Talaan ng mga ḥadīth

Ang pinakamatinding kinatatakutan ko para sa inyo ay: Ang Maliit na Pagtatambal, itinanong sa kanya kung ano ito, Nagsabi siya:Ang Pakitang-tao
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allāh, ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka nagpahirap siya sa kanila, magpahirap Ka sa kanya; at ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka naglumanay siya sa kanila, maglumanay Ka sa kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh (basbasan Niya ito at pangalagaan) ay ang pinakamaganda sa mga tao sa kaasalan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang kaasalan ng Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang Qur'ān."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay napagagalak sa pagkakanan sa pagsasandalyas niya, pagsusuklay niya, at pagdadalisay niya, at sa pumapatungkol sa kanya sa kabuuan nito.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Hindi ako nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kailanman nagpalabis-labis na tumatawa hanggang sa makakita ako mula sa kanya ng tilao niya. Siya noon ay ngumingiti lamang.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagdasal ako kasama ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ng dalawang tindig bago ang Al-Dhuhr;at dalawang tindig pagkatapos nito,at dalawang tindig pagkatapos ng Al-Jumuah,at dalawang tindig pagkatapos ng Al-Maghrib,at dalawang tindig pagkatapos ng Al-`Eishah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag tumitindig siya [sa pagdarasal] sa gabi, ay nagsisipilyo ng bibig niya sa pamamagitan ng siwāk.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi koba ikukwento sa inyo ang isang kwento tungkol kay Dajjal,at Wala pang Propeta na nagkwento nito sa mga tao niya,! Siya ay may isang mata,At tunay na magdadala siya ng tulad ng Paraiso at Impiyerno.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang Diyos kundi si Allāh. Kapighatian ay ukol sa mga Arabe mula sa isang kasamaan na nalapit na! Binuksan ngayong araw mula sa saplad ng Gog at Magog ang tulad nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay higit na matindi sa pagkamahiyain kaysa sa birheng nasa silid nito. Kapag nakakakita siya ng isang bagay na kinasusuklaman niya, nalalaman namin ito sa mukha niya.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi si Heraql:Ano ang ipinagtatagubilin Niya sa inyo? Ibig sabihin ay ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi si Abū Sufyān: Sinabi kong: Sinabi Niyang:(( Sambahin ninyo si Allah na Nag-iisa at huwag kayong magtambal sa Kanya kahit sa kaunting bagay lamang,Iwanan ninyo ang anumang sinabi sa inyo ng mga ninuno ninyo,at itinatagubilin niya sa amin ang pagdarasal,pagiging tapat,dalisay,at pakikipag-ugnayan sa mga kamag-anak))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naglalakbay-Nagdasal siya ng `Eishah sa huling [oras nito],binasa niya sa unang dalawang tindig ang kabanata ng Atten at Azzaytun,Wala pa akong narinig sa sinuman na may mas magandang tinig o pagbasa sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay nagdadasal [nagpapatirapa],pinaglalayo niya ang pagitan ng dalawang bisig nito,hanggang sa naaaninag ang kaputian ng dalawang kili-kili niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Wala ng paghihinagpis sa iyong Ama mula sa araw na ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang salita ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay salitang hiwa-hiwalay,naiintindihan ito ng bawat taong nakakarinig sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung hindi dahil na makapagpahirap ako sa mga mananampalataya," – o: "sa Kalipunan ko," – "talaga sanang nag-utos ako sa kanila na gumamit ng siwāk sa sandali ng bawat pagdarasal."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talagang ibibigay ko nga ang watawat bukas sa isang lalaking umiibig kay Allah at sa Sugo Niya at iniibig iyon ni Allah at ng Sugo Niya, na mananaig si Allah sa pamamagitan ng mga kamay niyon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay bumibisita sa Quba na sumasakay at naglalakad,Nag-aalay siya rito ng dalawang Tindig na pagdarasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pumasok si `Abdurrahman bin Abu Bakar Assiddiq-malugod si Allah sa kanya-sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang ako ang naging sandalan niya, sa aking dibdib.At si`Abdurrahman ay may dala-dalang Siwak na basa,ginagamit niya sa paglilinis ng kanyang ngipin,Tinitigan ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mata niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagpahuli ng pagdarasal ng Eishah sa malalim na gabi.Lumabas si `Umar,Sinabi niya: Ang pagdarasal o Sugo ni Allah,Tulog na ang mga kababaihan at mga bata.Lumabas siya at ang ulo niya ay pumapatak [ng tubig] Sinabi niyang: Kung hindi ko lamang mapapahirapan ang aking Nasyon-o sa mga tao-Ipinag-utos ko sa kanila ang pagdarasal na ito sa ganitong oras
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Binawi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, samantalang sa bahay ko ay walang anumang makakain ng isang may atay maliban sa kakarampot na sebada sa isang istante ko. Kinaikain ko ito hanggang sa tumagal sa akin. Tinakal ko ito at naubos ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog sa unang bahagi ng gabi at gumigising sa huling bahagi nito at nagdadasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katulad ko at katulad niyo ay kasing tulad ng isang lalaki pinasiklab ang apoy at ginawa ng mga balang at paru-paro ay nagsihulugan sila dito, at sila ay matutupok sa kanya (apoy), at ako ay kinuha (iniligtas) ko kayo mula sa apoy, ngunit kayo ay lumayo mula sa aking kamay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbabasa sa dasal ng Fajr sa araw ng Jumuah ng:{Alif,Lam,Mim,Ang pagkapahayag ng Aklat (Qur-an) ay walang pag-aalinlangan na nagmula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang} at {Hindi baga dumatal sa ang isang panahon na siya ay hindi [man lamang] isang bagay na nababanggit?}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay natutulog sa mga gabing magkakasunod na hindi nakakakain,at ang asawa niya ay walang nakikitang hapunan,at ang pinakamaraming tinapay sa kanila ay tinapay na gawa sa sebada [Barley]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pumasok ako sa Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nasasaktan,Hinawakan ko siya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ano ang isip ng mga taong nagsasabi ng ganito? Subalit ako ay nagdarasal, natutulog, nag-aayuno, tumitigil sa pag-aayuno, at nakikipagtalik sa mga babae. Ang sinumang umayaw sa sunnah ko ay hindi kabilang sa akin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao. Siya noon ay ang pinakagalante sa Ramaḍān kapag nakikipagtagpo sa kanya si Anghel Gabriel
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang ipinadala si Allah na propeta malibang nagpastol ito ng tupa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi pinapili ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa dalawang bagay kailanman malibang kinuha niya ang pinakamadali sa dalawa hanggat ito ay hindi kasalanan. Kung ito ay kasalanan, siya ay ang pinakamalayo sa mga tao roon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Salamah bin`Abdurrahman,Na sinabi niya ,na tunay na tinanong niya si `Aishah-malugod si Allah sa kanya-Kung papaano magdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa buwan ng Ramadhan? Nagsabi siya;(( Hindi nagdaragdag ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Buwan ng Ramadhan at hindi sa iba nito,nang labing-isang tindig,nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng tatlong tindig,Nagsabi si `Aishah: Sinabi ko,O Sugo ni Allah,natutulog kaba bago ka magdasal ng Witr? Nagsabi siya:( O `Aishah,tunay na ang dalawang mata ko ay natutulog,ngunit hindi natutulog ang Puso ko)) Saheh Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Pinababa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [ang kasi] noong siya ay apatnapung taong gulang,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Wala pa akong nakita na may buhok [hanggang sa balikat] sa damit na pula,na higit na maganda mula sa Sugo ni Allah-
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kanan [ay gingamit niya sa paglilinis niya at pagkain niya,At ang Kaliwa ay [ginagamit niya] sa palikuran niya at sa anumang mga nakakapinsala
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nang dumating ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya sa Meccah;Nagsabi ang mga walang pananampalataya;Tunay na darating sa into ang mga grupo na mga Taong pinahina sila ng mga Tagapag-tanggol sa Yathrīb. Ipinag-utos sa kanila ng Propeta na magmadali sa (paglalakad) pag-ikot ng tatlo,at ang lumakad sila ng (dahan-dahan) sa pagitan ng dalawang haligi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumapasok sa Palikuran,Nagdadala ako at ang isang bata [nasa tamang gulang] ng isang lalagyan ng tubig at patpat,Naglilinis siya rito gamit ang tubig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinakita sa akin sa isang panaginip na ako ay naglilinis ng ngipin gamit ang siwak,dumating sa akin ang dalawang kalalakihan,ang isa ay mas malaki mula sa iba,Ibinigay ko ang siwak sa maliit,Ngunit sinabi sa akin: Sa malaki,Kaya ibinigay ko ito sa mas malaki sa kanilang dalawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi ang isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Araw ng Uḥud: "Sabihin mo, kung mamatay ako ay saan ako?" Nagsabi siya: "Sa Paraiso." Itinapon niya ang mga datiles na nasa kamay niya. Pagkatapos ay nakipaglaban siya hanggang sa mapatay siya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdadasal na binubuhat niya si Ama`mah bint Zainab,anak ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan na hindi Ako magpapabaya sa pagdadasal ko (kay ALLAH) para sa inyo tulad ng ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagdarasal niya (kay Allah) para sa amin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kay Allah ang kinuha Niya at Kanya ang ipinagkaloob Niya.At ang lahat ng bagay sa Kanya ay may takdang panahon,magtiis ka at humiling sa gantimpala ni Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tiyak ang dakilang Allah itinipon sa akin ang lupa, dahil doon nakita ko ang silangan niya at ang kanluran niya, at tiyak ang aking ummah (nasyon) aabot ang kanyang kapangyarihan sa kung ano ang naitipon sa akin, at ako'y nabigyan ng dalawang kayaman ang pula (ginto) at ang puti (pilak).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ano ang ipinag-aalala mo o Abu Bakar sa dalawa kung si Allah ang ikatlo nila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay nagsalita,inuulit niya ito sa tatlong beses nang sa ganoon ay maunwaan ito,At kapag dumating siya sa mga tao at bumati siya ,Bumabati siya sa kanila ng tatlong beses
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Naalala ko ang tipak ng ginto sa amin,kinamumuhian ko na maging abala ako [ sa pag-iisip nito],kaya ipinag-utos kong ipamahagi ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nasa tolda,sa kanya ay mayroong pula mula sa suot ng Angkan ni Adan,Nagsabi siya:Naglabas si Bilal ng lalagyan [ng tubig para sa Wudhu],kinuha niya ang natitirang tubig at lalagyan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Gumawa siya ng kaunti at binayaran siya ng marami.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ibigay ninyo ito sa kanya, sapagkat ang pinakamainam sa inyo,yaong pinakamabuti sa inyo magbayad
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagdasal ako kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang gabi. Nagsimula siya Al-Baqarah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Naway kaawaan ni Allah si Propeta Musa,tunay na naparusahan siya ng higit pa rito,at nagtimpi siya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Iniisip ko na kayo ay nakarinig na si Abū `Ubaydah ay dumating na may dala mula sa Baḥrain
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi nag-aayuno sa loob ng isang buwan hanggang sa inaakala naming hindi siya nag-aayuno rito,At Nag-aayuno siya hanggang sa aakalain naming hindi siya sumisira [sa pag-aayunong ito] kahit na isang beses lang,At walang gabing [lumilipas na] gusto mo siyang makitang nagdarasal maliban sa siya`y makikita mo,at walang [ gabing gusto mo siyang makita sa ] pagtulog maliban sa siya`y makikita mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi hiningan ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng anuman kailanman at nagsabi siya ng hindi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Utusan ninyo si Abū Bakr at mamuno siya sa dasal sa mga tao.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dinalhan ng gatas na hinaluan na ng tubig, habang sa gawing kanan niya ay may isang Arabeng disyerto at sa gawing kaliwa niya ay si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya, at uminom siya. Pagkatapos ay ibinigay niya sa Arabeng disyerto. Nagsabi siya: "Ang kanan, kasunod ang kanan."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pumasok, nang araw ng pagsakop, sa Makkah habang nakasuot siya ng itim na turban.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay humihinga sa pag-inom nang makatatlo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag ang Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- bibitawan niya ang isang gawain, at ito ay kanyang kahabagan o gustong gawin; dahil sa pangambang gagawin siya ng mga tao at magiging obligado sa kanila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumili mula sa kanya ng isang kamelyo kaya tinimbang niya para roon at nilabisan ang bayad.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga taong nauna sa inyo,Tinatangay ang isang lalaki at hinuhukayan siya sa lupa at inilalagay rito,Pagkatapos ay kinukuha ang lagare at inilalagay sa ulo niya at nahahati siya sa dalawang hati,At sinusuklayan sa suklay na bakal na hindi isinasama ang laman niya at buto niya,ngunit hindi parin ito nakakapagpapigil sa relihiyon niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ako ay talagang tumitindig para sa pagdarasal at nagnanais na magpahaba niyon ngunit naririnig ko ang iyak ng paslit kaya nagpapaikli ako sa pagdarasal ko sa pagkasuklam na makapagpahirap ako sa ina nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Lumabas ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang umaga habang nakasuot siya ng isang damit na may mga larawang sintadera, na yari sa buhok na itim.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nakaupong nakasalampak, na kumakain ng datiles.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang nakasuot siya ng dalawang kasuutang luntian.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagpapatuloy [ng pag-aayuno sa dalawang magkasunod na araw].Nagsabi sila: Tunay na ikaw ay nagpatuloy? Nagsabi siya: Ako ay hindi katulad sa katangian ninyo,Ako ay pinapakain at pinapainom
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakaibig noon sa mga kasuutan para sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay ang kamisa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Noon ay may isang troso ng datiles na sinasandigan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagtatalumpati. Noong nailagay ang pulpito, narinig namin sa troso ang tulad sa tinig ng inahing kamelyo hanggang sa nakababa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at inilagay niya ang kamay niya rito kaya tumahimik ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ako noon ay naglalakad kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang. nakasuot siya ng isang balabal na Najrāno na makapal ang gilid. Naabutan siya ng isang arabeng disyerto. Hinatak nito siya sa balabal niya nang matinding hatak
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung ano mang kabutihan na mayroon ako hindi ko iyon ipag-kait sa inyo, at sino man ang humiling ng kalinisang-puri o kabanalan ipagkaloob ito sa kanya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng tulong tutulungan siya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng pag-timpi o pag-tiis para sa kanyang sarili pag-titiisin siya ng dakilang Allah, at kung ano man ang naibigay sa isang tao na maganda at napakaluwag yun ay ang sab'r (pag-timpi).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang hindi naaawa ay hindi kinaaawaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Jibrel,pumunta ka kay Muhammad-Ang Panginoon Mo ang higit na nakakaalam-tanungin mo siya kung ano ang iniiyak niya? Dumating sa kanya si Jibrel,at sinabi sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang sinabi niya-at Siya ang Higit na nakakaalam-Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas Niya: O Jibrel! Pumunta ka kay Muhammad,Sabihin mo sa kanya:Tunay na Kami ay maglulugod sa iyo sa Ummah mo,at hindi ka namin palulungkutin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Noon ay may aliping babae na kabilang sa mga babaing alipin ng Madīnah na talagang kumukuha sa kamay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at dinadala nito siya saan man nito loobin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ibigay ninyo sa akin ang damit ko,Kung nagmamay-ari lang ako tulad ng bilang ng Punongkahoy na Edhah na ito ng mga alagang Hayop,tunay na hinati ko na ito sa pagitan ninyo,at hindi ninyo ako makikitang [kabilang sa] Maramot,at hindi rin Sinungaling at hindi rin Duwag.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hayaan ninyo siya at magbuhos kayo sa ihi niya ng isang maliit na timba ng tubig o malaking timba ng tubig sapagkat ipinadala lamang kayo bilang mga nagpapadali at hindi kayo ipinadala bilang mga nagpapahirap.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ako noon ay nagdarasal kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng mga dasal. Ang dasal niyon noon ay katamtaman at ang talumpati niya ay katamtaman.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ito ay panustos na pinalabas ni Allah para sa inyo kaya mayroon ba kayong anuman sa karne nito, na ipakakain ninyo sa amin? Kaya nagpadala kami sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, mula roon at kinain niya iyon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumili mula sa isang Hudyo ng isang pagkain at nagsangla siya rito ng isang baluting yari sa bakal.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
inuturing mo bang ako ay bumarat sa iyo upang kunin ko ang kamelyo mo? Kunin mo ang kamelyo mo at ang mga pera mo sapagkat iyon ay para sa iyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May isang batang lalaking naglilingkod noon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung sakaling inanyahan ako sa pagkain na binti o hita [ng tupa], talagang tutugon ako.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ano ang ginagawa noon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa bahay niya? Nagsabi ito: Siya ay nasa paglilingkod sa mag-anak niya at kapag sumapit ang pagdarasal, lumalabas siya patungo sa pagdarasal.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ako nakasaling ng makapal na sutla ni ng manipis na sutla na higit na malambot kaysa sa palad ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi namalo ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, gamit ang kamay niya sa anuman ni sa isang babae ni sa isang alila, maliban sa pakikibaka sa landas ni Allah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May dumating ba sa iyong araw na higit na matindi sa araw ng Uḥud?" Nagsabi siya: "Talagang nakatagpo ako mula sa lipi mo ng [hirap na] nakatagpo ko. Ito ay pinakamatindi sa [hirap na] nakatagpo ko mula sa kanila sa Araw ng `Aqabah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Anas-malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya:sinabi ni Abu Talhah kay Ummu Sulaym: talagang narinig