وعن السائب بن يزيد الصحابي رضي الله عنه قال: كنت في المسجد فَحَصَبَنِي رَجُل، فنظرت فإذا عمر بن الخطاب رضي الله عنه فقال: اذهب فَأتِنِي بِهذَينِ، فَجِئْتُهُ بهما، فقال: من أين أنتما؟ فقالا: من أهل الطائف، فقال: لو كُنْتُمَا من أهل البلد، لأَوْجَعْتُكُمَا، تَرْفَعَان أصْوَاتَكُما في مسجد رسول الله صلى الله عليه وسلم !
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay As-Sā’ib bin Yazīd na Kasamahan, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ako noon ay nasa masjid at binato ako ng isang lalaki. Tumingin ako at si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, pala. Nagsabi siya: Umalis ka at dalhin mo sa akin ang dalawang iyan. Dinala ko silang dalawa at nagsabi siya: Taga saan kayong dalawa? Nagsabi silang dalawa: Kabilang sa mga mamamayan ng Ṭā’if. Nagsabi siya: Kung nagkataong kayong dalawa ay kabilang sa mga mamamayan ng Madīnah, talagang sinaktan ko na sana kayong dalawa. Itinataas ninyong dalawa ang mga tinig ninyong dalawa sa masjid ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Nagpapabatid si As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allah sa kanya, ng tungkol sa isang pangyayaring naganap sa harap niya. Ito ay tungkol sa dalawang lalaking nagtataas ng mga tinig nilang dalawa sa masjid ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Narinig iyon ni `Umar, malugod si Allah sa kanya kaya binato niya si As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allah sa kanya. Iyon ay upang dalhin nito sa kanya ang dalawang lalaki. Nagsabi si As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allah sa kanya: Kaya dinala ko sa kanya silang dalawa at tinanong niya silang dalawa kung tagasaan silang dalawa. Nagsabi silang dalawa: "Kabilang sa mga mamamayan ng Ṭā’if." Nagsabi naman siya: "Kung nagkataong kayong dalawa ay kabilang sa mga mamamayan ng Madīnah, talagang sinaktan ko na sana kayong dalawa. Itinataas ninyong dalawa ang mga tinig ninyong dalawa sa masjid ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan." Nangangahulugan ito: "Kung nagkataong kayong dalawa ay kabilang sa mga mamamayan ng Madīnah, talagang pinarusahan ko na sana kayong dalawa dahil sa pagtataas ninyong dalawa ng mga tinig sa masjid ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Yamang kayo ay hindi kabilang sa mga mamamayan ng Madīnah, pagpapaumanhinan kayong dalawa dahil sa kamangmangan ninyong dalawa dahil ang madalas ay nakalingid ang mga patakaran ng Batas ng Islam sa sinumang ang kalagayan ay tulad ng kalagayan nilang dalawa."