+ -

عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المُؤمنينَ رضي الله عنها قَالَتْ:
كَانَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يُعْجِبُهُ التَّيَمُّنُ، فِي تَنَعُّلِهِ، وَتَرَجُّلِهِ، وَطُهُورِهِ، وَفِي شَأْنِهِ كُلِّهِ.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 168]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay napagagalak sa pagkakanan sa pagsasandalyas niya, pagsusuklay niya, at pagdadalisay niya, at sa pumapatungkol sa kanya sa kabuuan nito.}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 168]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaiibig at nagmamagaling na magsimula siya sa kanan sa mga nauukol sa kanya na naaangkop sa pagpaparangal. Kabilang doon: Na magpasimula siya sa kanang paa sa pagsusuot ng sandalyas niya, magpasimula siya sa pagsusuklay ng buhok ng ulo niya at balbas niya, pagsasaayos ng mga ito, at paglalangis sa mga ito; at sa wuḍū' niya nag-uuna siya ng kanan sa kaliwa sa mga kamay at mga paa.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الليتوانية الدرية الصربية الرومانية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ito ay isang panuntunang nagpapatuloy sa Batas. Ito ay na ang anumang naging kabilang sa bahagi ng pagpaparangal at pagpapadignidad gaya ng pagsusuot ng kasuutan, pantalon, at sapatos, pagpasok sa masjid; paggamit ng siwāk; paggamit ng kohl; pagputol ng mga kuko; paggupit ng bigote; pagsusuklay ng buhok; pagbunot ng buhok sa kilikili; pag-ahit ng ulo; pagsasagawa ng taslīm sa ṣalāh; paghuhugas ng mga bahaging pinagsasagawaan ng taharah; paglabas mula sa palikuran; pagkain at pag-inom; pakikipagkamayan; pagturo sa Batong Itim (Ḥajar Aswad); at iba pa rito kabilang sa kahulugan nito, na isinakaibig-ibig ang pagkakanan dito. Hinggil naman sa kabaliktaran nito gaya ng pagpasok sa palikuran; paglabas mula sa masjid; pagsinga; pag-iwang; paghubad ng kasuutan, pantalon, at sapatos; at anumang nakawangis nito, isinakaibig-ibig ang pagkakaliwa rito. Iyon sa kabuuan niyon ay dahil sa karangalan ng kanan at dignidad nito.
  2. Ang "napagagalak ng pagkakanan" ay sumasaklaw sa pagsisimula sa mga gawain sa pamamagitan ng kanang kamay, kanang paa, at kanang tagiliran; at pagkuha ng anuman sa pamamagitan ng kanan.
  3. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Alamin mo na mayroon sa mga bahaging pinagsasagawaan ng wuḍū' ang hindi isinakaibig-ibig dito ang pagkakanan: ang mga tainga, ang mga palad, at ang mga pisngi; bagkus hinuhugasan nang sabayan; ngunit kung naging imposible iyon gaya ng sa panig ng naputulan ng bahagi ng katawan at tulad nito, uunahin niya ang kanan.