Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya. Ingatan mo si Allāh, matatagpuan mo Siya sa dako mo. Kapag humingi ka, humingi ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sumulat si Allāh ng mga itinakda sa mga nilikha limampung libong taon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang una sa nilikha ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ay ang panulat at nagsabi Siya rito: Sumulat ka! Nagsabi ito: Panginoon ko, at ano po ang isusulat ko? Nagsabi Siya: Isulat mo ang mga pagtatakda sa bawat bagay hanggang sa sumapit ang Huling Sandali.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Ali-malugod si Allah sa kanya-Kami ay nasa libingan sa Baqie Al-Gharqad,Dumating sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-umupo siya at umupo kami na paikot sa kanya,at may dala siyang patpat,ibinaba niya ang ulo niya at gumawa siya ng hukay gamit ang patpat nito,Pagkatapos ay sinabi niya:(( Wala sa inyo na kahit isa maliban sa naisulat ang pag-uupuan niya sa Impyerno at pag-uupuan niya sa Paraiso))Kaya`t nagsabi sila:O Sugo ni Allah,Hindi ba kami magtitiwala sa aklat nami? Nagsabi siya:(( Magtrabaho kayo,sapagkat ang lahat ay magiging madali,ayon sa nilikha sa kanya)) Napagkaisahan ang katumpakan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – at siya ang nagtototoo at ang pinatotohanan: "Tunay na ang paglikha sa [bawat] isa sa inyo ay tinitipon sa tiyan ng ina niya nang apatnapung araw at apatnapung gabi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang bawat bagay ay ayon sa pagtatakda, kahit ang kawalan ng kakayahan at ang kairalan ng kakayahan o ang kairalan ng kakayahan at ang kawalan ng kakayahan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagtalo sina Adan at Moises kaya nagsabi si Moises dito: "O Adan, ikaw ay ama Namin. Binigo mo kami at pinalabas mo kami mula sa Paraiso." Nagsabi rito si Adan: "O Moises, hinirang ka ni Allah sa pakikipag-usap Niya at isinatitik Niya para sa iyo [ang Torah] sa pamamagitan ng kamay Niya, sinisisi mo ba ako dahil sa isang bagay na itinakda ni Allah sa akin bago niya ako nalikha nang apatnapung taon? Kaya nadaig ni Adan sa pagtatalo si Moises. Kaya nadaig ni Adan sa pagtatalo si Moises.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag na kayong umiyak sa kapatid matapos ang araw na ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay An-nu'man Bin Basheer Malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya:Nawalan ng malay si `Abdullah bin Rawahah-kaya`t ang kapatid nito ay umiyak at nagsasabi: O Bundok;O ganito O ganito;binabanggit nito sa kanya [ang mga magagandang katangian] Nagsabi siya nang siyay`y nagkamalay;Wala kang nasabing anumang bagay liban sa sinabi sa akin na ikaw ay ganoon din?!Isinaysay ito ni Imam Al-Bukhari
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang si Allah-kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan, ay nilikha Niya ang mga likha nito sa kadiliman,Kaya't nagbigay Siya sa kanila nang Liwanag Niya,at Sinuman ang magkamit ng liwanag na ito ay mapapatnubayan,at sinuman ang magpapa-mali nito ay maliligaw,kayat sasabihin ko; Natuyo ang (tinta)ng lapis sa Karunungan ni Allah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu