+ -

عن عبد الله بن عمرو بن العاص - رضي الله عنه- مرفوعاً: "مَن ردته الطِّيَرَة عن حاجته فقد أشرك، قالوا: فما كفارة ذلك؟ قال: أن تقول: اللهم لا خير إلا خيرك، ولا طَيْرَ إِلَّا طَيْرُكَ ولا إله غيرك".
[صحيح] - [رواه أحمد]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ: "Ang sinumang hinadlangan sa [pagtamo ng] pangangailangan niya ng minamasamang pangitain ay nakagawa nga ng pagtatambal [kay Allāh]." Nagsabi sila: "Kaya ano po ang panakip-sala roon?" Nagsabi siya: "Na sabihin mo: Allāhumma lā khayra illā khayruka wa lā ṭayra illā ṭayruka wa lā ilāha ghayruka (O Allāh, walang kabutihan maliban sa kabutihan Mo, walang masamang pangitain maliban sa masamang pangitain Mo, at walang Diyos bukod pa sa Iyo)."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid sa atin ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa ḥadīth na ito na ang sinumang hinadlangan ng masamang pangitain sa pagpapatuloy sa anumang napagpasyahan niya, tunay na siya ay nakagawa ng isang uri ng Shirk. Noong tinanong siya ng mga Kasamahan niya tungkol sa panakip-sala sa malaking kasalanang ito, ginabayan niya sila sa mga marangal na pararilang ito sa ḥadīth na naglalaman ng pagpapaubaya ng kapakanan kay Allāh at nga pagkakaila ng kapangyarihan sa iba pa sa Kanya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan