+ -

عَنِ الْبَرَاءِ رضي الله عنه:
عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَنَّهُ قَالَ فِي الْأَنْصَارِ: «لَا يُحِبُّهُمْ إِلَّا مُؤْمِنٌ، وَلَا يُبْغِضُهُمْ إِلَّا مُنَافِقٌ، مَنْ أَحَبَّهُمْ أَحَبَّهُ اللهُ وَمَنْ أَبْغَضَهُمْ أَبْغَضَهُ اللهُ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 75]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Al-Barā`(malugod si Allāh sa kanya):
{Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi kaugnay sa mga Tagaadya (Ansar): "Walang umiibig sa kanila maliban sa isang mananampalataya at walang nasusuklam sa kanila maliban sa isang mapagpaimbabaw. Ang sinumang umibig sa kanila, iibig sa kanya si Allāh; at ang sinumang namuhi sa kanila, mamumuhi sa kanya si Allāh."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 75]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pag-ibig sa mga Tagaadya kabilang sa mga naninirahan sa Madinah ay tanda ng kalubusan ng pananampalataya. Ito ay dahil sa pangunguna nila sa pag-adya sa Islām at Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at pagpupunyagi nila sa pagkakanlong sa mga Muslim at pagkakaloob nila ng mga yaman nila at mga sarili nila sa landas ni Allāh, at na ang pagkamuhi sa kanila ay tanda ng pagpapaimbabaw. Pagkatapos naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang umibig sa mga tagaadya, iibig sa kanya si Allāh; at ang sinumang namuhi sa kanila, mamumuhi sa kanya si Allāh.

من فوائد الحديث

  1. Dito ay may isang dakilang katangian ng mga Tagaadya sapagkat ang pag-ibig sa kanila ay tanda ng pananampalataya at kawalang-kaugnayan sa pagpapaimbabaw.
  2. Ang pag-ibig sa mga katangkilik ni Allāh at ang pag-aadya sa kanila ay isang kadahilanan ng pag-ibig ni Allāh sa tao.
  3. Ang kainaman ng mga nangungunang kauna-unahan sa Islām.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan