عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِذَا تَوَضَّأَ أَحَدُكُمْ فَلْيَجْعَلْ فِي أَنْفِهِ ثُمَّ لِيَنْثُرْ، وَمَنِ اسْتَجْمَرَ فَلْيُوتِرْ، وَإِذَا اسْتَيْقَظَ أَحَدُكُمْ مِنْ نَوْمِهِ فَلْيَغْسِلْ يَدَهُ قَبْلَ أَنْ يُدْخِلَهَا فِي وَضُوئِهِ، فَإِنَّ أَحَدَكُمْ لاَ يَدْرِي أَيْنَ بَاتَتْ يَدُهُ».
ولفظ مسلم: «إِذَا اسْتَيْقَظَ أَحَدُكُمْ مِنْ نَوْمِهِ فَلَا يَغْمِسْ يَدَهُ فِي الْإِنَاءِ حَتَّى يَغْسِلَهَا ثَلَاثًا، فَإِنَّهُ لَا يَدْرِي أَيْنَ بَاتَتْ يَدُهُ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 162]
المزيــد ...
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang isa sa inyo, maglagay siya ng tubig sa ilong niya, pagkatapos magsinga siya nito. Ang sinumang mag-iwang, gawin niya sa gansal na bilang. Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, maghugas siya ng kamay niya bago siya magpasok nito sa panghugas niya sapagkat tunay na ang isa sa inyo ay hindi nakaaalam kung saan nagmagdamag ang kamay niya."} Ang pananalita ni Imām Muslim: "Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, huwag siyang maglubog ng kamay niya sa lalagyan hanggang sa makapaghugas siya nito nang tatlong ulit sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung saan nagmagdamag ang kamay niya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 162]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga patakaran ng ṭahārah. Kabilang sa mga ito: A. Ang sinumang nagsasagawa ng wuḍū', kailangan sa kanya na magpasok ng tubig sa ilong niya sa pamamagitan ng paghinga, pagkatapos magpapalabas siya nito sa pamamagitan ng paghinga rin. B. Ang sinumang nagnais na maglinis ng karumihang lumalabas mula sa kanya at mag-alis nito sa pamamagitan ng iba pa sa tubig gaya ng bato at tulad nito, ang paglilinis niya ay ayon sa bilang na may butal, na ang pinakakaunti nito ay tatlo at ang pinakamarami nito ay ang anumang naaalis sa pamamagitan nito ang karumihang lumalabas at nalilinis ang labasan. C. Ang sinumang nagising mula sa pagkatulog sa gabi ay hindi magpapasok ng kamay niya sa lalagyan ng tubig upang magsagawa ng wuḍū' hanggang sa makapaghugas siya nito nang tatlong ulit sa labas ng lalagyan sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung saan nagmagdamag ang kamay niya, kaya hindi siya nakatitiyak sa karumihan ng kamay. Maaaring mangyaring kumalikot nito ang demonyo at nagdala rito ng mga bagay na nakapipinsala sa tao o nakasisira sa kadalisayan ng tubig.