عن جابر بن عبد الله رضي الله عنهما قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول:
«مَنْ لَقِيَ اللهَ لَا يُشْرِكُ بِهِ شَيْئًا دَخَلَ الْجَنَّةَ، وَمَنْ لَقِيَهُ يُشْرِكُ بِهِ دَخَلَ النَّارَ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 93]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang sinumang nakipagtagpo kay Allāh habang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang nakipagtagpo kay Allāh habang nagtatambal sa Kanya ng anuman ay papasok sa Impiyerno."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 93]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang namatay habang hindi siya nagtatambal kay Allāh ng anuman, ang kahahantungan niya ay tungo sa Paraiso, kahit pa pagdusahin siya dahil sa ilan sa mga pagkakasala niya; at na ang sinumang namatay habang siya ay nagtatambal kay Allāh ng anuman, pamamaligihin siya sa Impiyerno.