Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

Ang sinumang nagpalugit sa nagigipit o nagpatawad sa utang nito, maglililim sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon sa ilalim ng lilim ng trono Nito, sa Araw na walang lilim kundi ang lilim Nito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang una sa huhusgahan sa mga tao sa Araw ng Pagkabuhay ay kaugnay sa [pagpapadanak ng] mga dugo."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Paraiso? Ang bawat mahinang nagpapakaaba, kung sakaling sumumpa ito kay Allāh, talagang magpapaunlak Siya rito. Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Impiyerno? Ang bawat mapang-alitan, na pagkahambug-hambog, na mapagmalaki."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na sa Paraiso ay may isandaang antas na inihanda ni Allah para sa mga nakikibaka sa landas Niya, na ang pagitan ng dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit at lupa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang darating ang isang lalaking napakataba at napakalaki sa Araw ng Pagkabuhay,na wala siyang bigat para kay Allah na tulad ng pakpak ng lamok.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi makakagalaw ang dalawang paa ng isang alipin sa kabilang araw hangga't maitanong siya hinggil sa kanyang edad kung saan niya ito ginamit? at sa kanyang kaalaman kung ano ang ginawa niya dito? at sa kanyang kayamanan kung saan niya ito kinuha at kung saan niya ito ginastos? at sa kanyang pangangatawan kung papano niya ito nilustay?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kabilang sa kanila ang linalamon ng apoy hanggang sa kanyang bukong-bukong,at kabilang sa kanila ang linalamon nito hanggang sa kanyang dalawang tuhod,at kabilang sa kanila ang linalamon nito hanggang sa kanyang balakang,at kabilang sa kanila ang linalamon nito hanggang sa kanyang balagat
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay magsasabi sa Araw ng Pagkabuhay: O Anak ni Adan, nagkasakit Ako at hindi ka dumalaw sa Akin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Hadith ng pamamagitan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakaaalam ba kayo kung sino ang bangkarota?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang may-ari ng ginto ni ng pilak, na hindi nagbibigay mula rito ng tungkulin dito, na hindi magtatapal sa kanya ng mga plantsa ng apoy kapag Araw na ng Pagkabuhay, magpapaningas sa mga ito sa apoy ng Impiyerno, at maghehero sa pamamagitan ng mga ito ng tagiliran niya, noo niya, at likod niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pinangakuan ako ng Panginoon ko na magpapasok Siya sa Paraiso mula sa Kalipunan ko ng pitumpong libo nang walang pagtutuos ni pagdurusa. Kasama ng bawat isang libo ang [iba pang] pitumpong libo at tatlong dakot mula sa mga dakot ng Panginoon ko.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ilalagay ang landasin sa pagitan ng dalawang pampang ng Impiyerno, na mayroong mga tinik gaya ng tinik ng [halamang] Sa`dān. Pagkatapos ay patatawirin ang mga tao, kaya may maliligtas, masasagip, matatalupan pagkatapos ay maliligtas, mapipigilan at saka matitiwarik doon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Maglalantad ang Panginoon natin ng lulod Niya kaya magpapatirapa sa Kanya ang bawat mananampalatayang lalaki at mananampalatayang babae ngunit mananatiling [nakatayo] ang bawat sinumang nagpapatirapa noon sa Mundo bilang pakita at parinig at magtatangka siyang magpatirapa ngunit magiging parang iisang buto ang likod niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang ḥadīth ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy. Nagsasaad ito ng mga masasaksihan sa Araw ng Pagkabuhay: ang pagkakita ng Mananampalataya kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ang landasin, ang pagpapalabas mula sa Impiyerno sa sinumang sa puso niya ay may katiting na pananampalataya, ang Pamamagitan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na nalalaman ko ang pinakahuli sa mga nananahanan sa Impiyerno na lalabas mula rito,at ang pinakahuling mananahanan sa Paraiso na papasok sa Paraiso.Isang lalaki na lalabas sa Impiyerno na gumagapang,At sasabihin ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-sa kanya:Humayo ka at pumasok ka sa Paraiso,Darating siya rito,Aakalain niya rito na ito ay napuno na,At babalik siya:Sasabihin niya: O Panginoon,natagpuan ko itong puno na!
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang panawagan, ng: Allāhumma rabba hādhihi -dda`wati -ttāmmāti wa-ṣṣalāti -lqā’imah, āti muḥammadani -lwasīlata wa-lfaḍīlah, wa-b`athhu maqāmam maḥmūdani -lladhī wa`attahu (O Allāh, ang Panginoon nitong panawagang lubos at ṣalāh na isasagawa, ibigay Mo kay Muḥammad ang kaparaanan at ang kalamangan at buhayin Mo siya sa katayuang pinapupurihan, na ipinangako Mo), dadapo sa kanya ang Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa magandang gawa sa isang mananampalataya. Bibigyan siya dahil doon sa Mundo at gagantihan siya dahil doon sa Kabilang-buhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ako ay nasa tabi ng Tubigan nang sa gayon makatingin ako sa sinumang pumupunta sa akin kabilang sa inyo. May kukunin na mga tao sa tabi ko kaya magsasabi ako: 'O Panginoon ko, kabilang sa akin at kabilang sa Kalipunan ko iyan.'
