+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: ((كان رسول الله صلى الله عليه وسلم يدخل الخلاء، فأحمل أنا وغلام نَحوِي إِدَاوَةً مِن ماء وَعَنَزَة؛ فيستنجي بالماء)).
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya.-Siya ay nagsabi: ((Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumapasok sa Palikuran,Nagdadala ako at ang isang bata [nasa tamang gulang] ng isang lalagyan ng tubig at patpat,Naglilinis siya rito gamit ang tubig))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Binabanggit ng isang lingkod ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siya si Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag pumapasok sa lugar ng palikuran,dumarating siya kasama ang isang bata na may dalang pampalinis niya,na siyang magpapatigil sa kanya sa kapinsalaan.at ito ay tubig sa loob ng lalagyang maliit na yari sa balat.At gayundin nagdadala silang dalawa ng anumang bagay na makakapagtakip sa kanila sa paningin ng mga tao,At ito ang maikling patpat,sa dulo niya ay may bakal itinutusok niya sa lupa at inilalagay niya rito ang isang bagay tulad ng sarong o mga tulad pa nito,magpoproteksiyon sa kanya sa paningin ng mga dumadaan,at magsisilbing pangharang din sa kanya kapag inibig niyang magdasal.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin