+ -

عن عدي بن حاتم رضي الله عنه : "أنه سمع النبي صلى الله عليه وسلم يقرأ هذه الآية: "اتَّخَذُوا أَحْبَارَهُمْ وَرُهْبَانَهُمْ أَرْبَابًا مِنْ دُونِ اللَّهِ وَالْمَسِيحَ ابْنَ مَرْيَمَ وَمَا أُمِرُوا إِلاَّ لِيَعْبُدُوا إِلَهًا وَاحِدًا لا إِلَهَ إِلاَّ هُوَ سُبْحَانَهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ" فقلت له: إنا لسنا نعبدهم، قال: أليس يُحَرِّمُونَ ما أحل الله فتُحَرِّمُونَهُ؟ ويُحِلُّونَ ما حَرَّمَ الله فتُحِلُّونَهُ؟ فقلت: بلى، قال: فتلك عبادتهم".
[صحيح] - [رواه الترمذي]
المزيــد ...

Ayon kay ,'Udayy bin Hātim- malugod si Allāh sa kanya.-"Katotohanang narinig niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na binabasa niya ang talatang ito:{ Sila [mga Hudyo at Kristiyano] ay tumangkilik sa kanilang mga Ahbar [maalam na tao sa Relihiyon] at sa kanilang mga monako [pari], bilang kanilang Panginoon maliban pa kay Allah,At sila rin ay [nagtaguri bilang kanilang Panginoon] ang Mesiyas na anak ni Maria,samantalang walang ipinag-utos sa kanila maliban sa sambahin nila ang Nag-iisang Panginoon,Wala ng ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya,Ang Kaluwalhatian ay sa Kanya; mula sa lahat ng katambal na itinataguri [sa pagsamba sa Kanya]} Sinabi ko sa kanya: Tunay na kami ay hindi sumasamba sa kanila.Nagsabi siya: Hindi ba`t ipinagbabawal nila ang mga bagay na ipinahihintulot ni Allah,at ipinagbabawal din ninyo ang mga ito? At ipinahihintulot nila ang mga bagay ng ipinagbabawal ni Allah,at ipinahihintulot din ninyo ito? Sinabi kong: Oo,Nagsabi siya: Ito ang [pamamaraan] ng pagsamba nila"
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

Ang pagpapaliwanag

Nang marinig ng marangal na kasamahan ng Propetang ito ang pagbabasa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa talatang ito,kung saan ay napapaloob rito ang kapahayagan sa mga Hudyo ay Kristiyano: Na ang mga maalam sa relihiyon nila at ang mga mapagsamba sa kanila,ay ginawa nilang Panginoon nila,isinasabatas nila ang mga bagay na sumasalungat sa batas ni Allah,at pinaniniwalaan nila ang mga ito.Nag-alinlangan siya sa kahulugan nito;Dahil inaakala niya, na ang pagsamba ay sa pamamaraan lamang ng pagpapatirapa at sa mga katulad nito.Kaya ipinahayag sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang kabilang sa pagsamba ng mga taong maalam sa relihiyon at mga monako [pari],ay ang paniniwala sa kanila sa paagbabawal sa mga bagay na ipinahintulot at pagpapahintulot sa mga bagay na ipinagbawal,bilang pagsuway sa batas ni Allah-pagkataas-taas Niya- at sa Sugo niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan