عَنْ مَحْمُودِ بْنِ لَبِيدٍ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّ أَخْوَفَ مَا أَخَافُ عَلَيْكُمُ الشِّرْكُ الْأَصْغَرُ» قَالُوا: وَمَا الشِّرْكُ الْأَصْغَرُ يَا رَسُولَ اللهِ؟ قَالَ: «الرِّيَاءُ، يَقُولُ اللهُ عز وجل لَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ إِذَا جُزِيَ النَّاسُ بِأَعْمَالِهِمْ: اذْهَبُوا إِلَى الَّذِينَ كُنْتُمْ تُرَاؤُونَ فِي الدُّنْيَا، فَانْظُرُوا هَلْ تَجِدُونَ عِنْدَهُمْ جَزَاءً؟».
[حسن] - [رواه أحمد] - [مسند أحمد: 23630]
المزيــد ...
Ayon kay Maḥmūd bin Labīd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Tunay na ang pinakapinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay ang Maliit na Pagtatambal." Nagsabi sila: "Ano po ang Maliit na Pagtatambal, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagpapakitang-tao. Magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa kanila sa Araw ng Pagbangon kapag gagantihan ang mga tao sa mga gawa nila: Pumunta kayo sa kanila na kayo noon ay nagpapakitang-tao sa Mundo, saka tumingin kayo kung makatatagpo kaya kayo sa piling nila ng isang ganti."}
[Maganda] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad] - [مسند أحمد - 23630]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang higit sa anumang pinangangambahan niya para sa Kalipunan niya ay ang Maliit na Pagtatambal. Ito ay ang pagpapakitang-tao sa pamamagitan ng paggawa dahil sa mga tao. Pagkatapos nagpabatid siya tungkol sa kaparusahan ng mga tagapagpakitang-tao sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng pagsabi sa kanila: "Pumunta kayo sa kanila na kayo noon ay gumagawa alang-alang sa kanila, saka tumingin kayo kung makapangyayari kaya sila sa paggantimpala sa inyo at pagkakaloob ng pabuya sa inyo sa gawang iyon."