عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «لا تنُكْحَ ُالأيُّم حتى تُستأمر، ولا تنكح البكر حتى تُستَأذن، قالوا: يا رسول الله، فكيف إذنها قال: أن تسكت».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Hindi ipinakakasal ang babaing dating nakapag-asawa hanggang sa nasangguni siya at hindi ipinakakasal ang birhen hanggang sa pinagpaalaman siya." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allah, kaya papaano po ang pagpapahintulot niya?" Nagsabi siya: "Na manahimik siya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang kasunduan ng pagpapakasal ay isang kasunduang mapanganib. Naipahihintulot sa asawa sa pamamagitan nito ang pinakamatindi sa pinag-iingatan ng babae: ang katawan niya. Sa pamamagitan ng kasunduang ito, siya ay magiging "bihag" sa piling ng asawa niya. Dahil dito, itinalaga para sa kanya ng Tagapagbatas na Makatarungan na Maawain na Marunong na makapili siya ng katambal ng buhay niya at na hirangin niya ito sa pamamagitan ng pagtingin niya sapagkat siya ang magnanais na makisama roon at siya ay higit na nakaaalam sa hilig niya at nais niya. Dahil dito, ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na mag-asawa ang dati nang nakapag-asawa kapag hindi tinanggap ang utos niya at nag-utos siya. Ipinagbawal din ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagpapakasal sa birhen nang hindi hinihingi ang pahintulot niya roon din at nagpahintulot siya. Dahil sa nananaig ang hiya sa birhen, makasasapat mula sa kanya ang anumang higit na magaan sa pag-uutos. Ito ay ang pahintulot at makasasapat ang pananahimik niya bilang patunay sa pagkalugod niya.