عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه عَنْ رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لَمَّا خَلَقَ اللَّهُ الْجَنَّةَ وَالنَّارَ أَرْسَلَ جِبْرِيلَ عَلَيْهِ السَّلَامُ إِلَى الْجَنَّةِ، فَقَالَ: انْظُرْ إِلَيْهَا وَإِلَى مَا أَعْدَدْتُ لِأَهْلِهَا فِيهَا. فَنَظَرَ إِلَيْهَا فَرَجَعَ، فَقَالَ: وَعِزَّتِكَ لَا يَسْمَعُ بِهَا أَحَدٌ إِلَّا دَخَلَهَا. فَأَمَرَ بِهَا فَحُفَّتْ بِالْمَكَارِهِ، فَقَالَ: اذْهَبْ إِلَيْهَا فَانْظُرْ إِلَيْهَا وَإِلَى مَا أَعْدَدْتُ لِأَهْلِهَا فِيهَا. فَنَظَرَ إِلَيْهَا، فَإِذَا هِيَ قَدْ حُفَّتْ بِالْمَكَارِهِ، فَقَالَ: وَعِزَّتِكَ لَقَدْ خَشِيتُ أَنْ لَا يَدْخُلَهَا أَحَدٌ. قَالَ: اذْهَبْ فَانْظُرْ إِلَى النَّارِ وَإِلَى مَا أَعْدَدْتُ لِأَهْلِهَا فِيهَا. فَنَظَرَ إِلَيْهَا فَإِذَا هِيَ يَرْكَبُ بَعْضُهَا بَعْضًا، فَرَجَعَ فَقَالَ: وَعِزَّتِكَ لَا يَدْخُلُهَا أَحَدٌ. فَأَمَرَ بِهَا فَحُفَّتْ بِالشَّهَوَاتِ، فَقَالَ: ارْجِعْ فَانْظُرْ إِلَيْهَا. فَنَظَرَ إِلَيْهَا فَإِذَا هِيَ قَدْ حُفَّتْ بِالشَّهَوَاتِ، فَرَجَعَ وَقَالَ: وَعِزَّتِكَ لَقَدْ خَشِيتُ أَنْ لَا يَنْجُوَ مِنْهَا أَحَدٌ إِلَّا دَخَلَهَا».
[حسن] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي] - [سنن أبي داود: 4744]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
{Noong nilikha ni Allāh ang Paraiso at ang Impiyerno, isinugo Niya si [Anghel] Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) sa Paraiso saka nagsabi Siya: "Tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya naman tumingin ito roon saka bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang makaririnig hinggil doon na isa man malibang papasok doon." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga pahirap saka nagsabi Siya: "Pumunta ka roon saka tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran na ng mga pahirap saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makapasok doon na isa man." Nagsabi Siya: "Pumunta ka saka tumingin ka sa Impiyerno at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano pumapatong ang isa sa bahagi [ng apoy] niyon sa isa pang bahagi kaya bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang papasok doon na isa man." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga ninanasa saka nagsabi Siya: "Bumalik ka roon saka tumingin ka roon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran ng mga ninanasa kaya bumalik ito at nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makaligtas mula roon na isa man malibang papasok doon."}
[Maganda] - - [سنن أبي داود - 4744]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh, noong nilikha Niya ang Paraiso at ang Impiyerno, ay nagsabi kay Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga): "Pumunta ka sa Paraiso saka tumingin ka roon." Kaya naman pumunta ito roon, pagkatapos bumalik ito. Saka nagsabi si Anghel Gabriel: "Oo, Panginoon ko. Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang nakaririnig hinggil dito na isa man at hinggil sa anumang naroon na kaginhawahan, mga parangal, at mga kabutihan malibang iibig siya na pumasok doon at gagawa siya alang-alang doon." Pagkatapos nilipos ni Allāh ang Paraiso at pinalibutan ito ng mga pahirap at mga mahirap gawin na pagsasagawa ng mga ipinag-uutos at pag-iwas sa mga sinasaway. Kaya kailangan sa sinumang nagnais na pumasok doon na lampasan ang mga pahirap. Pagkatapos nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): "O Gabriel, pumunta ka saka tumingin ka sa Paraiso matapos na pinalibutan ito ng mga pahirap." Kaya pumunta siya saka tumingin doon, pagkatapos bumalik siya saka nagsabi: "Oo, Panginoon ko. Sumpa man sa kapangyarihan Mo, nangangamba ako na hindi makapasok doon ang isa man dahilan sa mga hirap at mga kasawiang-palad na nasa daan niyon." Noong nilikha ni Allāh ang Impiyerno, nagsabi Siya: "O Gabriel, pumunta ka saka tumingin ka roon." Kaya pumunta siya at tumingin doon. Pagkatapos bumalik si Gabriel saka nagsabi: "Oo, Panginoon ko. Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang nakaririnig na isa man hinggil sa naroon na pagdurusa, mga dalamhati, at mga pagpaparusang nagsisilbing aral malibang masusuklam na pumasok doon at lalayo sa mga kadahilanan niyon." Pagkatapos nilipos ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ang Impiyerno at nilagyan Niya ang landas tungo roon ng mga ninanasa at mga minamasarap. Pagkatapos nagsabi Siya: "O Gabriel, pumunta ka saka tumingin ka roon." Kaya pumunta si Gabriel saka tumingin doon. Pagkatapos bumalik siya saka nagsabi: "Oo, Panginoon ko. Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako, nangamba ako, at nabagabag ako na walang maligtas mula roon na isa man dahil sa nasa paligid niyon na mga ninanasa at mga minamasarap.