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan.},
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang pumigil sa pagkagalit,na siya ay may kakayanan sa pagpapatupad nito,tatawagin siya ni Allah,napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas,sa harap ng mga nilalang sa Araw ng Pagkabuhay,upang papiliin siya mula sa magagandang babae [na mapapangasawa sa Paraiso],sa sinumang kanyang magustuhan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang si Allah-Pagkataas-taas Niya-ay magwiwika sa Araw ng Pagkabuhay:Nasaan ang mga nagmamahalan sa Kadakilaan Ko?Sa araw na ito ay pasisilungin ko sila sa Aking Silong,Araw na Walang masisilungan maliban sa Silong Ko
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Babalunbunin ni Allah ang mga kalangitan sa Araw ng Pagkabuhay,Pagkatapos ay kukunin Niya ito sa Kanang Kamay Niya,Pagkatapos ay sasabihin Niya:Ako ang Hari,Nasaan na ang mga Mapanupil?Nasaan na ang mga Nagmamalaki?Pagkatapos ay babalunbunin Niya ang pitong kalupaan.pagkatapos ay Kukunin Niya ito sa Kaliwang Kamay Niya,Pagkatapos ay sasabihin Niya:Ako ang Hari,Nasaan na ang mga Mapanupil?Nasaan na ang mga Nagmamalaki?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan siya at Kapita-pitagan-Ang mga Nagmamahalan sa Kadakilaan ko,Sa kanila ay may matataas na antas mula sa liwanag,Kina-iinggitan sila ng mga Propeta at ng mga Martir.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ilalapit ang araw sa Araw ng Pagkabuhay sa mga nilikha hanggang sa ito, mula sa kanila, ay gaya ng layong isang mīl.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang nakagawa ng kawalan ng katarungan o kasalanan sa kapatid niya-mula sa kanyang ari-arian o iba pang bagay,tanggalin niya ang pananagutan niya rito sa Araw na ito bago ito hindi maging isang dinar o isang dirham;
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Titipunin ang mga tao sa Araw ng Pagbangon bilang mga nakayapak, mga nakahubo, mga di-tuli.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Babangun ang mga tao sa harapan ng Panginoon ng daigdig,hanggang sa maglaho ang isa sa kanila dahil sa pawis niya na umaabot hanggang sa kalahati ng kanyang tainga
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talagang ibibigay nga ang mga karapatan sa mga karapat-dapat sa mga ito hanggang sa gaganti para sa tupang walang sungay laban sa tupang may mga sungay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Oxus, ang Jaxartes, ang Yufrates, at ang Nilo ay lahat mula sa mga ilog ng Paraiso.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagbangayan ang Paraiso at ang Impiyerno kaya nagsabi ang Impiyerno: "Inilaan ako para sa mga nagmamalaki at nagpapakapalalo." Nagsabi ang Paraiso: "Ano ang nangyari sa akin: walang pumapasok sa akin kundi ang mahihina sa mga tao, ang mga hamak sa kanila, at ang mga masa sa kanila."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Bubuhayin muli ang mgaTao sa Araw ng Pagkabuhay - O sinabi niya;Ang alipin-Na nakahubad,hindi tuli at walang dala.Nagsabi sitya;At ano ang ibig sabihin ng walang dala? Sinabi niya; Wala silang dala kahit na anong bagay, pagkatapos ay tatawagin sila ng boses na maririnig ito nang sinumang nasa kalayuan tulad nang pagkarinig nito ng sinumang napakalapit,Ako ang Hari,Ako ang Tagapag-Hatol
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang pinakamababang kalagayan ng isa sa inyo sa Paraiso ay na magsasabi [si Allah] sa kanya: Magmithi ka! Kaya magmimithi siya. Magmimithi siya at magsasabi sa kanya: Nagmithi ka ba? Kaya magsasabi siya: Opo. Kaya sasabihin sa kanya: Tunay na ukol sa iyo ang minithi at ang tulad nito kasama nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag gumawa siya ng isang magandang gawa, ay pinatitikim dahil dito ng isang gantimpala sa Mundo. Tungkol naman sa manananampalataya, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nag-iimpok para sa kanya ng mga magandang gawa niya sa Kabilang-buhay at nagkakaloob sa kanya ng panustos sa Mundo ayon sa pagtalima niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga mu`adhdhin ay ang pinakamahaba sa mga tao sa mga leeg
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nangyari ang Araw ng Pagkabuhay, magtutulak si Allāh sa bawat Muslim ng isang Hudyo o isang Kristiyano at magsasabi Siya: Ito ay ang pangkalas mo mula sa Impiyerno.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Bigkasin ninyo ang Qur'an sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay bilang tagapamagitan sa mga tagatangkilik nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sumpa! na ang sarili ni Muhammad ay nasa kamay Niya, katotohanan ako'y nag-hahangad na kayo ay kabilang o maging kalahati ng mga taong taga paraiso, yun ay dahil ang paraiso ay walang pwedeng makakapasok sa kanya kundi ang kaluluwang muslim.At wala kayo sa mga taong nagtatambal, maliban sa katulad ng buhok na puti sa balat ng toro na itim.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu