عَنْ مَطَرِ بْنِ عُكَامِسٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِذَا قَضَى اللَّهُ لِعَبْدٍ أَنْ يَمُوتَ بِأَرْضٍ جَعَلَ لَهُ إِلَيْهَا حَاجَةً».
[صحيح] - [رواه الترمذي] - [سنن الترمذي: 2146]
المزيــد ...
Ayon kay Maṭar bin `Ukāmis (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Kapag nagtadhana si Allāh para sa isang lingkod na mamatay ito sa isang lupain, gagawa Siya para rito ng isang pangangailangan doon."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy] - [سنن الترمذي - 2146]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh, kapag nagtadhana Siya at nagtakda Siya para sa isang lingkod na mamatay sa isang lupain samantalang ito ay hindi naroroon, ay gagawa para rito ng isang pangangailangan doon, kaya pupunta ito roon saka kukunin ang kaluluwa nito roon.