عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «لاَ يَفْرَك مُؤْمِنٌ مُؤْمِنَة إِنْ كَرِه مِنْهَا خُلُقًا رَضِيَ مِنْهَا آخَر»، أو قال: «غَيرُه».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:(( Hindi Nasusuklam ang isang mananampalatayang [lalaki] sa isang mananampalatayang [babae],Kung kamumunghian nito sa kanya ang [ibang] pag-uugali,malulugod naman siya sa iba, mula rito)) o Nagsabi siya: ((sa iba nito))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ang Hadith ni Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:"Hindi masusuklam ang isang mananampalatayang [lalaki] sa isang mananampalatayang [babae],Kung kamumunghian niya sa kanya ang [ibang] pag-uugali,[ngunit] malulugod naman siya sa iba niyang pag-uugali" Ang kahulugan nito: Hindi siya masusuklam sa pag-uugali niya,at kung kamumunghian niya sa kanya ang [ibang] pag-uugali,malulugod naman siya sa ibang pag-uugali [niya].Ang Pagkasuklam:ibig sabihin ay ang Galit at Poot,Na ang ibig sabihin ay hindi dapat magalit ang isang mananampalatayang[lalaki] sa isang mananampalatayang[babae] tulad ng asawa niya,halimbawa;Hindi siya dapat magalit at mapoot sa kanya,kapag nakakita siya ng mga bagay na kinamumunghian niya sa kanyang pag-uugali.Sapagkat ang mga tao ay dapat na isabuhay ang [pagiging] makatarungan,At isinasa-alang-alang niya sa nakikisalamuha sa kanya ang anumang naaayon sa kalagayan niya,At ang Pagiging Makatarungan ay ang pagbabalanse sa pagitan ng kasamaan at kabutihan,At titingnan kung alin sa dalawa ang mas marami at alin sa dalawa ang higit na malaki [may posibilidad na] mangyayari,at lulupigin niya ang higit na marami at ang higit na nakaka-impuwensiya;Ito ang pagiging makatarungan.