Talaan ng mga ḥadīth

{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay napagagalak sa pagkakanan sa pagsasandalyas niya, pagsusuklay niya, at pagdadalisay niya, at sa pumapatungkol sa kanya sa kabuuan nito.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagdasal ako kasama ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ng dalawang tindig bago ang Al-Dhuhr;at dalawang tindig pagkatapos nito,at dalawang tindig pagkatapos ng Al-Jumuah,at dalawang tindig pagkatapos ng Al-Maghrib,at dalawang tindig pagkatapos ng Al-`Eishah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag tumitindig siya [sa pagdarasal] sa gabi, ay nagsisipilyo ng bibig niya sa pamamagitan ng siwāk.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang Diyos kundi si Allāh. Kapighatian ay ukol sa mga Arabe mula sa isang kasamaan na nalapit na! Binuksan ngayong araw mula sa saplad ng Gog at Magog ang tulad nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naglalakbay-Nagdasal siya ng `Eishah sa huling [oras nito],binasa niya sa unang dalawang tindig ang kabanata ng Atten at Azzaytun,Wala pa akong narinig sa sinuman na may mas magandang tinig o pagbasa sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay nagdadasal [nagpapatirapa],pinaglalayo niya ang pagitan ng dalawang bisig nito,hanggang sa naaaninag ang kaputian ng dalawang kili-kili niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay bumibisita sa Quba na sumasakay at naglalakad,Nag-aalay siya rito ng dalawang Tindig na pagdarasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog sa unang bahagi ng gabi at gumigising sa huling bahagi nito at nagdadasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbabasa sa dasal ng Fajr sa araw ng Jumuah ng:{Alif,Lam,Mim,Ang pagkapahayag ng Aklat (Qur-an) ay walang pag-aalinlangan na nagmula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang} at {Hindi baga dumatal sa ang isang panahon na siya ay hindi [man lamang] isang bagay na nababanggit?}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ano ang isip ng mga taong nagsasabi ng ganito? Subalit ako ay nagdarasal, natutulog, nag-aayuno, tumitigil sa pag-aayuno, at nakikipagtalik sa mga babae. Ang sinumang umayaw sa sunnah ko ay hindi kabilang sa akin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kanan [ay gingamit niya sa paglilinis niya at pagkain niya,At ang Kaliwa ay [ginagamit niya] sa palikuran niya at sa anumang mga nakakapinsala
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumapasok sa Palikuran,Nagdadala ako at ang isang bata [nasa tamang gulang] ng isang lalagyan ng tubig at patpat,Naglilinis siya rito gamit ang tubig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinakita sa akin sa isang panaginip na ako ay naglilinis ng ngipin gamit ang siwak,dumating sa akin ang dalawang kalalakihan,ang isa ay mas malaki mula sa iba,Ibinigay ko ang siwak sa maliit,Ngunit sinabi sa akin: Sa malaki,Kaya ibinigay ko ito sa mas malaki sa kanilang dalawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan na hindi Ako magpapabaya sa pagdadasal ko (kay ALLAH) para sa inyo tulad ng ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagdarasal niya (kay Allah) para sa amin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagdasal ako kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang gabi. Nagsimula siya Al-Baqarah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi nag-aayuno sa loob ng isang buwan hanggang sa inaakala naming hindi siya nag-aayuno rito,At Nag-aayuno siya hanggang sa aakalain naming hindi siya sumisira [sa pag-aayunong ito] kahit na isang beses lang,At walang gabing [lumilipas na] gusto mo siyang makitang nagdarasal maliban sa siya`y makikita mo,at walang [ gabing gusto mo siyang makita sa ] pagtulog maliban sa siya`y makikita mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagpapatuloy [ng pag-aayuno sa dalawang magkasunod na araw].Nagsabi sila: Tunay na ikaw ay nagpatuloy? Nagsabi siya: Ako ay hindi katulad sa katangian ninyo,Ako ay pinapakain at pinapainom
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Noon ay may isang troso ng datiles na sinasandigan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagtatalumpati. Noong nailagay ang pulpito, narinig namin sa troso ang tulad sa tinig ng inahing kamelyo hanggang sa nakababa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at inilagay niya ang kamay niya rito kaya tumahimik ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ako noon ay nagdarasal kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng mga dasal. Ang dasal niyon noon ay katamtaman at ang talumpati niya ay katamtaman.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagdasal ako kasama ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, isang gabi. Pinatagal niya ang pagtayo hanggang sa nakaisip ako ng isang bagay na masama! Sinabi: Ano ang naiisip mo? Nagsabi siya: Naisip ko na umupo at iwan siya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu