Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

O Allāh, huwag Mong gawin ang libingan ko bilang isang diyus-diyusan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sila ang mga grupo ng taong,kapag namatay sa kanila ang mabuting lingkod,nagtatayo sila sa puntod niya ng masjid,at iginuguhit nila ang larawang iyon,Sila ang pinakamasamang likha para kay Allah))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pantayin ninyo ang inyong mga linya,Sapagkat tunay na ang pagpapantay sa mga linya ay kabilang sa pagiging ganap ng pagdarasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong gawin ang aking puntod bilang lugar na palagiang bisitahin, at ang mga bahay niyo na parang mga puntod, at manalangin kayo sa akin, dahil tiyak na ang inyong panalangin ay aabot sa akin kahit saan sulok pa man kayo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang dumaan sa mga bagay mula sa aming mga Masjid,o tindahan, at sa kanya ay may palaso,hawakan niya ito o hawakan niya ang ulo ng palaso sa kamay niya,upang hindi tamaan ang isa sa mga muslim mula sa mga bagay na ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung nagkataong kayong dalawa ay kabilang sa mga mamamayan ng Madīnah, talagang sinaktan ko na sana kayong dalawa. Itinataas ninyong dalawa ang mga tinig ninyong dalawa sa masjid ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Pagdura sa Masjid ay kasalanan,at ang makakapag-tanggal [sa kasalanang ito] ay ang paglilibing rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ko napag-utusan sa pagpapataas ng mga Masjid
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
'Ang sinumang nagpatayo ng isang masjid para kay Allāh, magpapatayo si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng tulad nito.'"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Isang ṣalāh sa Masjid kong ito ay higit na mabuti kaysa sa isang libong ṣalāh sa anumang iba pa rito maliban sa Masjid na Pinakababanal."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, yumukod siya ng dalawang rak`ah bago siya umupo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, magsabi siya ng: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo)."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Habang ang mga tao ay nasa Quba`sa dasal na madaling-araw (Subh) ay dumating sa kanila ang Ayah,nagsabi siya: Na ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay ibinaba sa kanya noong gabi ang Qur-an,at ipinag-utos sa kanya ang pagharap sa Qiblah,at humarap sila rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating ang isang Arab [Naninirahan sa Disyerto],Umihi siya sa sulok ng Masjid,Itinaboy siya ng mga tao,Pinagbawalan sila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At nang matapos siya sa pag-ihi,Ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[na kumuha ng] tabo mula sa tubig,ibinuhus ito rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pagpapatantayin ninyo ang inyong mga linya o babaliktarin ni Allah ang inyong mga mukha
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Angkan ng Salamah, manatili kayo sa mga tahanan ninyo, isusulat ang mga bakas ninyo; manatili kayo sa mga tahanan ninyo, isusulat ang mga bakas ninyo [papuntang Masjid].
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Inilahad sa akin ang mga gawa ng Kalipunan ko: ang maganda sa mga ito at ang masagwa sa mga ito. Natagpuan ko sa mga kagandahan ng mga gawa nito ang nakapipinsala ay inaalis sa daan at natagpuan ko sa mga kasagwaan ng mga gawa nito ang plema ay nasa masjid hindi inililibing.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay ang mga masjid na ito ay hindi naaangkop sa anuman mula sa ihing ito ni dumi. Ang mga ito ay ukol lamang sa pag-alaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya o sa pagbigkas ng Qur'ān.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
may isang lalaking nanawagan sa masjid at nagsabi: "Sino ang nakaalam sa pulang kamelyo?," kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag mo nawang matagpuan. Itinayo lamang ang mga masjid para sa layon ng pagpapatayo ng mga ito."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinag-utos ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagpapatayo ng mga Masjid sa Nayon,at ang paglilinis at pagpapabango [rito].
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Ipinapanumpa ko sa Allah" Narinig moba ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa sinasabi nya:(( Tumugon ka para sa akin, O Allah! tulungan mo siya sa pamamagitan ng Banal na Kaluluwa [Anghel Jibril]" Nagsabi siya: O Allah,Oo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang makarinig ng isang lalaki na nananawagan sa nawawala niyang [alagang] hayop sa loob ng Masjid,Sabihin niyang: Naway hindi ibalik ni Allah sa iyo,sapagkat ang mga Masjid ay hindi itinayo dahil dito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: Kapag nakita ninyo ang sinumang magbinta at mamili sa loob ng Masjid,sabihin ninyong:Naway Hindi kapakinabangan ni Allah ang pagtitinda mo,at kapag nakita ninyo ang sinumang nag-aanyaya rito ng pagkaligaw,sabihin ninyong: Naway hindi ito tugunan ni Allah sa iyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hayaan mo silang dalawa ( sa paglalaro) O Abu Bakar,sapagkat ito ay araw ng Eid)), ang mga araw na ito, ay mga araw sa Minā
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi magugunaw ang mundo hanggat hindi [nagawang] magmalaki ang mga tao ng mga Masjid
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Hurayrah.Nagsabi siya:Nagpadala ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Kabayo sa mga Najd,Dumating ito sakay ng isang lalaking nagmula sa Tribo ng Hanifah na ang tinatawag sa kanya ay Thumamah bin `Uthal,ang pinuno ng Tribo ng Al-Yamamah,itinali nila ito sa haligi mula sa mga haligi ng Masjid,Lumabas sa kanya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:(( Ano ang nangyari sa iyo o Thumamah?))Nagsabi siya: Mayroon ako O Muhammad,Kabutihan,Kung papatay ka,papatay ka (sa taong) may kadugo,at kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat,At kapag inibig mo ay kayamanan,humiling ka, ay mapagbibigyan ka sa anumang naisin mo,Iniwan siya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-hanggang sa paglipas ng isang araw,Nagsabi siya: ((Ano ang nangyari sa iyo o Thumamah?Nagsabi siya: Tulad ng sinabi ko sa iyo, kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat,at Kung papatay ka,papatay ka (sa taong) may kadugo,At kapag inibig mo ay kayamanan,humiling ka ay mapagbibigyan ka sa anumang naisin mo,Iniwan siya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-hanggang sa paglipas ng isang araw,Nagsabi siya: ((Ano ang nangyari sa iyo o Thumamah?Nagsabi siya: Walang mayroon sa akin maliban sa tulad ng sinabi ko sa iyo, kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat,at Kung papatay ka,papatay ka (sa taong) may kadugo,At kapag inibig mo ay kayamanan,humiling ka at mapagbibigyan ka sa anumang naisin mo,Ang sabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Pakawalan niyo si Thumamah)),Humayo siya sa puno ng Palmera na malapit sa Masjid,at naligo siya,Pagkatapos ay pumasok siya sa Masjid at nagsabi siya: Ako ay sumasaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah,at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay alipin nito at Sugo nito; O Muhammad,Sumpa sa Allah,Wala sa ibabaw ng kalupaan,ang mukhang pinaka-mumunghi para sa akin maliban sa mukha mo,at tunay na ang pagmumukha mo ngayon ang pinaka-mamahal sa lahat ng mukha para sa akin,at walang ibang Reliyon ang pinakamumunghi para sa akin maliban sa iyong Relihiyon,at ngayon ay naging ang Relihiyon mo ang pinaka-mamahal sa lahat ng mga Relihiyon para sa akin,Sumpa kay Allah,Walang ibang Lugar ang pinaka-mumunghi para sa akin maliban saLugar mo,at ngayon naging ang Lugar mo,ang pinaka-mamahal sa lahat ng Lugar para sa akin,at tunay na ang kabayo mo ay kumuha sa akin,at gusto kong magsagawa ng Umrah,ano sa tingin mo?Ibinalita sa kanya (ang magandang balita) ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ipinag-utos nito sa kanya na magsagawa ng Umrah,At nang dumating siya sa Meccah,nagsabi sa kanya ang tagapag-salita: Natulad ka ba sa kanya,Nagsabi siya:Hindi,Ngunit yumakap ako (sa Islam) kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At Hindi,! Sumpa kay Allah,Hindi darating sa inyo mula sa Yamamah ang kahit isang butil ng trigo hanggang sa ito`y ipahintulot ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Saheh Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi isinasagawa ang Hudūd {Kaparusahan na itinalaga ni Allah} sa loob ng Masjid, at Hindi rin ang pagsasagawa ng Qisās {Batas ng pagkakapantay-pantay sa kaparusahan} rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi siya;Tinamaan si Saad sa araw ng Khandaq;tinamaan siya ng isang lalaki mula sa Quraysh,na tinatawag na Habban bin Al-`Araqah at siya ay si Habban bin Qays mula sa tribo ng Muays bin `Amer bin Luay,tinamaan niya ito sa hinlalaki,Gumawa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng tolda sa loob ng Masjid upang mabisita niya ito ng malapit.At nang bumalik ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa Khandaq,inilagay niya ang armas niya at naligo siya,Dumating sa kanya si Jibrel-Sumakanya ang pangangalaga-habang inaalis niya sa ulo niya ang mga alikabok,Nagsabi siya;Tunay na ibinaba mo ang armas;Sumpa kay Allah,huwag mo itong ibaba,Lumabas ka sa kanila,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Saan?Nagpahiwatig siya sa mga Tribo ng Qurayza" Dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ibinaba niya sa kanila ang hatol nila,Ipinagkatiwala niya ang hatol kay Saad;Nagsabi siya: Tunay na ihahatol ko sa kanila; Na Patayin ang lahat ng nakipaglaban,at bihagin ang mga kababaihan at mga kabataan,at Paghatian ang mga kayamanan nila,Nagsabi si Hisham;Ipinahayag sa akin ng Ama ko,buhat kay `Aishah; na si Saad ay nagsabi; O Allah,Tunay na alam Mo na wala ng iba na kaibig-ibig sa akin,maliban sa pakikipaglaban ko sa landas Mo,mula sa mga Taong nagpasinungaling sa Sugo Mo,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagtakwil sa kanya,O Allah,Katotohanang iniisip ko na tinapos Mo na ang paglalaban sa pagitan namin at pagitan nila,Kung mayroon pang natitirang pakikipaglaban sa mga Quraysh,ipagpanatili Mo ako rito,upang makipaglaban ako sa kanila,para sa Iyo,at kung itinigil Mona ang pakikipaglaban,Pasabugin ito at Gawin Mo ang kamatayan ko rito,sumabog siya dahil sa kapasiyahan niya at hindi na nila ito naalagaan,at sa loob ng Masjid ay may tolda mula sa Tribo ng Gafar,(wala silang nakita) maliban sa maraming dugong dumadaloy sa kanila;Nagsabi sila: O mga taong naninirahan sa tolda,Ano itong dumating sa amin mula sa una sa inyo?Kung-kaya`t si Saad,ay pumapatak sa sugat niya ang dugo,hanggang sa pumanaw siya rito-malugod si Allah sa kanya-Saheh Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi siya: At siya ay dumarating sa akin at nakikipag-usap sa akin,Nagsabi siya: At hindi siya umupo sa akin sa isang pag-upo[upang makipag-usap sa akin] maliban sa nasasabi niyang:At sa Araw ng Sintas [na yari sa perlas at diyamante] ay kabilang sa mga nakakamanghang [pangyayari] mula sa Panginoon natin,Hindi bat tunay na ito ay sa lugar ng mga Walang Pananampalataya,at iniligtas Niya ako.Isinalaysay ni Imam Al-Bukhari
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu