عَن سَهْلِ بْنِ حُنَيْفٍ رضي الله عنه أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَنْ سَأَلَ اللهَ الشَّهَادَةَ بِصِدْقٍ بَلَّغَهُ اللهُ مَنَازِلَ الشُّهَدَاءِ، وَإِنْ مَاتَ عَلَى فِرَاشِهِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1909]
المزيــد ...
Ayon kay Sahl bin Ḥunayf (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang sinumang humiling kay Allāh ng kamartiran nang tapat, magpapaabot sa kanya si Allāh sa mga katayuan ng mga martir., kahit pa namatay siya sa higaan niya."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1909]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang humiling ng kamartiran at pagkapatay sa landas ni Allāh, habang siya ay tapat na nagpapakawagas sa layunin niyang iyon para kay Allāh (napakataas Siya), magbibigay sa kanya si Allāh ng mga antas ng kamartiran ayon sa tapat na layunin niya, kahit pa namatay siya sa higaan sa hindi pakikibaka.