عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«سَوُّوا صُفُوفَكُمْ، فَإِنَّ تَسْوِيَةَ الصَّفِّ مِنْ تَمَامِ الصَّلَاةِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 433]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Magpantay kayo ng mga linya ninyo sapagkat tunay na ang pagpapantay ng linya ay kabilang sa pagkalubos ng pagdarasal."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 433]
Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tagapagsagawa ng ṣalāh na magpantay sila ng mga linya nila, na hindi umuna ang iba sa kanila sa iba pa at hindi humuli, na ang pagpapantay ng mga ito ay bahagi ng pagkalubos ng pagsasagawa ng ṣalāh at kakumpletuhan nito, at na ang kabaluktutan ng linya ay kasiraan at kakulangan dito.