Talaan ng mga ḥadīth

Ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay hindi ang nakikitumbas, bagkus ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakalubos sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan. ِAng pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo sa mga kababaihan nila."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Mundo ay natatamasa at ang pinakamabuti sa natatamasa sa Mundo ay ang babaing maayos."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi si Allāh: Gumugol ka, O anak ni Adan, gugugol Ako sa iyo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakakarapat-dapat sa mga kundisyon na tuparin ninyo ay ang isinapahintulot ninyo dahil dito ang pakikipagtalik."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag gumugol ang lalaki sa mag-anak niya habang umaasa siya ng gantimpala dito [ni Allāh], ito para sa kanya ay isang kawanggawa."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagbawal sa qaza`."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagturo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng talumpati ng pangangailangan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang kasal malibang may isang walīy."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ang Mundo ay napakatamis na [prutas ng] halaman,at katiyakang si Allah ay ginawa niya kayong namamahala rito,Titingnan Niya kung ano ang gagawin ninyo,Katakutan ninyo ang Mundo at katakutan ninyo ang mga babae,Sapagkat ang unang tukso sa mga angkan ng Esrail ay nasa mga babae
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi Nasusuklam ang isang mananampalatayang [lalaki] sa isang mananampalatayang [babae],Kung kamumunghian nito sa kanya ang [ibang] pag-uugali,malulugod naman siya sa iba, mula rito)) o Nagsabi siya: ((sa iba nito))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagpapasuso ay nagbabawal sa [gaya ng] ipinagbabawal ng panganganak.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag inanyayahan ng lalaki ang asawa nito sa pangangailangan niya,ay nararapat na paunlakan niya ito,kahit na siya ay nasa Bangan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito;Ang Pinuno ay Taga-pangalaga,at ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa mga nananahanan sa bahay niya,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya at sa mga Anak niya,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito)) Napag-kaisahan ang Katumpakan,At ayon kay Ibnu `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagsabi;Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Ang Pinuno ay Taga-pangalaga at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,At ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa Pamilya nito at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Alipin ay Taga-pangalaga sa kayamanan ng pinuno niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at may pananagutan sa pinangangalagaan nito))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang makakakaya sa pagpapamilya ay mag-asawa siya sapagkat tunay na ito ay higit na pumipigil sa [bawal na] tingin at higit na nangangalaga sa ari. Ang sinumang hindi makakakaya, kailangan sa kanya ang pag-aayuno sapagkat tunay na ito para sa kanya ay pampigil."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaingat kayo sa pagpasok sa kinaroroonan ng mga babae." Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa Anṣār: "O Sugo ni Allāh, ano po ang tingin mo sa lalaking kapamilya ng biyanan?" Nagsabi siya: "Ang lalaking kapamilya ng biyanan ay ang kamatayan."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Hindi ipinakakasal ang babaing dating nakapag-asawa hanggang sa nasangguni siya at hindi ipinakakasal ang birhen hanggang sa pinagpaalaman siya." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allah, kaya papaano po ang pagpapahintulot niya?" Nagsabi siya: "Na manahimik siya."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Isinumpa ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang lalaking nagsusuot ng kasuutan ng babae at ang babaing nagsusuot ng kasuutan ng lalaki.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O katipunan ng mga babae, magkawanggawa kayo sapagkat tunay na ako ay pinakitaang kayo ay higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno." Kaya nagsabi sila: "At dahil sa ano po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Nagpaparami kayo ng pagsumpa at nagkakaila kayo sa utang na loob sa mga asawa. Hindi ako nakakita mula sa mga nagkukulang sa pag-iisip at pagrerelihiyon na higit na mapag-alis ng isip ng lalaking naghuhunos-dili kaysa sa isa sa inyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang pag-aayuno sa dalawang araw: Al-Fitr [Eid pagkatapos sa buwan ng Ramadhan] at Al-Adha [Eid sa ika sampung-araw ng Hajj],At walang pagdarasal pagkatapos ng Subh hanggang sa sumikat ang araw,at wala sa pagkatapos ng Asr hanggang sa paglubog,at Walang pagtitiyak sa paglalakbay maliban sa tatlong Masjid,Masjid sa Meccah,at Masjid Al-Aqsa at sa Masjid kong ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagluluwalhati [sa Allah] ay para sa mga kalalakihan at ang palakpak ay para sa mga kababaihan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay nagpalampas sa Kalipunan ko ng anumang isinaysay nito sa sarili nito hanggat hindi nito ginawa o sinalita."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kumuha ka sa yaman niya ng sapat lamang, magkakasya sa iyo at magkakasya sa anak mo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na si 'Abdurrahmān bin 'Awf at Zubayr bin Al-'Awwām-malugod si Allah sa kanila-ay nagreklamo ng mga kuto sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pangaralan ninyo ang mga kababaihan sa kabutihan,Dahil ang isang babae ay nilikha mula sa tadyang,At ang pinakabaluktot sa tadyang ay ang pinakataas nito,At kapag inibig mong ituwid ito,ay mapuputol,at kapag hinayaan mo,mananatili itong baluktot,Pangaralan ninyo sila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinasadya ng isa sa inyo na paluin ang asawa nito tulad ng pagpalo sa isang alipin,at marahil ay nakikipagtalik sa kanya sa huling araw nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung iibigin mo ay magtiis ka at mapapasaiyo ang Paraiso,at kung iibigin mo ay mananalangin ako sa Allah na ikaw ay mabigyan ng lunas
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagpa-alam sa isa sa inyo ang asawa nito na pumunta sa Masjid,ay huwag niya itong pigilan.Nagsabi siya:Sinabi ni Bilal bin Abdullah.Isinusumpa ko sa Allah,na pipigilan namin sila;Nagsabi siya:Lumapit sa kanya si Abdullah,at minura niya ito ng matinding pagmumura,hindi ko siya narinig na nagmura ng tulad nito kailanman,at nagsabi siya:Ipinahayag ko sayo na ito ay buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sasabihin mong:Isinusumpa ko sa Allah,na pipigilan namin sila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang may pinakamasamang kalagayan sa mga tao para kay Allah sa Araw ng Pagkabuhay ay ang lalaking nakipagtalik sa kanyang asawa at nakipagtalik din siya sa kanya,pagkatapos ay ikinakalat nito ang lihim niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah! Ako ay nangangamba sa karapatan ng dalawang mahina: Ang batang ulila,at ang babae
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang kamay na mataas ay mainam kaysa sa kamay na mababa. Ang kamay na mataas ay ang gumugugol at ang mababa ay ang nanghihingi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Naawa si Allāh sa isang lalaking bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang maybahay niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha nito ng tubig. Naawa si Allāh sa isang babaing bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang asawa niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha nito ng tubig.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi palasinungaling ang nagpapakasundo sa mga tao sapagkat nagpaparating siya ng kabutihan o nagsasabi ng kabutihan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tulungan mo ang kapatid mo habang nang-aapi o inaapi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsusuot lamang ng sutla ang sinumang walang bahagi sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang dalawang ito ay bawal sa mga lalaki ng Kalipunan ko, pinahihintulutan sa mga babae nila."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ito ay sumunod sa amin; kaya kung loloobin mo, magpapahintulot ka rito; at kung loloobin mo, uuwi ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kumakain sa pamamagitan ng tatlong daliri; at kapag natapos siya, dinidilaan niya ang mga ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga Ash`arīy kapag kinapos ng baon sa labanan o nangaunti ang pagkain ng mga mag-anak nila sa Madīnah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Isang dinar na ginugol mo sa landas ni Allāh, isang dinar na ginugol mo sa pagpapalaya [ng alipin], isang dinar na ikinawanggawa mo sa isang dukha, at isang dinar na ginugol mo sa mag-anak mo, ang pinakamabigat sa mga ito sa gantimpala ay ang ginugol mo sa mag-anak mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
(Tunay na napapaligiran ang mga asawa ni Propeta Muhammad ng maraming kababaihan, nagrereklamo sila sa mga asawa nila,Sila ay hindi mabubuting asawa sa inyo)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag sinaktan ng isang babae ang asawa niya sa Mundo, magsasabi ang maybahay nito na kabilang sa mga dilag na maganda ang mata: Huwag mo siyang saktan; awayin ka ni Allah sapagkat siya sa piling mo ay isang panauhin lamang na napipintong humiwalay sa iyo papunta sa amin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung sakaling ako ay mag-uutos sa isa man na magpatirapa sa isa pa, talagang mag-uutos ako sa babae na magpatirapa sa asawa niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa Shighār.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pumasok sa silid ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang sa piling ko ay may isang lalaki kaya nagsabi siya, o `Ā'ishah, sino ito? Nagsabi ako: Kapatid ko sa pagpapasuso. Nagsabi siya: o `Ā'ishah, isaalang-alang ninyo kung sino ang mga kapatid ninyo sapagkat ang [kapatiran sa] pagpapasuso ay dahil sa gutom [ng sanggol].
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Sugo ni Allāh, nagpakasal po ako sa isang babae." Nagsabi siya: "Ano ang ibinigay-kaya mo sa kanya." Nagsabi ito: "Singbigat ng buto na ginto." Nagsabi siya: "Magdulot si Allāh ng pagpapala sa iyo. Maghanda ka kahit man lamang isang tupa."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaya huwag mo akong pasaksihin samakatuwid sapagkat tunay na ako ay hindi sumasaksi sa paniniil.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Binanggit ang `azl sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya nagsabi siya: "Bakit ginagawa iyon ng isa sa inyo?" Hindi siya nagsabing kaya huwag gawin iyon ng isa sa inyo, sapagkat tunay na walang kaluluwang nilikha malibang si Allāh ay Tagapaglikha nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tinutulan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kay `Uthmān bin Mađ`ūn ang pag-ayaw sa pakikipagtalik. Kung sakaling nagpahintulot siya roon, talagang nagpakapon sana kami.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay dumating sa kanya ang isang babae at nagsabi: Tunay na iniaalok ko aking sarili sa iyo:Tumindig siya ng matagal,Nagsabi ang isang lalaki: O Sugo ni Allah,ipaasawa mo siya sa akin,kung wala kang pagkagusto sa kanya.Nagsabi siya:Mayroon kabang ilang bagay na ipag-kakawanggawa mo sa kanya?Ang sabi niya:Walang-wala ako,maliban sa sarong na ito,Nagsabi ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang sarong mo,kapag ibinigay mo ito,uupo ka na wala kang sarong,Maghanap ka ng kahit na anong bagay,Sinabi niya: Wala akong natagpuan,Nagsabi siya: Maghanap ka kahit singsing na yari sa bakal,Naghanap siya ngunit wala siyang natagpuan.Nagsabi ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Mayroon kabang naisa-ulo mula sa Qura-an?Sinabi niya: Oo,Nagsabi ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:-Ipinapa-asawa kita sa kanya sa mga naisa-ulo mo mula sa Qur-an))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Kami noon ay nagsasagawa ng `azl samantalang ang Qur'ān ay bumababa." Nagsabi si Sufyān: "Kung nangyaring may isang bagay na ipinagbabawal, talagang pinagbawalan na sana kami niyon ng Qur'ān."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi magluluksa ang isang babae sa patay nang higit sa tatlong [araw] maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]. Hindi siya magsusuot ng isang damit na tinina maliban sa damit na `aṣb, hindi siya gagamit ng kuḥl, at hindi siya hihipo ng pabango malibang kapag natapos magregla: katiting na qust o ađfār.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi pagsasamahin ang babae at ang tiyahin sa ama niya, ni ang babae at ang tiyahin sa ina niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ipinahihintulot sa sa isang babaing sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw na magluksa sa isang patay nang higit sa tatlong [araw], maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw].
