+ -

عن أبي موسى الأشعري رضي الله عنه قَالَ: قالَ رسول اللَّه -صَلّى اللهُ عَلَيْهِ وسَلَّم-: «إِنَّ مِنْ إِجْلاَلِ الله -تَعَالَى-: إِكْرَامَ ذِي الشَّيْبَةِ المُسْلِمِ، وَحَامِلِ القُرْآنِ غَيرِ الغَالِي فِيه، وَالجَافِي عَنْه، وَإِكْرَام ذِي السُّلْطَان المُقْسِط».
[حسن] - [رواه أبو داود]
المزيــد ...

Ayon kay Abe Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Kabilang sa pagdadakila kay Allah-Pagkataas-taas Niya:Ay ang paggalang sa matandang muslim,at sa nakapag-saulo ng Qur-an na hindi nagmamalabis dito,at [hindi] naglikas sa [pagbabasa] nito,at paggalang sa isang pinunong makatarungan))
[Maganda] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

Ang pagpapaliwanag

Naipatnubay sa Hadith na ito,na ang kabilang sa magkakamit sa pagdadakila kay Allah-Napakamaluwalhati Niya- Pagpipitagan at Pagpapakumbaba sa Kanya-Ay ang mga bagay na nabanggit sa Hadith na ito:(Ang paggalang sa matandang muslim):Ibig sabihin ay pagpaparangal sa isang matanda sa Islam sa pamamagitan ng paggalang sa kanya sa pagpupulong,pagiging maka-tao sa kanya,at pagbibigay awa sa kanya,at iba pang tulad nito,at ang lahat ng mga ito ay kabilang sa ganap na pagdadakila kay Allah,dahil sa [pagiging] banal niya para kay Allah.(At ang nakasa-ulo ng Qur-an) Ibig sabihin ay:Pagbibigay galang sa nakapagsa-ulo nito,at tinawag itong Tagapagdala;sapagkat ito ay dala-dala niya sa puso niya,at dahil sa dinadala nitong sobrang hirap na dumadagdag sa bigat na dinadala nito.At kabilang sa pagbibigay galang na ito ang taong nag-aabala sa Qur-an,[sa pamamagitan ng] pagbabasa at pagbibigay kahulugan.At ang nakasa-ulo ng Qur-an na nabanggit sa Hadith ng Propetang ito,ay may dalawang katangian inilalarawan:(Hindi nagmamalabis): At ang pagmamalabis, ay ang paghihigpit at paglampas sa limitasyon,ibig sabihin ay walang pagpapasensiya sa limitasyon ng pagsasagawa nito,at sa pagsubaybay sa anumang naging lingid dito,at sa mga hindi maliwanag para sa kanya mula sa mga kahulugan nito,at sa limitasyon ng pagbasa at linalabasan ng mga letra nito.At sinasabing ang Pagmmalabis: Ay ang pagmamalabis sa Tajwed [Panuntuntunan sa Pagbasa ng Qur-an],o ang pagmamadali sa pagbasa kung saan ay humahadlang sa kanya sa pagsasaalang-alang sa kahulugan [nito].(At [hindi] naglikas sa [pagbabasa] nito): ibig sabihin ay hindi siya lumalayo rito,[tulad ng] pagtalikod sa pagbabasa nito at pagpapahusay sa mga kahulugan nito,at pagsasagawa sa mga napapaloob rito,At sinasabi na ang Paglikas:Ay ang pag-iwan rito pagkatapos niyang matutunan,lalong-lalo na kung nakalimutan niya ito dahil sa pagpapabaya at pagtalikod.At ang pinakahuling nabanggit ng Propeta na dapat ay pagtuunan ng pansin ang paggalang sa kanya ay ang (Pinunong makatarungan): Ibig sabihin ay ang nagmamay-ari ng kapangyarihan at katungkulan na makatarungan,Ang paggalang sa kanya ay dahil sa pagbibigay pakinabang niya sa karamihan at pagpapabuti niya sa kanyang pinamumunuan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan