+ -

عن جَرِيْر بنِ عبدِ الله رضي الله عنه قال:
كُنَّا عِنْدَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَنَظَرَ إِلَى الْقَمَرِ لَيْلَةً -يَعْنِي الْبَدْرَ- فَقَالَ: «إِنَّكُمْ سَتَرَوْنَ رَبَّكُمْ كَمَا تَرَوْنَ هَذَا الْقَمَرَ، لَا تُضَامُونَ فِي رُؤْيَتِهِ، فَإِنِ اسْتَطَعْتُمْ أَنْ لَا تُغْلَبُوا عَلَى صَلَاةٍ قَبْلَ طُلُوعِ الشَّمْسِ وَقَبْلَ غُرُوبِهَا فَافْعَلُوا» ثُمَّ قَرَأَ: «{وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ قَبْلَ طُلُوعِ الشَّمْسِ وَقَبْلَ الْغُرُوبِ}»

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 554]
المزيــد ...

Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Kami noon ay nasa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka tumingin siya sa buwan sa gabi – tumutukoy siya – ng kabilugan saka nagsabi siya: "Tunay na kayo ay makakikita sa Panginoon ninyo gaya ng pagkakita ninyo sa buwan na ito; hindi kayo mahihirapan sa pagkakita sa Kanya. Kaya kung makakaya ninyo na hindi kayo mapanaigan sa isang dasal bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito ay gawin ninyo." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 20:130): {at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito;}}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 554]

Ang pagpapaliwanag

Ang mga Kasamahan ay minsang kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang gabi saka tumingin siya sa buwan ng gabi ng ikalabing-apat saka nagsabi siya: Tunay na ang mga mananampalataya ay makakikita sa Panginoon nila nang totohanan sa pamamagitan ng mata nang walang paghihinala, at na sila ay hindi magsisiksikan at hindi sila dadapuan ng pagkapagod ni ng hirap sa sandali ng pagkakita sa Kanya (napakataas Siya). Pagkatapos nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Kaya kung makakaya ninyo na makaputol ng mga kadahilanan na nagpapabaling sa inyo palayo sa ṣalāh sa madaling-araw at ṣalāh sa hapon, gawin ninyo. Magsagawa kayo ng dalawang ito nang lubos sa oras ng dalawang ito sa isang konggregasyon sapagkat tunay na iyon ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagtingin sa mukha ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Pagkatapos binigkas niya ang āyah (Qur'ān 20:130): {at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito;}

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kagalakan para sa mga may pananampalataya sa pagkakita kay Allāh (napakataas Siya) sa Paraiso.
  2. Kabilang sa mga istilo ng pag-aanyaya ang pagbibigay-diin, ang pagpapaibig, at ang paglalahad ng mga paghahalintulad.
Ang karagdagan