عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَا يَزَالُ البَلاَءُ بِالمُؤْمِنِ وَالمُؤْمِنَةِ فِي نَفْسِهِ وَوَلَدِهِ وَمَالِهِ حَتَّى يَلْقَى اللَّهَ وَمَا عَلَيْهِ خَطِيئَةٌ».
[حسن] - [رواه الترمذي وأحمد] - [سنن الترمذي: 2399]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Hindi natitigil ang pagsubok sa lalaking mananampalataya at babaing mananampalataya sa sarili niya, anak niya, at yaman niya, hanggang sa makitagpo siya kay Allāh habang sa kanya ay walang kasalanan."}
[Maganda] - - [سنن الترمذي - 2399]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagsubok at ang pagsusulit ay hindi nakakalas sa lalaking mananampalataya o babaing mananampalataya sa sarili niya mula sa kalusugan niya at katawan niya; sa mga anak niya mula sa karamdaman o pagpanaw o kasuwailan o iba pa rito; sa yaman niya mula sa karalitaan, pagkawala ng negosyo, pagkanakaw, pagkatumal ng kabuhayan, at kagipitan sa panustos nang sa gayon magtakip-sala si Allāh sa kanya, dahil sa pagsubok na iyon, ng lahat ng mga pagkakasala niya at mga pagkakamali niya nang sa gayon kapag nakipagtagpo siya kay Allāh, siya ay nadalisay na mula sa lahat ng mga pagkakasala at mga kasalanan na nagawa niya.