Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

Ang sinumang tumuloy sa isang tuluyan pagkatapos nagsabi ng: A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya), hindi siya pipinsalain ng anuman hanggang sa lumisan siya sa tuluyan niyang iyon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ako ay talagang nakaaalam ng isang pangungusap na kung sakaling sinabi niya ay aalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya. Kung sakaling nagsabi siya ng: A`ūdhu bi-llāhi mina -shhayṭān (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyo), maaalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Maramot ay sinumang binanggit ako sa kanya at hindi siya nagbigay ng (Dasal)Pagpapala sa akin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang kumain ng pagkain saka nagsabi: Alḥamdu lillāhi –­lladhī aṭ`amanī hādhā, wa-razaqanīhi min ghayri ḥawlim minnī wa-lā qūwah (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa akin nito at nagtustos sa akin nito nang walang kapangyarihan mula sa akin ni lakas), magpapatawad sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--Kapag kinuha niya ang higaan niya,hinihihipan niya ang dalawang kamay niya,at nagbabasa siya ng mga Pagpapakupkop [Kay Allah],at nagpupunas siya nito sa katawan niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Alḥamdu lillāhi -lladhī aṭ`amanā wa saqānā wa kafānā wa āwānā, fakam mimman lā kāfiya lahu wa lā mu'wiya. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa atin, nagpainom sa atin, nagbigay ng kasapatan sa atin, at nagpatira sa atin sapagkat kay rami ng [taong] walang nagbibigay ng kasapatan sa kanya at walang nagpapatuloy.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong laitin ang hangin. Kaya kapag nakakita kayo ng kinaiinisan ninyo ay sabihin ninyo: Allāhumma innā nas'aluka min khayri hādhihi -rrīhī wa khayri mā fīhā wa khayri mā umirat bihi wa na`ūdhu bika min sharri hādhihi irrīḥi wa sharri mā fīhā wa sharri mā umirat bih (O Allāh, tunay na kami ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihan ng hanging ito, sa kabutihan ng nasa loob nito, at sa kabutihan ng ipinag-utos dito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng hanging ito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng ipinag-utos dito).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Madidikitan ng malagkit na lupa ang ilong ng isang lalaki,Binanggit ako sa kanya at hindi siya nagbigay ng Dasal (Pagpapala) sa akin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
'Hindi ba ako maggagabay sa inyong dalawa sa higit na mabuti kaysa sa hiniling ninyong dalawa? Kapag humiga kayong dalawa sa mga higaan ninyong dalawa o pumunta kayong dalawa sa kama ninyong dalawa, magluwalhati kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo, magpuri kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo, at magdakila kayong dalawa nang talumpu't apat sapagkat ito ay higit na mabuti para sa inyong dalawa kaysa sa isang utusan.'"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma innī as’aluka khayrahā, wa khayra mā fīhā, wa khayra mā ursilat bihi, wa a`ūdhu bika min sharrihā, wa sharri mā fīhā, wa sharri mā ursilat bih (O Allah, tunay na ako ay humihingi sa Iyo ng kabutihan nito, ng kabutihan ng nasa loob nito, at ng kabutihan ng bagay na ipinadala kalakip nito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan nito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng bagay na ipinadala kalakip nito).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang hangin ay bahagi ng awa ni Allah. Naghahatid ito ng awa at naghahatid ito ng pagdurusa. Kapag nakita ninyo ito ay huwag ninyong laitin ito. Hingin ninyo kay Allah ang kabuitahn nito. Magpakupkop kayo kay Allah laban sa kasamaan nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Iyan ay demonyong tinatawag na Khinzab. Kaya kapag nakadama ka sa kanya, magpakamapagpakupkop ka kay Allāh laban sa kanya at lumura ka sa kaliwa mo nang tatlong ulit
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating ang isang lalaki sa Propeta-pagpalaain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi niyang: O Sugo ni Allah,Gusto kong maglakbay,bigyan mo ako ng pabaon,Nagsabi siya:(( Naway pabaunan ka ni Allah ng Takot [sa Allah]))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan na ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-kapag itinaas niya ang dulang niya-sinasabi niyang:(( Ang lahat ng papuri ay sa Allāh,Taglay [Niya] ang maraming pagpupuri, ang mga magaganda at pagpapala,Hindi ito mababayaran o di kaya ay maiwanan,o di kaya ay maaaring gawin na wala ang ating Panginoon))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Si `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allah sa kanya, na dinalhan ng isang hayop upang sakyan ito. Noong nailagay niya ang paa niya sa estribo, sinabi niya: Bismi ­llāh (Sa ngalan ni Allah).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay naglakbay,Nagpapakupkop siya sa kahirapan ng paglalakbay,at sa Nakakapag-hinagpis na daratnan,At Kakulangan pagkatapos ng kaganapan,at sa panalangin ng mga naaapi,at sa masamang paningin sa Pamilya at sa kayamanan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag hihiga ang isa sa inyo sa higaan niya, pagpagin niya ang higaan niya ng laylayang panloob ng tapis niya sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung ano ang pumalit sa kanya sa ibabaw nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kami noon, kapag umakyat kami, ay nagdadakila, at kapag bumaba kami, ay nagluluwalhati.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Si Abū Ṣāliḥ noon ay nag-uutos sa amin, kapag nagnais ang isa sa amin na matulog, na mahiga sa kanang tagiliran niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nag-eklips ang araw noong panahon ng sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya`t napatayo siya na nasisindak,natakot siya na dumating na ang huling sandali,hanggang sa dumating siya sa masjid at tumayo siya,nagdasal ng may pinakamahabang pagtayo at pagpapatirapa,na hindi ko nakita sa dasal niya kailanman,pagkatapos ay nagsabi siya:Tunay na ang mga tanda na ito na ipinadadala ni Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan,ay hindi dahil sa kamatayan ng isang tao o dahil sa pagkabuhay niya,bagkus ipinadadala ni Allah ang mga ito upang gisingin ang takot sa pamamagitan nito ng mga lingkod niya,kaya`t kapag nakakita kayo mula rito ng anuman,magmadali kayo sa pag-alala kay Allah,pagdalangin sa kanya at paghingi ng tawad sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu