عَنْ عَلِيٍّ رضي الله عنه:
أَنَّ فَاطِمَةَ رَضيَ اللهُ عنْها أَتَتِ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ تَشْكُو إِلَيْهِ مَا تَلْقَى فِي يَدِهَا مِنَ الرَّحَى، وَبَلَغَهَا أَنَّهُ جَاءَهُ رَقِيقٌ، فَلَمْ تُصَادِفْهُ، فَذَكَرَتْ ذَلِكَ لِعَائِشَةَ، فَلَمَّا جَاءَ أَخْبَرَتْهُ عَائِشَةُ، قَالَ: فَجَاءَنَا وَقَدْ أَخَذْنَا مَضَاجِعَنَا، فَذَهَبْنَا نَقُومُ، فَقَالَ: «عَلَى مَكَانِكُمَا» فَجَاءَ فَقَعَدَ بَيْنِي وَبَيْنَهَا، حَتَّى وَجَدْتُ بَرْدَ قَدَمَيْهِ عَلَى بَطْنِي، فَقَالَ: «أَلاَ أَدُلُّكُمَا عَلَى خَيْرٍ مِمَّا سَأَلْتُمَا؟ إِذَا أَخَذْتُمَا مَضَاجِعَكُمَا -أَوْ أَوَيْتُمَا إِلَى فِرَاشِكُمَا- فَسَبِّحَا ثَلاَثًا وَثَلاَثِينَ، وَاحْمَدَا ثَلاَثًا وَثَلاَثِينَ، وَكَبِّرَا أَرْبَعًا وَثَلاَثِينَ، فَهُوَ خَيْرٌ لَكُمَا مِنْ خَادِمٍ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5361]
المزيــد ...
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya):
{Si Fāṭimah (malugod si Allāh sa kanya) ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na dumadaing sa kanya ng natatagpuan nito sa kamay nito dahil sa gilingang bato. Umabot dito na may dumating sa kanya na alipin ngunit hindi ito nakasumpong sa kanya kaya bumanggit ito niyon kay `Ā'ishah. Kaya noong dumating siya, nagpabatid sa kanya si `Ā'ishah. Nagsabi naman si `Alīy: "Saka dumating siya sa amin noong nakahiga na kami sa mga higaan namin saka kumilos kami upang bumangon ngunit nagsabi siya: 'Manatili sa kinalalagyan ninyong dalawa.' Dumating siya saka umupo sa pagitan ko at nito hanggang sa nakaramdam ako ng lamig ng mga paa niya sa tiyan ko saka nagsabi siya: 'Hindi ba ako maggagabay sa inyong dalawa sa higit na mabuti kaysa sa hiniling ninyong dalawa? Kapag humiga kayong dalawa sa mga higaan ninyong dalawa o pumunta kayong dalawa sa kama ninyong dalawa, magluwalhati kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo, magpuri kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo, at magdakila kayong dalawa nang talumpu't apat sapagkat ito ay higit na mabuti para sa inyong dalawa kaysa sa isang utusan.'"}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 5361]
Dumaing si Fāṭimah (malugod si Allāh sa kanya), ang babaing anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ng natatagpuan nito sa kamay nito dahil sa epekto ng kasangkapan ng paggiling, na iginigiling nito. Noong may dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bihag, nagmadali ito sa kanya, na humihiling sa kanya ng isang utusan mula sa bihag na ito upang magsagawa sa halip nito ng mga gawain sa bahay subalit ito ay hindi nakatagpo sa kanya sa bahay niya at nakatagpo kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) kaya nagpabatid ito sa kanya hinggil doon. Kaya noong dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagpabatid sa kanya si `Ā'ishah hinggil sa pagdating ni Fāṭimah upang humiling ito sa kanya ng isang utusan. Dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kina Fāṭimah at `Alīy (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa bahay nilang dalawa habang silang dalawa ay nasa higaan, na naghahanda para sa pagtulog. Umupo siya sa pagitan nilang dalawa hanggang sa nakaramdam si `Alīy (malugod si Allāh dito) ng lamig ng mga paa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tiyan niya. Nagsabi siya: "Hindi ba ako magtuturo sa inyong dalawa ng higit na mabuti kaysa sa hiniling ninyong dalawa sa akin na pagbibigay sa inyong dalawa ng utusan?" Nagsabi silang dalawa: "Opo." Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag humiga kayong dalawa sa mga higaan ninyo para matulog sa gabi, magdakila kayong dalawa nang tatlumpu't apat na ulit sa pamamagitan ng pagsabi ng: Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila), magluwalhati kayong dalawa nang tatlumpu't tatlong ulit sa pamamagitan ng pagsabi ng: Subḥāna –llāh (Kaluwalhatian kay Allāh), at magpuri kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Alḥmdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)", sapagkat ang pagsambit na ito ay higit na mabuti para sa inyong dalawa kaysa sa isang utusan."