ko ang boses ng sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na mahina,alam ko rito na may pagkagutom,mayroon kabang kahit na ano diyan?Nagsabi siya :Oo,inilabas nito ang mga kapiraso ng tinapay na mula sa obena,pagkatapos ay kinuha niya ang pantakip nito sa mukha,at itinago rito ang tinapay sa bawat isa nito,pagkatapos ay itinago niya sa loob ng damit ko at ibinalik sa akin ang iba nito,pagkatapos ay ipinadala niya ako sa sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at pumunta ako sa kanya,nadatnan ko ang sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naka-upo sa masjid,at kasama niya ang mga tao,tumindig ako sa kanila,Sinabi sa akin ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: (Ipinadala kaba ni Abu Talhah?Nagsabi ako: Oo,Sinabi niya:(Ang pagkain)?Nagsabi ako: Oo,Nagsabi ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan(tumindig kayo),umalis sila, at umalis din ako sa kanila,hanggang sa dumating ako kay Abu Talhah at ibinalita ko sa kanya,Ang sabi ni Abu Talhah:O Ummu Sulaym,darating ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kasama ang mga tao,at wala sa atin ang ipapakain sa kanila,Nagsabi siya:Ang Allah at ang sugo ang higit na nakaka-alam,Umalis si Abu Talhah hanggang sa nakatagpo niya ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,dumating ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kasama siya hanggang sa pumasok sila,Nagsabi ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(ibigay mo sa akin ang mayroon ka Ummu Sulaym),ibinigay nito ang tinapay,Inutusan nito ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na paliitin ito sa maliliit na piraso,at( (kinuha ni Ummu Sulaym ang katas nito na lumabas mula sa taba upang ihalo sa mga maliliit ng pirasong tinapay,pagkatapos ay sinabi rito ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan(Masha-a Allah) ang sasabihin.Pagkatapos ay sinabi niya:(payagan ang sampu),pinayagan sila at kumain sila hanggang sa sila ay nabusog,pagkatapos ay lumabas sila, Pagkatapos ay sinabi niya:(payagan ang sampu),pinayagan sila hanggang sa nakakain ang lahat ng tao at nabusog silang lahat,at ang bilang ng mga tao ay pitumpong kalalakihan o walumpo.Napagkaisahan sa katumpakan. At sa isang salaysay:Patuloy parin ang pagpasok ng sampu at paglabas ng sampu hanggang sa walang natira sa kanilang lahat kahit isa maliban sa ito`y nakapasok,nakakain hanggang sa nabusog,pagkatapos ay iniligpit niya ito at tulad parin ito ng kumain sila,At sa isang salaysay:Kumain sila ng sampu-sampu,hanggang sa ginawa ito ng walumpong kalalakihan,pagkatapos ay kumain ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,pagkatapos doon.at ng tao sa bahay,at iniwan na nila ang tira-tira.At sa isang salaysay:Pagkatapos ay nagtira sila at ibinigay nila sa mga kapit-bahay nila, At sa isang salaysay:Ayon kay Anas,nagsabi siya:Dumating ako sa sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,isang araw,nadatnan ko siya na naka-upo kasama ang mga kasamahan niya,at talagang hinigpitan nito ang tiyan niya,sa pang-higpit,at ang sabi ng mga ibang kasamahan niya: bakit hinigpitan ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang tiyan nito?Nagsabi sila: dahil sa pagka-gutom,pumunta ako kay Abu Talhah at siya ay asawa ni Ummu Sulaym bint Milhan, Nagsabi ako: O ama ,nakita ko ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na hinigpitan nito ang tiyan sa panghigpit,tinanong ko ang ilan sa mga kasamahan niya;Nagsabi sila:Dahil sa pagkagutom,Pumasok si Abu Talhah sa nanay ko,nagsabi siya: Mayroon kaba diyan na kahit ano?Nagsabi siya:mayron akong piraso ng mga tinapay at tamr,Kapag dumating sa atin ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,na nag-iisa, bubusugin natin siya,at kapag dumating ang iba pa sa kasamahan niya ay kontihan ninyo sila.At binanggit ang saktong hadith.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga Hudyo;kapag dinatnan ng regla ang mga kababaihan sa kanila,Hindi nila ito sinasaluhan sa pagkain,at hindi sila nakikisalamuha sa kanila sa bahay,Kaya`t nagtanong ang mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ibinaba ni Allah -pagkataas-taas Niya ang : {Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pagreregla,Ipagbadya:Ito ay isang bagay na nakakapinsala,kayat manatiling malayo sa mga babae sa kanilang pagreregla} [Al-Baqarah:222]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagdadasal at sa dibdib niya ay boses na parang boses ng gilingan dahil sa pag-iyak niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah!Tunay na siya ay iniibig ko,kaya Ibigin siya,at ibigin ang sinumang umibig sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi nag-asawa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,sa (panahon na buhay pa) si Khadijah,maliban ng siya ay namatay na
