عَنْ طَاوُسٍ أَنَّهُ قَالَ: أَدْرَكْتُ نَاسًا مِنْ أَصْحَابِ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، يَقُولُونَ كُلُّ شَيْءٍ بِقَدَرٍ، قَالَ: وَسَمِعْتُ عَبْدَ اللهِ بْنَ عُمَرَ رضي الله عنهما يَقُولُ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«كُلُّ شَيْءٍ بِقَدَرٍ، حَتَّى الْعَجْزِ وَالْكَيْسِ، أَوِ الْكَيْسِ وَالْعَجْزِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2655]
المزيــد ...
Ayon kay Ṭāwus na nagsabi: {"Nakaabot ako ng mga tao kabilang sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi na ang bawat bagay ay ayon sa pagtatakda." Nagsabi pa siya: "Nakarinig ako kay `Abdullāh Bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsasabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
Ang bawat bagay ay ayon sa pagtatakda, kahit ang kawalan ng kakayahan at ang kairalan ng kakayahan o ang kairalan ng kakayahan at ang kawalan ng kakayahan."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2655]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat bagay ay ayon sa pagtatakda, kahit ang kawalan ng kakayahan: ang pag-iwan ng kinakailangang gawin, ang pag-aantala nito, at ang pagpapaliban ng oras nito dahil sa mga nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay; at kahit ang kairalan ng kakayahan: ang kasiglahan at ang kahusayan sa mga nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay. Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagtakda ng kawalan ng kakayahan at kairalan ng kakayahan. Ang bawat bagay ay hindi nagaganap sa kairalan malibang nauna na rito ang kaalaman ni Allāh at ang kalooban Niya.