+ -

عن شداد بن أوس رضي الله عنه قال: ثِنْتَانِ حَفِظْتُهُمَا عَنْ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّ اللهَ كَتَبَ الْإِحْسَانَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ، فَإِذَا قَتَلْتُمْ فَأَحْسِنُوا الْقِتْلَةَ، وَإِذَا ذَبَحْتُمْ فَأَحْسِنُوا الذَّبْحَ، وَلْيُحِدَّ أَحَدُكُمْ شَفْرَتَهُ، فَلْيُرِحْ ذَبِيحَتَهُ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1955]
المزيــد ...

Ayon kay Shaddād bin Aws (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dalawang naisaulo ko buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng pagpapaganda sa bawat bagay. Kaya kapag pumatay kayo, pagandahin ninyo ang pagkapatay. Kapag kumatay kayo, pagandahin ninyo ang pagkatay. Hasain ng isa sa inyo ang patalim niya saka bigyang-kapahingahan niya ang kakatayin niya."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1955]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nag-obliga sa atin ng paggawa ng maganda sa lahat ng mga bagay. Ang paggawa ng maganda ay ang pagsasaalang-alang kay Allāh palagi sa pagsamba sa Kanya at sa pagkakaloob ng kabutihan at pagpigil ng perhuwisyo sa mga nilikha. Kabilang doon ang paggawa ng maganda sa pagpatay at pagkatay.
Ang paggawa ng maganda sa pagpatay ay sa sandali ng ganting-pinsala sa pamamagitan ng pagpili ng pinakamadali sa mga pamamaraan, pinakamagaan sa mga ito, at pinakamabilis sa mga ito sa pagpaslang sa papatayin.
Ang paggawa ng maganda sa pagkatay ay sa sandali ng pagkatay ng hayop sa pamamagitan ng pagpapakabanayad sa hayop sa pamamagitan ng paghahasa ng kasangkapan, na hindi maghasa nito sa harap ng kakatayin habang ito ay nakatingin sa patalim, at na hindi magkatay nito habang doon ay may mga hayop na nakatingin sa kakatayin.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang awa ni Allāh at ang kabaitan Niya sa nilikha.
  2. Ang paggawa ng maganda sa pagpatay at pagkatay ay sa pamamagitan ng pagiging ito ay alinsunod sa paraang isinasabatas.
  3. Ang kalubusan ng Batas ng Islām at ang pagkasaklaw nito sa bawat kabutihan. Kabilang doon ang pagkaawa sa hayop at ang kabanayaran dito.
  4. Ang pagsaway laban sa pagluray sa tao matapos ng pagkapatay rito.
  5. Ang pagbabawal sa bawat anumang may pagpapasakit sa hayop.