَمِثْلٌ بِمِثْلٍ، وَحَسَنَةٌ بِعَشْرِ أَمْثَالِهَا، وَحَسَنَةٌ بِسَبْعِ مِائَةٍ، فَأَمَّا الْمُوجِبَتَانِ: فَمَنْ مَاتَ لَا يُشْرِكُ بِاللهِ شَيْئًا دَخَلَ الْجَنَّةَ، وَمَنْ مَاتَ يُشْرِكُ بِاللهِ شَيْئًا دَخَلَ النَّارَ، وَأَمَّا مِثْلٌ بِمِثْلٍ: فَمَنْ هَمَّ بِحَسَنَةٍ حَتَّى يَشْعُرَهَا قَلْبُهُ، وَيَعْلَمَهَا اللهُ مِنْهُ كُتِبَتْ لَهُ حَسَنَةً، وَمَنْ عَمِلَ سَيِّئَةً، كُتِبَتْ عَلَيْهِ سَيِّئَةً، وَمَنْ عَمِلَ حَسَنَةً فَبِعَشْرِ أَمْثَالِهَا، وَمَنْ أَنْفَقَ نَفَقَةً فِي سَبِيلِ اللهِ فَحَسَنَةٌ بِسَبْعِ مِائَةٍ، وَأَمَّا النَّاسُ، فَمُوَسَّعٌ عَلَيْهِ فِي الدُّنْيَا مَقْتُورٌ عَلَيْهِ فِي الْآخِرَةِ، وَمَقْتُورٌ عَلَيْهِ فِي الدُّنْيَا مُوَسَّعٌ عَلَيْهِ فِي الْآخِرَةِ، وَمَقْتُورٌ عَلَيْهِ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ، وَمُوَسَّعٌ عَلَيْهِ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ».

[حسن] - [رواه أحمد] - [مسند أحمد: 18900]
المزيــد ...

Ayon kay Khuraym bin Fātik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang mga gawain ay anim at ang mga tao ay apat. [Sa mga gawain] mayroong dalawang tagapag-obliga [ng Paraiso at Impiyerno], mayroong isang tulad katumbas ng isang tulad, mayroong isang maganda katumbas ng sampung tulad nito, at mayroong isang maganda katumbas ng pitong daan. Hinggil sa dalawang tagapag-obliga, ang sinumang namatay nang hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang namatay nang nagtatambal kay Allāh nang anuman ay papasok sa Impiyerno. Hinggil naman sa isang tulad katumbas ng isang tulad, ang sinumang nagbalak ng magandang gawa hanggang sa makaramdam nito ang puso niya at makaalam nito si Allāh mula sa kanya ay may itatala para sa kanya na isang maganda at ang sinumang gumawa ng masagwa ay may itatala laban sa kanya na masagwa. [Hinggil naman sa ikalima,] ang sinumang gumawa ng isang gawa ay tutumbasan ng sampung tulad nito. [Hinggil naman sa ikaanim,] ang sinumang gumugol ng isang paggugol sa landas ni Allāh ay may magandang gawa katumbas ng pitong daang maganda. Hinggil naman sa mga tao; may paluluwagan sa Mundo, na gigipitin sa Kabilang-buhay; may gigipitin sa Mundo, na paluluwagan sa Kabilang-buhay; may gigipitin sa Mundo at Kabilang-buhay; at may paluluwagan sa Mundo at Kabilang-buhay."}

[Maganda] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad] - [مسند أحمد - 18900]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga gawain ay anim na uri at na ang mga tao ay apat na klase. Ang anim na gawain ay ang sumusunod:
UNA: Ang sinumang namatay habang siya ay hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman, maoobliga para sa kanya ang Paraiso.
IKALAWA: Ang sinumang namatay habang siya ay nagtatambal kay Allāh ng anuman, maoobliga para sa kanya ang Impiyerno bilang mamamalagi roon.
Ang dalawang ito ang dalawang tagapag-obliga.
IKATLO: Ang magandang gawang nilalayon. Ang sinumang naglayon na gumawa ng magandang gawa habang siya ay naging tapat sa layunin niya hanggang sa makaramdam siya nito sa puso niya at makaaalam si Allāh mula sa kanya ng layuning ito, pagkatapos may nangyari sa kanya na isang bagay para hindi siya makakaya na gumawa ng magandang gawang ito, itatala ito para sa kanya bilang isang magandang gawang kumpleto.
IKAAPAT: Ang masagwang gawang ginagawa. Ang sinumang gumawa ng isang masagwang gawa, itatala ito para sa kanya bilang nag-iisang masagwang gawa.
Ang dalawang ito ay isang tulad katumbas ng isang tulad nang walang pagpapaibayo.
IKALIMA: Isang maganda na magiging katumbas ng sampung tulad nito: ang sinumang naglayon ng isang magandang gawa at nakagawa nito, magtatala para sa kanya ng sampung magandang gawa.
IKAANIM: Isang magandang gawa na magiging katumbas ng pitong daang magandang gawa: ang sinumang gumugol ng iisang paggugol sa landas ni Allāh, itatala para sa kanya ang magandang gawang ito katumbas ng pitong daang magandang gawa. Ito ay bahagi ng kabutihang-loob Niya (napakamapagpala Siya at napakataas) at pagkamapagbigay Niya sa mga lingkod Niya.
Hinggil naman sa apat na klase ng mga tao, sila ay ang sumusunod:
UNA: Ang sinumang pinaluwagan sa Mundo sa panustos, na pinaginhawa rito, na nakatatagpo rito ng niloloob niya, subalit siya ay gigipitin sa Kabilang-buhay at ang kahahantungan niya ay tungo sa Impiyerno, siya ay ang mayamang tagatangging sumampalataya.
IKALAWA: Ang sinumang ginipit sa Mundo sa panustos, subalit siya ay paluluwagan sa Kabilang-buhay at ang kahahantungan niya ay tungo sa Paraiso, siya ay ang maralitang mananampalataya.
IKATLO: Ang sinumang ginipit sa Mundo at Kabilang-buhay, siya ay ang maralitang tagatangging sumampalataya.
IKAAPAT: Ang sinumang pinaluwagan sa Mundo at Kabilang-buhay, siya ay ang mayamang mananampalataya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kadakilaan ng kabutihang-loob ni Allāh sa mga lingkod at ang pagpapaibayo Niya ng mga magandang gawa.
  2. Ang katarungan ni Allāh at ang pagkamapagbigay Niya yayamang nagtrato Siya sa atin ayon sa katarungan sapagkat ang ganti sa isang masagwang gawa ay iisa.
  3. Ang bigat ng shirk kay Allāh sapagkat dahil dito ang pagkakait ng Paraiso.
  4. Ang paglilinaw sa kainaman ng paggugol sa landas ni Allāh.
  5. Ang pag-iibayo ng gantimpala sa paggugol sa landas ni Allāh ay nagsisimula sa 700 ibayo dahil ang mga ito ay nakatutulong sa pagpapataas sa Salita ni Allāh.
  6. Ang paglilinaw sa mga klase ng mga tao at ang pagkakaiba-iba nila.
  7. Nagpapaluwag sa Mundo para sa mananampalataya at para sa hindi mananampalataya at hindi nagpapaluwag sa Kabilang-buhay kundi para sa mananampalataya.