+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم أنه قال: "إن عِظَمَ الجزاءِ مع عِظَمِ البلاءِ، وإن الله تعالى إذا أحب قوما ابتلاهم، فمن رَضِيَ فله الرِضا، ومن سَخِطَ فله السُّخْطُ".
[صحيح] - [رواه الترمذي وابن ماجه]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, siya ay nagsabi: "Tunay na ang bigat ng ganti ay kaalinsabay ng bigat ng pagsubok at tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, kapag umibig sa mga tao, ay sumusubok sa kanila. Kaya ang sinumang nalugod, ukol sa kanya ang lugod; at ang sinumang nayamot, ukol sa kanya ay ang pagkayamot."
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa ḥadīth na ito na ang Mananampalataya ay maaaring dapuan ng mga kasawian sa sarili niya o ari-arian niya o iba pa roon. Si Allah ay maggagantimpala sa kanya dahil sa mga kasawiang iyon kapag siya ay nagtiis. Sa tuwing bumibigat ang kasawian at bumibigat ang panganib nito, bumibigat ang gantimpala nito mula kay Allah. Pagkatapos ay nililinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang mga kasawian ay bahagi ng mga tanda ng pag-ibig ni Allah sa Mananampalataya, at na ang pagtatadhana ni Allah at ang pagtatakda Niya ay matutupad, hindi maiiwasan. Subalit ang sinumang nagtiis at nalugod, tunay na si Allah ay maggagantimpala sa kanya dahil doon sa pamamagitan ng pagkalugod sa kanya at magbibigay sa kanya ng sapat na gantimpala. Ang sinumang nayamot at nasuklam sa pagtatadhana ni Allah at pagtatakda Niya, tunay na si Allah ay mayayamot sa kanya at magbibigay sa kanya ng sapat na kaparusahan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano
Paglalahad ng mga salin