عَن زَيْدِ بْنِ خَالِدٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَنْ جَهَّزَ غَازِيًا فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَقَدْ غَزَا، وَمَنْ خَلَفَ غَازِيًا فِي سَبِيلِ اللَّهِ بِخَيْرٍ فَقَدْ غَزَا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2843]
المزيــد ...
Ayon kay Zayd bin Khālid (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang sinumang naghanda ng isang tagalusob sa landas ni Allāh, lumusob nga siya. Ang sinumang humalili sa isang tagalusob sa landas ni Allāh nang mabuti, lumusob nga siya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2843]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang naghanda para sa tagalusob sa landas ni Allāh ng mga kaparaanan ng paglalakbay nito at kinakailangan nito kabilang sa hindi maiiwasan na sandata, sasakyan, pagkain, panggugol, at iba pa sa mga ito, siya ay nasa uri ng tagalusob at natamo para sa kanya ang gantimpala ng mga tagalusob.
Ang sinumang bumalikat ng nauukol sa tagalusob sa kabutihan at humalili sa tungkulin nito sa pag-aaruga sa mag-anak nito sa panahon ng pagkaliban nito, siya ay nasa uri ng tagalusob.