عن عبادة بن الصامت رضي الله عنه قال: يا بُنَيَّ، إنك لن تجد طعم الإيمان حتى تعلم أن ما أصابك لم يكن ليخطئك، وما أخطأك لم يكن ليصيبك، سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «إن أول ما خلق الله القلم، فقال له: اكتب. فقال: رب، وماذا أكتب؟ قال: اكتب مقادير كل شيء حتى تقوم الساعة». يا بني سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «من مات على غير هذا فليس مني».
وفي رواية لأحمد: «إن أول ما خلق الله تعالى القلم، فقال له: اكتب، فجرى في تلك الساعة بما هو كائن إلى يوم القيامة».
وفي رواية لابن وهب قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «فمن لم يؤمن بالقدر خيره وشره أحرقه الله بالنار».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي وأحمد وابن وهب في «القَدَر»]
المزيــد ...
Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: O anak ko, tunay ikaw ay hindi makadarama ng lasa ng pananampalataya hanggang sa malaman mo na ang anumang dumapo sa iyo ay hindi nangyaring magmimintis sa iyo at ang anumang nagmintis sa iyo ay hindi nangyaring dadapo sa iyo. Narinig ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na ang una sa nilikha ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ay ang panulat at nagsabi Siya rito: Sumulat ka! Nagsabi ito: Panginoon ko, at ano po ang isusulat ko? Nagsabi Siya: Isulat mo ang mga pagtatakda sa bawat bagay hanggang sa sumapit ang Huling Sandali." O anak ko, narinig ko ang Sugo ni Allāh, na nagsasabi: "Ang sinumang namatay nang ayon sa hindi ganito, siya ay hindi kabilang sa akin." Sa isang sanaysay batay kay Imām Aḥmad: "Tunay na ang una sa nilikha ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ay ang panulat at nagsabi rito: Sumulat ka! Kaya naganap sa sandaling iyon ang anumang mangyayari hanggang sa Araw ng Pagkabuhay." Sa isang sanaysay batay kay Ibnu Wahb, nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kaya ang sinumang hindi naniniwala sa Pagtatakda: sa mabuti nito at masama nito, susunugin siya ni Allāh sa Impiyerno."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Wahb sa Qadr - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Si `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit, malugod si Allāh sa kanya, ay nagtatagubilin sa anak niyang si Al-Walīd ng pananampalataya sa pagtatakda: sa mabuti nito at masama nito, at nililinaw niya rito ang inireresulta ng pananampalataya rito gaya ng mga mabuting bunga at mga magandang kahihinatnan sa Mundo at Kabilang-buhay at ang inireresulta ng pagkakaila sa pagtatakda gaya ng mga kasamaan at mga iniiwasan sa Mundo at Kabilang-buhay. Ipinatutunay niya sa sinasabi niya ang Sunnah ng Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagpapatibay na si Allāh ay nagtatakda ng mga itinakda at nag-utos sa panulat na isulat ang mga ito bago umiral ang mga nilikhang ito kaya naman walang nagaganap sa Sansinukob na anuman hanggang sa Pagsapit ng Huling Sandali malibang ayon sa tadhana at takda.