+ -

عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِنَّ اللهَ لَا يَظْلِمُ مُؤْمِنًا حَسَنَةً، يُعْطَى بِهَا فِي الدُّنْيَا وَيُجْزَى بِهَا فِي الْآخِرَةِ، وَأَمَّا الْكَافِرُ فَيُطْعَمُ بِحَسَنَاتِ مَا عَمِلَ بِهَا لِلَّهِ فِي الدُّنْيَا، حَتَّى إِذَا أَفْضَى إِلَى الْآخِرَةِ، لَمْ تَكُنْ لَهُ حَسَنَةٌ يُجْزَى بِهَا».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2808]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa magandang gawa sa isang mananampalataya. Bibigyan siya dahil doon sa Mundo at gagantihan siya dahil doon sa Kabilang-buhay. Hinggil naman sa tagatangging-sumampalataya, pinatitikim siya ng mga maganda ng ginawa niya para kay Allāh sa Mundo, na hanggang sa kapag humantong siya sa Kabilang-buhay ay hindi na siya magkakaroon ng isang magandang gawa na gagantihan siya dahil dito."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2808]

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kadakilaan ng kabutihang-loob ni Allāh sa mga mananampalataya at katarungan Niya sa mga tagatangging sumampalataya. Hinggil sa mananampalataya, hindi babawasan ang gantimpala ng magandang gawa na ginawa niya; bagkus bibigyan siya dahil dito sa Mundo ng isang maganda dahil sa pagtalima niya, kasama ng iniimpok para sa kanya na ganti sa Kabilang-buhay. Maaaring iingatan ang ganti sa kabuuan nito para sa kanya sa Kabilang-buhay. Hinggil naman sa tagatangging sumampalataya, magbibigay sa kanya si Allāh ng ganti sa anumang ginawa niya, kabilang sa mga magandang gawa, ng katumbas sa mga magandang gawa sa Mundo, na hanggang sa kapag humantong siya sa Kabilang-buhay ay hindi na siya magkakaroon ng isang gantimpalang gagantihan siya dahil dito dahil ang maayos na gawa na nagpapakinabang sa Mundo at Kabilang-buhay ay kinakailangan na ang tagagawa nito ay isang mananampalataya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga اليونانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang sinumang namatay sa kawalang-pananampalataya ay hindi magpapakinabang sa kanya ang isang gawa.
Ang karagdagan