عَنْ أُبَيِّ بْنِ كَعْبٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لاَ تَسُبُّوا الرِّيحَ، فَإِذَا رَأَيْتُمْ مَا تَكْرَهُونَ فَقُولُوا: اللَّهُمَّ إِنَّا نَسْأَلُكَ مِنْ خَيْرِ هَذِهِ الرِّيحِ وَخَيْرِ مَا فِيهَا وَخَيْرِ مَا أُمِرَتْ بِهِ، وَنَعُوذُ بِكَ مِنْ شَرِّ هَذِهِ الرِّيحِ وَشَرِّ مَا فِيهَا وَشَرِّ مَا أُمِرَتْ بِهِ».
[صحيح] - [رواه الترمذي] - [سنن الترمذي: 2252]
المزيــد ...
Ayon kay Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Huwag ninyong alipustain ang hangin. Kaya kapag nakakita kayo ng kinaiinisan ninyo ay sabihin ninyo: Allāhumma innā nas'aluka min khayri hādhihi -rrīhī wa-khayri mā fīhā wa-khayri mā umirat bihi, wa-na`ūdhu bika min sharri hādhihi irrīḥi wa-sharri mā fīhā wa-harri mā umirat bih. (O Allāh, tunay na kami ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihan ng hanging ito, kabutihan ng narito, at kabutihan ng ipinag-utos dito; at nagpapakupkop kami sa Iyo laban sa kasamaan ng hanging ito, kasamaan ng narito, at kasamaan ng ipinag-utos dito)."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy] - [سنن الترمذي - 2252]
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa paglait o pagsumpa sa hangin sapagkat tunay na ito ay inuutusan ng Tagalikha nito, na maghatid ng awa at pagdurusa. Ang pag-alipusta rito ay isang pag-alipusta kay Allāh, ang Tagalikha nito, at isang pagkainis sa pagtatadhana Niya. Pagkatapos gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa pagbabalik kay Allāh, ang Tagalikha nito, sa pamamagitan ng paghiling sa Kanya ng kabutihan nito, kabutihan ng narito, at kabutihan ng pagkasugo nito gaya ng paghahatid nito ng ulan, paglilipat ng mawo (pollen), at tulad nito; at ng paghiling ng pagkupkop kay Allāh laban sa kasamaan ng hanging ito, kasamaan ng narito, at kasamaan ng pagkasugo nito gaya ng pagsira ng halaman, mga punong-kahoy, pagkasawi ng mga hayupan, pagkawasak ng mga estruktura, at tulad nito. Sa paghiling kay Allāh niyon ay may pagsasakatotohanan ng pagkamananamba kay Allāh.