عن جابر رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم سئل عن النُّشْرَةِ؟ فقال: هي من عمل الشيطان.
[صحيح] - [رواه أبو داود وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Jaber-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tinanong sa paggamot ng [ng sinumang tinamaan ng itim na karunungan]? Nagsabi siya: Ito ay kabilang sa mga gawain ni Satanas
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tinanong sa paggamot ng tinamaan ng itim na karunungan sa pamamaraan na [nakasanayang] ginagawa sa panahon ng Kamangmangan,tulad ng [paggagamot] sa itim na karunungan gamit ang itim na karunungan,ano ang hatol doon,Sinagot niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ito ay kabilang sa mga gawain ni Satanas o pamamaraan niya,at ito ay Pagtatambal na ipinagbabawal [ng Allah],Ngunit ang paggagamot [sa itim na karunungan] na ipipahintulot,ay ang pagkalas sa itim na karunungan sa pamamagitan ng Dasal na bulong [sa pamamaraan ng Islam] o ang paghahanap rito at pagkalas rito gamit ang kamay na may kasamang pagbabasa ng Qura-an o paggamot na ipinapahintulot.