+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «لا يَقُلْ أحدُكم: اللهم اغفِرْ لي إن شِئْتَ، اللهم ارحمني إن شِئْتَ، لِيَعْزِمِ المسألةَ، فإن الله لا مُكْرِهَ له». ولمسلم: «وَلْيُعَظِّمِ الرَّغْبَةَ، فإن الله لا يَتَعَاظَمُه شيءٌ أعطاه».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Huwag sabihin ng isa sa iyo: O Allāh, magpatawad Ka sa akin kung niloob Mo. O Allāh, maawa Ka sa akin kung niloob Mo. Tatagan niya ang paghiling sapagkat tunay na si Allāh ay walang makapipilit sa Kanya." Batay kay Imām Muslim: "Pabigatin niya ang pagnanais sapagkat tunay na si Allāh ay hindi napabibigatan ng bagay na ibinigay Niya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Yayamang ang lahat ng mga tao ay nangangailangan kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at si Allāh ay ang Mayaman, ang Kapuri-puri, ang Palagawa ng anumang ninanais Niya, ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa sinumang nagnais dumalangin ang pag-uugnay sa paghiling ng kapatawaran at awa mula kay Allāh sa kalooban Niya. Ipinag-utos Niya rito ang pagpapatatag ng paghiling nang walang pag-uugnay dahil ang pag-uugnay ng paghiling mula kay Allāh sa kalooban Niya ay nagpapadamang si Allāh ay napabibigatan ng isang bagay mula sa mga pangangailangan ng nilikha Niya o pinipilit Siya ng isang bigay sa pagtugon niyon. Ito ay kasalungatan ng katotohanan. Nagpapadama din iyon ng pananabang ng tao sa paghiling at ng pagkawala ng pangangailangan niya sa Panginoon niya gayong siya ay hindi mawawalan ng pangangailangan kay Allāh kahit isang kisap mata. Iyon ay nagkakaila sa pangangailangang siyang diwa ng pagsambang panalangin at dahil sa ang pagpapapili ay hindi naaangkop kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, yayamang walang makapipilit sa Kanya para papiliin Siya. Pagkatapos ay ipinag-utos ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa dumadalangin ang pangungulit sa panalangin at na hilingin niya kay Allāh ang anumang ninais niya na mabuti, malaki man o maliit, sapagkat tunay na si Allāh ay hindi napahihirapan ng anumang ninanais Niyang ibigay at hindi nalalakihan sa pangangailangan ng humihiling sapagkat tunay na Siya ay ang May-ari ng Mundo at Kabilang-buhay, ang Tagapangasiwa sa mga ito ayon sa lubos na pangangasiwa. Siya sa bawat bagay ay nakakaya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin