+ -

عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ مَسعودٍ رضي الله عنه عن رَسولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم قال:
«الطِّيَرَةُ شِرْكٌ، الطِّيَرَةُ شِرْكٌ، الطِّيَرَةُ شِرْكٌ، -ثلاثًا-»، وَمَا مِنَّا إِلَّا، وَلَكِنَّ اللهَ عَزَّ وَجَلَّ يُذْهِبُهُ بِالتَّوَكُّلِ.

[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي وابن ماجه وأحمد] - [سنن أبي داود: 3915]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang pagmamasama ng pangitain ay pagtatambal [kay Allāh]. Ang pagmamasama ng pangitain ay pagtatambal [kay Allāh]. Ang pagmamasama ng pangitain ay pagtatambal [kay Allāh]." Tatlong ulit. Walang kabilang sa atin malibang [nakaranas nito] subalit si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nag-aalis nito sa pamamagitan ng pananalig."}

[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 3915]

Ang pagpapaliwanag

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagmamasama ng pangitain. Ito ay ang pagpapalagay ng kasamaan mula sa alinmang bagay, naririnig man o nakikita, gaya ng mga ibon o mga hayop o mga may kapansanan o mga numero o mga araw o iba pa riyan. Binanggit lamang niya ang ibon dahil ito ay ang napatanyag noon sa ganang Panahon ng Kamangmangan. Ang pinag-ugatan nito ay ang pagpapawala ng ibon sa sandali ng pagsisimula sa isang gawain gaya ng paglalakbay o pangangalakal o iba pa riyan. Kaya naman kung lumipad ang ibon sa dakong kanan, magpapalagay ng kabutihan at magpapatuloy sa anumang ninanais; at kung lumipad naman ito sa dakong kaliwa, magpapalagay ng kasamaan at magpipigil sa anumang ninanais. Nagpabatid siya na ito ay pagtatambal. Ang pagpapalagay ng kasamaan ay pagtatambal lamang dahil walang nagdudulot ng kabutihan kundi si Allāh at walang nagtutuloy ng kasamaan kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya.
Bumanggit ang Anak ni Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na may maaaring nasasadlak sa puso ng Muslim na isang bahagi ng pagpapalagay ng kasamaan subalit kailangan sa kanya na magtulak niyon sa pamamagitan ng pananalig kay Allāh kasama ng paggawa ng mga kadahilanan.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagtuturing ng kasamaan ay pagtatambal dahil dito ay may pagkahumaling ng puso sa iba pa kay Allāh.
  2. Ang kahalagahan ng pag-uulit-ulit ng mga mahalagang usapin upang maisaulo at manatili sa mga puso.
  3. Ang pagtuturing ng kasamaan ay inaalis ng pananalig kay Allāh (napakataas Siya).
  4. Ang pag-uutos ng pananalig kay Allāh – tanging sa Kanya – at ang pagkahumaling ng puso sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya).
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية المقدونية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan