+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لَوْلَا أَنْ أَشُقَّ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ -أَوْ: عَلَى أُمَّتِي- لَأَمَرْتُهُمْ بِالسِّوَاكِ عِنْدَ كُلِّ صَلَاةٍ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 252]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Kung hindi dahil na makapagpahirap ako sa mga mananampalataya," – o: "sa Kalipunan ko,""talaga sanang nag-utos ako sa kanila na gumamit ng siwāk sa sandali ng bawat pagdarasal."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 252]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya, kung hindi dahil sa pangamba sa hirap para sa mga mananampalataya kabilang sa Kalipunan niya, ay talaga sanang nag-obliga sa kanila ng paggamit ng siwāk bago ng bawat pagsasagawa ng ṣalāh.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية النيبالية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kabaitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya at ang pangamba niya sa hirap para sa kanila.
  2. Ang batayang panuntunan sa utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pagkakinakailangan maliban na umiral ang patunay na ito ay isang pagkukusang-loob.
  3. Ang pagsasakaibig-ibig ng paggamit ng siwāk at ang kainaman nito bago ng bawat pagsasagawa ng ṣalāh.
  4. Nagsabi si Daqīq: Ang kasanhian sa pagsasakaibig-ibig ng paggamit ng siwāk bago ng pagsasagawa ng ṣalāh ay ang pagiging ito ay isang kalagayan ng pagpapakalapit-loob kay Allāh, kaya naman hiniling na ito ay maging isang kalagayan ng kalubusan at kalinisan bilang paglalantad sa karangalan ng pagsamba.
  5. Ang pagkapangkalahatan ng ḥadīth ay sumasaklaw sa paggamit ng siwāk ng tagapag-ayuno, kahit pa man matapos ng katanghaliang-tapat gaya ng sa ṣalāh sa tanghali at ṣalāh sa hapon.