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi:(( Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay tunay na iniiwan niya ang gawain,at siya ay nasisiyahan na gawin ito,dahil sa takot niya na gawin ito ng mga Tao,gagawin nila itong obligado sa kanila,at hindi nagdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa dasal na Duha (na palagian) kailanman,at tunay na ako ay nagdadasal rito)) Saheh Imam Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay 'Abdullah bin 'Abdullah bin 'Utbah,Nagsabi siya:Pumasok Ako kay 'Aishah,sinabi ko sa kanya: Hindi moba sasabihin sa akin ang sakit ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:Oo,Lumalala ng ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: ((Nakapagdasal naba ang mga Tao?))Nagsabi kami: Hindi pa,hinihintay ka nila,Nagsabi siya;(( Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa timba)) Nagsabi siya:(Aisha):Ginawa namin,naligo siya at pumunta siya upang isagawa (ang dasal,ngunit) nawalan siya ng malay,pagkatapos ay nagkamalay siya,Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:((Nakapagdasal naba ang mga tao?))Nagsabi Kami: Hindi pa,sila ay naghihintay sa iyo,O Sugo ni Allah,Nagsabi siya:((Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa timba)) Nagsabi siya ( 'Aishah): Umupo siya at naligo,pagkatapos ay pumunta upang isagawa ( ang dasal,ngunit) nawalan siya ng malay,Pagkatapos at nagkamalay siya,Nagsabi siya:(( Nakapag-dasal mana ang mga Tao?)) Nagsabi kami:Hindi pa O Sugo ni Allah, sila ay naghihintay sa iyo,Nagsabi siya:((Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa Timba)) umupo siya at naligo siya,pagkatapos ay pumunta upang isagawa (ang dasal, ngunit) nawalan siya ng malay,pagkatapos at nagkamalay siya,Nagsabi siya:((Nakapagdasal naba ang mga Tao?)) Nagsabi kami: Hindi pa,sila ay naghihintay sa iyo, O Sugo ni Allah,at ang mga Tao ay nanatili sa loob ng Masjid,hinihintay nila ang Propeta sumakanya ang pangangalaga sa pagdarasal ng Eishah na pang-huli,Nagpadala ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Abū Bakar,upang (sabihing) magdasal siya sa mga Tao,dumating sa kanya ang sugo at nagsabi: Katotohanang ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nag-utos sa iyo na magdasal ka sa mga Tao,Ang sabi ni AbūBakar-at siya ay lalaking maripok-O 'Umar,magdasal ka sa mga Tao,Nagsabi sa kanya si Umar:Ikaw ang mas karapat-dapat dito,Kaya't nagdasal si AbūBakar sa mga araw na yaon,hanggang sa ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at nakita niya sa kanyang sarili ang pagkasigla,Lumabas siya sa pagitan ng dalawang kalalakihan,una ay si 'Abbās upang magdasal ng Dhuhr,Habang si AbūBakar ay nagdarasal para sa mga tao,at nang makita siya ni AbūBakar,pumunta siya upang ipagpahuli,Nagpahiwatig sa kanya ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na huwag magpahuli,Nagsabi siya:umupo kayong dalawa sa tabi niya,at umupo silang dalawa sa tabi ni AbūBakar: Nagsabi siya:At si AbūBakar ay nagdadasal na siya ay sumusunod sa pagdadasal ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Habang ang mga Tao ay (sumusunod) sa pagdadasal ni AbūBakar,at ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay naka-upo,Nagsabi si 'Ubaydallah:Pumasok Ako kay 'Abdullah bin 'Abbās at sinabi ko sa kanya: Gusto mobang sabihin ko sa iyo ang sinabi sa akin ni 'Aishah tungkol sa sakit ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-?Nagsabi siya:Sabihin mo,at sinabi ko sa kanya ang sinabi niya,At wala siyang tinanggihan sa mga bagay na ito liban sa sinabi niyang: Pinangalanan ba niya sa iyo ang lalaking kasama ni 'Abbās, Nagsabi ako: Hindi,Nagsabi siya: Siya si 'Alī malugod si Allah sa kanya Saheh Al-Bukhari
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagpadala ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng ilang sundalo sa Najd,lumabas si Ibn `Umar kasama rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hiniling ko sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[na makapunta sa pakikipaglaban] ,sa Araw ng Uhud,at ako ay nasa labing-apat na taong gulang
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa Meccah mula sa Taas [ng Meccah] sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa itaas kung saan ay matatagpuan sa Batha [malawak na lupain sa Meccah],at lumabas siya sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa ibaba
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na si Umar-malugod si Allah sa kanya-sa panahon na naging balo si Hafsah,ay nagsabi siya;Nakasalubong ko si Uthman bin Affan-malugod si Allah sa kanya-at inialok ko sa kanya si Hafsah;at sinabi ko; Kung gugustuhin mo ay ipapa-asawa ko sa iyo si Hafsah bint Umar? Sinabi niya;Titingnan ko ang magagawa ko.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Sugo ni Allah,muntik ng hindi ako makapagdasal ng Asr hanggang sa muntik ng lumubog ang araw,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Sumpa sa Allah! Hindi ako nakapagdasal nito,Nagsabi siya: Tumayo kami at [pumunta sa] isang lambak,nagsagawa siya ng wudhu para sa pagdarasal at nagsagawa kaming dalawa ng wudhu sa kanya,Nagdasal siya ng Asr pagkatapos lumubog ng araw ,pagkatapos ay nagdasal siya pagkatapos nito ng Maghrib))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Noong dumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, mula sa pagsalakay sa Tabūk, sinalubong siya ng mga tao at nakatagpo ko siya kasama ng mga bata sa Thanīyah Al-Wadā`.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Lumabas kami kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang pagsalakay. Kami ay anim katao. Mayroon kaming isang kamelyong nagsasalitan kami [sa pagsakay], kaya nabutas ang mga paa namin at nabutas ang paa ko.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Sa`d bin Mu`ādh, ang Paraiso, sumpa man sa Panginoon ng Ka`bah, tunay na ako ay nakalalanghap ng halimuyak nito sa paanan ng Uḥud
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talagang kung ako ay mabubuhay pa hanggang sa makain ko ang mga datiles kong ito, tunay na ito ay talagang buhay na mahaba.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagdasal ako kasama ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, isang gabi. Pinatagal niya ang pagtayo hanggang sa nakaisip ako ng isang bagay na masama! Sinabi: Ano ang naiisip mo? Nagsabi siya: Naisip ko na umupo at iwan siya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung mayroon kang tubig na pinaglumaan sa gabing ito sa loob ng bote,at kung hindi magsisimsim tayo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok ng Meccah sa taon ng Al-Fath [tagumpay],at sa ulo niya ay ang kalubkob,at nang tanggalin niya ito ay dumating sa kanya ang isang lalaki;at siya ay nagsabi: Si Ibn Khatal,nakasabit sa tela ng Ka`bah.Nagsabi siya: Patayin ninyo siya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sa panahon ng Pandarambong sa Tabūk-tinamaan ang mga tao ng matinding pagkagutom,Nagsabi sila: O Sugo ni Allah;Kung pahihintulutan mo kami,Kakatay kami sa mga kamelyo namin,kakain kami nito at magpapahid [ng mga taba nito],? Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Gawin ninyo)),
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, at isama Mo ako sa Kasamang Kataas-taasan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na may isang babaing nagdala sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang hinabing balabal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na sila ay nagpapili sa akin: na humingi sila sa akin nang labis-labis o ituring nila akong maramot gayong ako ay hindi nagmamaramot.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Umalis kami upang salabungin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kasama ng mga bata patungo sa Thanīyah Al-Wadā`.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga anghel ay nagtatakip pa rin sa kanya ng mga pakpak nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang salaysay ng pagyakap sa Islām ni `Amr bin `Abasah at ang pagtuturo ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng ṣalāh at wuḍū' sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ikalima: Ayon kay Jaber-malugod si Allah sa kanya-na siya ay nakipag-laban kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa lugar na Najd.At nang bumalik ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-bumalik siya kasama nila,inabutan sila ng tanghali(oras ng pagtulog)(1),sa isang lambak na may maraming kahoy na may tinik.Bumaba ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at naghiwa-hiwalay ang mga tao na sumisilong sila sa mga puno.At.bumaba ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan (p:46)sa silong ng Assamura(puno) at isinabit niya dito ang tabak niya,at nakatulog kami ng matagal.Kung kaya`t ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tinatawag kami.at dumating sa kanya ang isang Arabo At nagsabi siya:((Tunay na tinangka niya sa akin ang tabak ko,habang ako ay natutulog,nagising ako at itoy nasa kamay niya,Nagsabi siya:(( Sino ang pumipigil sa iyo mula sa akin? Nagsabi ako:"Si Allah-tatlong beses-At hindi niya ito pinarusahan at umupo siya.Napagkaisahan sa katumpakan(2). At sa isang salaysay,Nagsabi si Jaber;kasama namin ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang pakikipag-laban na tinatawag na "May-ari ng Nagtatagpi",Kung kayat dumating kami sa isang puno na may silong na iniwanan namin ito para sa-Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan At dumating ang isang lalaki mula sa mga hindi mananampalataya,at ang tabak ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nakasabit sa puno,pinagtangkaan niya ito at nagsabi siya:"Natatakot kaba sa akin? At sinabi niya: Hindi,kaya`t nagsabi siya:"Sino ang pumipigil sa iyo mula sa akin?Sinabi niya:"ALLAH". At sa salaysay ni Abe Bakar Al-Esmailie sa "Tumpak nito" Nagsabi siya:"Sino ang pumipigil sa iyo mula sa akin?Sinabi niya: "ALLAH" Nagsabi siya:,kaya`t nahulog ang tabak sa kamay nito,at kinuha ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -ang tabak;at sinabi niya(lalaki): ((Sino ang pumipigil sa iyo,mula sa akin?))Nagsabi siya:Maging isa kang mabuting taga-kuha.Nagsabi siya:((Sumasaksi kaba walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban kay Allah?)) sinabi niya: Hindi;ngunit ipinapangako ko sa iyo na hindi kita lalabanan,at hindi ako papanig sa mga taong nakikipag-laban sa iyo.Pinabayaan niya ito sa kanyang daan.Dumating ang mga kasamahan nito:Nagsabi siya:Dumating ako sa inyo mula sa may pinaka-magandang kaasalan sa mga tao.Ang sinabi nito na ((umuwi)) ay bumalik at ang ((puno)ay puno na may mga tinik at ang((Samurah)) ay puno ng akasya at siya ang mga buto mula sa puno na may mga tinik;At ang ((Tinangka niya sa akin ang tabak)) ay isinuot nito at itoy nasa kamay niya((nakasabit)) ay:nagtatangka,at ito ay may patinig na (A) sa letrang Sa`d at (O).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nahati ang buwan sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa dalawang biyak. Tumakip ang bundok sa isang biyak at ang isang biyak naman ay nasa ibabaw ng bundok. Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "O Allāh, sumaksi Ka."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Mangilag kang magkasala kay Allah at panatilihin mo sa iyo ang maybahay mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kami ay nasa paglalakbay kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kami ay ginabihan hanggang sa kami nasa huling gabi na,naktulog kami ng mahimbing na tulog,at wala ng pinakamasarap na tulog para sa manlalakbay mula rito,at hindi kami nagising maliban sa pag-init na ng [sikat ng] araw,at ang pinaka-unang nagising ay si pulano,pagkatapos ay si pulano,pagkatapos ay si pulano,pagkataapos ay si `Umar bin Al-Khattab
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi siya;Tinamaan si Saad sa araw ng Khandaq;tinamaan siya ng isang lalaki mula sa Quraysh,na tinatawag na Habban bin Al-`Araqah at siya ay si Habban bin Qays mula sa tribo ng Muays bin `Amer bin Luay,tinamaan niya ito sa hinlalaki,Gumawa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng tolda sa loob ng Masjid upang mabisita niya ito ng malapit.At nang bumalik ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa Khandaq,inilagay niya ang armas niya at naligo siya,Dumating sa kanya si Jibrel-Sumakanya ang pangangalaga-habang inaalis niya sa ulo niya ang mga alikabok,Nagsabi siya;Tunay na ibinaba mo ang armas;Sumpa kay Allah,huwag mo itong ibaba,Lumabas ka sa kanila,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Saan?Nagpahiwatig siya sa mga Tribo ng Qurayza" Dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ibinaba niya sa kanila ang hatol nila,Ipinagkatiwala niya ang hatol kay Saad;Nagsabi siya: Tunay na ihahatol ko sa kanila; Na Patayin ang lahat ng nakipaglaban,at bihagin ang mga kababaihan at mga kabataan,at Paghatian ang mga kayamanan nila,Nagsabi si Hisham;Ipinahayag sa akin ng Ama ko,buhat kay `Aishah; na si Saad ay nagsabi; O Allah,Tunay na alam Mo na wala ng iba na kaibig-ibig sa akin,maliban sa pakikipaglaban ko sa landas Mo,mula sa mga Taong nagpasinungaling sa Sugo Mo,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagtakwil sa kanya,O Allah,Katotohanang iniisip ko na tinapos Mo na ang paglalaban sa pagitan namin at pagitan nila,Kung mayroon pang natitirang pakikipaglaban sa mga Quraysh,ipagpanatili Mo ako rito,upang makipaglaban ako sa kanila,para sa Iyo,at kung itinigil Mona ang pakikipaglaban,Pasabugin ito at Gawin Mo ang kamatayan ko rito,sumabog siya dahil sa kapasiyahan niya at hindi na nila ito naalagaan,at sa loob ng Masjid ay may tolda mula sa Tribo ng Gafar,(wala silang nakita) maliban sa maraming dugong dumadaloy sa kanila;Nagsabi sila: O mga taong naninirahan sa tolda,Ano itong dumating sa amin mula sa una sa inyo?Kung-kaya`t si Saad,ay pumapatak sa sugat niya ang dugo,hanggang sa pumanaw siya rito-malugod si Allah sa kanya-Saheh Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Wala akong pinagselosan sa mga Asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-maliban kay Kahdijah,at tunay na hindi ko siya inabutan,Nagsabi siya:At ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay nagkatay ng Tupa,Sinasabi niyang:((Ipamigay ninyo ito sa mga kaibigan ni Khadijah))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang si Ibrahim ay anak ko,At siya ay pumanaw sa [Gulang] ng pagpasuso,At tunay na sa kanya ay may dalawang Nagpapasuso,gaganapin nilang dalawa ang pagpapasuso sa kanya sa Paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Barra malugod si Allah sa kanya,ay nagsabi: Nang mamatay si Ebrahim-Sumakanya ang pangangalaga-Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:(( Tunay na sa kanya ay may nagpapasuso sa Paraiso)) Isinaysay ni Imam Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Humingi ng Kapatawaran(kay Allah) para sa iyo ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan? Nagsabi siya :Oo,at gayundin sa iyo;Pagkatapos ay binasa niya ang talatang ito;{ At humingi ka ng Kapatawaran sa mga kasalanan mo at sa mga Mu`minin at mga Mu`minat (Lalaki at Babaing mananampalataya}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu