عن أنس رضي الله عنه قال: انطلق رسول الله صلى الله عليه وسلم وأصحابه حتى سبقوا المشركين إلى بدر، وجاء المشركون، فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «لا يقدمن أحد منكم إلى شيء حتى أكون أنا دونه»، فدنا المشركون، فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «قوموا إلى جنة عرضها السماوات والأرض» قال: يقول عمير بن الحمام الأنصاري رضي الله عنه : يا رسول الله، جنة عرضها السماوات والأرض؟ قال: «نعم» قال: بخ بخ ؟ فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «ما يحملك على قولك بخ بخ؟» قال: لا والله يا رسول الله إلا رجاء أن أكون من أهلها، قال: «فإنك من أهلها» فأخرج تمرات من قرنه، فجعل يأكل منهن، ثم قال: لئن أنا حييت حتى آكل تمراتي هذه إنها لحياة طويلة، فرمى بما كان معه من التمر، ثم قاتلهم حتى قتل.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Tumuloy ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ang mga Kasamahan niya hanggang sa maunahan nila ang mga Mushrik sa Badr. Dumating ang mga Mushrik. Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi nga susulong ang isa kabilang sa inyo tungo sa anuman malibang ako ay nasa unahan niya." Lumapit ang mga Mushrik kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tumindig kayo tungo sa Paraisong ang luwang nito ay [ang pagitan ng] mga langit at lupa." Sinabi: Nagsasabi si `Umayr bin Al-Ḥumām Al-Anṣārīy, malugod si Allāh sa kanya: "O Sugo ni Allah, Paraisong ang luwang nito ay [ang pagitan ng] mga langit at lupa?" Nagsabi siya: "Oo." Nagsabi siya: "Magaling! Magaling!" Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ano ang nag-udyok sa sabi mong: Magaling, magaling?" Nagsabi iyon: "Wala po, sumpa man kay Allah, o Sugo ni Allah, malibang ang pag-asang ako ay maging kabilang sa mga maninirahan doon." Nagsabi siya: "Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga maninirahan doon." Kaya nagpalabas iyon ng mga datiles mula sa baunan niyon at nagsimulang kumain mula sa mga ito. Pagkatapos ay nagsabi: "Talagang kung ako ay mabubuhay pa hanggang sa makain ko ang mga datiles kong ito, tunay na ito ay talagang buhay na mahaba." Kaya itinapon niyon ang dala niyong datiles. Pagkatapos ay nakipaglaban iyon sa kanila hanggang sa napatay iyon.
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Nagpapabatid si Anas, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay lumabas kasama ng mga Kasamahan niya mula sa Madīnah upang sumalubong sa isang karaban ni Abū Sufyān na dinala niya mula sa Shām papuntang Makkah. Hindi sila lumabas para makipaglaban subalit si Allah at nagtipon sa kanila at ng kaaway nila nang walang tipanan. Dahil dito, marami sa mga kasamahan ay nagpaiwan sa labanang ito at hindi pinagalitan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang isa sa kanila. Pagkatapos ay lumisan ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at tumuloy sila sa Badr bago tumuloy roon ang mga Kāfir ng Quraysh. Kumuha ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng puwesto niya mula roon. Pagkatapos ay dumating ang mga Kāfir ng Quraysh at nagsabi siya: "Hindi nga susulong ang isa kabilang sa inyo tungo sa anuman malibang ako ay nasa unahan niya." Ang kahulugan: ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbabawal sa kanila sa pagsulong tungo sa anuman malibang siya, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, ay higit na malapit doon kaysa sa kanila upang walang makaalpas na anuman sa mga kalamangang hindi nila nalalaman. Pagkatapos ay nagsabi siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tumindig kayo tungo sa Paraisong ang luwang nito ay [ang pagitan ng] mga langit at lupa." Nangangahulugan ito: magmadali kayo at huwag kayong magpahuli sa pag-aalay ng mga kaluluwa ninyo sa landas ni Allah sapagkat tunay na ang kahihinatnan niyon ay Paraisong ang luwang nito ay [ang pagitan ng] mga langit at lupa. Ito ay bahagi ng paggaganyak sa kanila at pag-uudyok sa kanila sa pakikipaglaban sa mga Kāfir. Sinabi: Nagsasabi si `Umayr bin Al-Ḥumām Al-Anṣārīy, malugod si Allāh sa kanya: "O Sugo ni Allah, Paraisong ang luwang nito ay [ang pagitan ng] mga langit at lupa?" Nagsabi siya: "Oo." Nagsabi siya: "Magaling! Magaling!" Ang kahulugan niyon ay pagpapabigat sa isang bagay at pagdakila roon. Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ano ang nag-udyok sa sabi mong: Magaling, magaling?" Nangangahulugan ito: ano ang motibong nagtulak sa iyo na magsabi ka ng salitang ito, ito ba ay ang pangamba? Nagsabi iyon: "Wala po, sumpa man kay Allah, o Sugo ni Allah, malibang ang pag-asang ako ay maging kabilang sa mga maninirahan doon." Nangangahulugan ito: ang nagtulak sa akin na magsabi ng salitang ito ay ang pagmimithi ko sa pagpasok sa Paraiso. Nagsabi siya: "Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga maninirahan doon." Ito ay bahagi ng pagbabalita ng nakalulugod ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa mga Kasamahan niya ng pagpasok sa Paraiso bilang pag-uudyok sa kanila at sa pagkakaloob ng lubos sa paggawa. Pagkatapos, noong narinig ni `Umayr bin Al-Ḥumām, malugod si Allāh sa kanya, ang narinig niyang nakalulugod na balita mula sa Propetang totoong pinatotohanan, na hindi bumibigkas ng ayon sa pithaya, nagpalabas siya ng mga datiles mula sa baunan niya - ang nilalagyan ng pagkain kadalasan at dinadala ng nakikibaka. Pagkatapos ay nagsimula siyang kumain. Pagkatapos ay itinuring niyang mahaba ang buhay at nagsabi: "Talagang kung ako ay mabubuhay pa hanggang sa makain ko ang mga datiles kong ito, tunay na ito ay talagang buhay na mahaba." Kaya itinapon niyon ang dala niyong datiles. Pagkatapos ay sumulong siya at nakipaglaban at napatay siya, malugod si Allāh sa kanya.