عن أبي هريرة رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم:
«اللهُمَّ لَا تَجْعَلْ قَبْرِي وَثَنًا، لَعَنَ اللهُ قَوْمًا اتَّخَذُوا قُبُورَ أَنْبِيَائِهِمْ مَسَاجِدَ».
[صحيح] - [رواه أحمد] - [مسند أحمد: 7358]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"O Allāh, huwag Mong gawin ang libingan ko bilang isang diyus-diyusan." Sumumpa si Allāh sa mga taong gumawa sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan.}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad] - [مسند أحمد - 7358]
Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Panginoon niya na huwag gawin ang libingan niya tulad ng anito na sinasamba ng mga tao dahil sa pagdakila sa kanya at pagharap sa kanya sa pagpapatirapa. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nagpalayo at nagtaboy mula sa awa Nito ng sinumang gumawa sa mga libingan ng mga propeta bilang mga dasalan dahil ang paggawa sa mga ito bilang mga dasalan ay isang maipandadahilan tungo sa pagsamba sa mga ito at paniniwala kaugnay sa mga ito.