عن أم حبيبة بنت أبي سفيان رضي الله عنهما قالت: قلت يا رسول الله، انكح أختي ابنة أبي سفيان. قال: أو تحبين ذلك؟ فقلت: نعم؛ لست لك بمُخْلِيَةٍ، وأحَبُّ من شاركني في خير أختي. فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : إن ذلك لا يحل لي. قالت: إنا نُحَدَّثُ أنك تريد أن تنكح بنت أبي سلمة. قال: بنت أم سلمة؟! قالت: قلت: نعم، قال: إنها لو لم تكن ربيبتي في حَجْرِي، ما حلت لي؛ إنها لابنة أخي من الرضاعة، أرضعتني وأبا سلمة ثويبةُ؛ فلا تعرضن علي بناتكن ولا أخواتكن.
قال عروة: وثويبة مولاة لأبي لهب أعتقها، فأرضعت النبي صلى الله عليه وسلم ، فلما مات أبو لهب رآه بعض أهله بشرِّ حِيبة، فقال له: ماذا لقيت؟ قال أبو لهب: لم ألق بعدكم خيرًا، غير أني سقيت في هذه بعتاقتي ثويبة.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Umm Ḥabībah bint Abī Sufyān, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, pakasalan mo ang kapatid kong anak ni Abū Sufyān." Nagsabi siya: "At naiibigan mo ba iyon?" Nagsabi ako: "Opo; Ako ay hindi nakasosolo sa iyo. Ang pinakakaibig-ibig na makilahok sa akin sa isang kabutihan ay ang kapatid ko." Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na iyan ay hindi ipinahihintulot sa akin." Nagsabi ito: "Tunay na kami ay nag-uusap na ikaw ay nagnanais na magpakasal sa anak ni Abū Salamah." Nagsabi siya: "Tunay na siya, kahit pa man hindi naging anak na panguman ko, ay hindi ipinahihintulot sa akin. Tunay na siya ay talagang anak ng kapatid ko sa pagpapasuso. Pinasuso ako at si Abū Salamah ni Thuwaybah, kaya huwag ninyong iaalok sa akin ang mga anak ninyo ni ang mga kapatid ninyo." Nagsabi si `Urwah: "At si Thuwaybah ay isang alipin ni Abū Lahab na nagpalaya sa kanya at nagpasuso kay Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Noong namatay si Abū Lahab, napanaginipan siya ng isa sa mga kamag-anak niya sa isang napakasamang kalagayan kaya nagsabi ito sa kanya: Ano ang nasumpungan mo? Nagsabi si Abū Lahab: Hindi ako nakasumpong matapos ninyo ng isang kabutihan malibang ako ay pinainom dito dahil sa pagpapalaya ko kay Thuwaybah."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Si Umm Ḥabībah bint Abī Sufyān ay isa sa mga ina ng mga Mananampalataya, malugod si Allāh sa kanila. Siya ay mapalad at maligaya sa pagkakapangasawa niya sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at naging karapat-dapat siya roon. Kaya naman hiniling niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na pakasalan ang kapatid niya. Nagulat ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kung papaanong pumayag ito na pakasalan ang magiging kahati nito yamang ang mga babae ay may matinding selos doon. Dahil dito, nagtatanong at nagtatakang nagsabi siya: "At naiibigan mo ba iyon?" Nagsabi ito: "Oo; naiibigan ko iyon." Pagkatapos ay nilinaw nito sa kanya ang dahilang alang-alang doon ay minabuti nitong pakasalan niya ang kapatid nito: kailangang mayroon itong kahati sa kanya sa mga babae, hindi nito siya masosolo nang mag-isa, at ang magiging kahati para rito sa dakilang kabutihang ito ay ang kapatid nito. Para bang siya ay hindi nakaaalam sa pagbabawal sa pagsasabay sa magkakapatid bilang asawa. Dahil dito, ipinabatid niya na ang kapatid nito ay hindi ipinahihintulot sa kanya na maging asawa kasabay nito. Ibinalita nito na naikuwento ritong siya ay magpapakasal sa anak ni Abū Salamah. Nagtanong siya rito at nag-usisa: "Tinutukoy mo ba ang anak ni Umm Salamah?" Nagsabi ito: "Oo." Nagsabi siya habang naglilinaw sa kasinungalingan ng bulung-bulungan: "Tunay na ang anak ni Umm Salamah ay hindi ipinahihintulot sa akin dahil sa dalawang dahilan: Una: Siya ay anak na panguman ko na itinataguyod ko ang mga kapakanan niya sa pangangalaga ko sapagkat siya ay anak ng asawa ko; Ikalawa: Siya ay anak ng kapatid ko sa pagpapasuso sapagkat pinasuso ako at ang ama niyang si Abū Salamah ni Thuwaybah - ang alipin ni Abū Lahab - kaya naman ako ay tiyuhin niya rin. Huwag ninyong ialok sa akin ang mga anak ninyo at ang mga kapatid ninyo. Ako ay higit na nakaaalam at higit na karapat-dapat kaysa sa inyo sa pangangasiwa ng nauukol sa akin sa tulad nito."