عن أنس بن مالك رضي الله عنه أن النبي صلى الله عليه وسلم كان إذا دخل الخَلاء قال: ((اللهم إني أَعُوذ بك من الخُبُثِ والخَبَائِث)).
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay pumapasok sa Palikuran.Siya ay nagsasabi :(( O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga [masasamang espirito ng mga] lalaki at babae,))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Binabanggit sa atin ni Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-ang napakarangal na naglilingkod sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa Hadith na ito,ang kaugalian ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagsagawa siya ng pagdudumi niya,at siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa dami ng pananalangin niya sa Panginoon niya,Hindi niya iniiwan ang pag-aalaala at paghingi niya ng tulong sa Kanya [Allah] sa kahit na anong kalagayan,Siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag ninais niyang pumasok sa isang lugar kung saan ay isasagawa niya ang pagdudumi niya,Nagpapakupkop siya sa Allah,at nanalangin siya sa Kanya [Allah] na mapangalagaan siya laban sa kasamaan ng mga duming ito,at ang maprotektahan siya sa mga masamang espiritu,at sila ang mga Satanas,sila yaong nagsusumikap sa lahat ng pagkakataon na sirain ang Muslim sa gawaing Relihiyon at pagsamba nito.