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kabilang sa Sunnah,kapag nakasal ang dalaga sa may asawa,mananatili siya sa kanya ng pitong araw,pagkatapos ay hahatiin niya [ang mga araw sa kanyang mga asawa].At kapag nakasal siya sa may karanasan sa pag-aasawa [balo o debersiyo],mananatili siya sa kanya ng tatlong araw,pagkatapos ay hahatiin niya [ang mga araw sa kanyang mga asawa])) Sinabi ni Abu Qilabah: "Kung ninais ko lang ay sinabi ko nang:Tunay na si Anas ay ibinalik niya ito sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil sa babaing anak ni Ḥamzah: "Hindi siya ipinahihintulot para sa akin. Ipinagbabawal dahil sa pagpapasuso ang ipinagbabawal dahil sa kaangkanan. Siya ay babaing anak ng kapatid ko sa pagpapasuso."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ano ang ginagawa noon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa bahay niya? Nagsabi ito: Siya ay nasa paglilingkod sa mag-anak niya at kapag sumapit ang pagdarasal, lumalabas siya patungo sa pagdarasal.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang mag-angkin sa hindi niya ama, samantalang siya ay nakaaalam na ito ay hindi niya ama, ang Paraiso sa kanya ay bawal.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kayong mamuhi sa mga magulang ninyo sapagkat ang sinuman namuhi sa magulang niya, siya ay tumangging sumampalataya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
At ayon Abe Al-Abbas Sahl bin Saad bin Sa`edi-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay umabot sa kanya na ang Mag-anak na Am`r bin Awf,ay mayroon sa pagitan nila ay hidwaan,Lumabas ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang ayusin ang pagitan nila sa mga tao na kasama niya,nahadlangan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at dumating na ang oras ng pagdarasal,At dumating si Bilal kay Abe Bakar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya: O Aba Bakar,Katotohanan na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nahadlangan at dumating na ang oras ng pagdarasal,Maaari ba sa iyo na manguna sa mga tao?Nagsabi siya: Oo,kung nanaisin mo,Itinindig ni Bilal ang dasal,at nanguna si Abu Bakar,Nag Takbir siya at nag-takbir ang mga tao,at dumating ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naglalakad sa mga linya hanggang sa tumindig siya sa isang linya,at gumawa ang mga tao ng palakpak,At si Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ay hindi lumilingon sa pagdarasal,At ng dumami ang mga tao sa pagpapalak-pak,ay lumingon siya,Kung kaya`t ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagbigay ng senyales sa kanya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Itinaas ni Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ang kamay niya,at pinuri niya si Allah,at bumalik siya na lumalakad sa likod niya hanggang sa tumindig siya sa linya,at pumunta sa unahan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagdasal siya sa mga tao,at nang matapos ay humarap siya sa mga tao,Nagsabi siya:(( O mga tao,ano ang nangyari sa inyo nang may dumating na bagay sa inyong pagdarasal ay gumawa kayo ng pagpalak-pak?Ang palakpak ay para lamang sa mga kababaihan,sinuman ang may dumating sa kanya sa pagdarasal niya,ay magsabi ng:Subhanallah,sapagkat walang makakarinig nito kahit isa, kapag nagsasabi na:Subhanallah; maliban sa itoy mapapalingon.O Aba Bakar:Anu ang humadlang sa iyo na magdasal sa mga tao nang magbigay ako ng senyales sa iyo?Nagsabi si Abe Bakar: Hindi karapat-dapat sa anak ni Abe Quha`fah na magdasal sa mga tao sa pagitan ng kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Napagkaisahan ang katumpakan.Ang kahulugan ng ((nahadlangan)): Pinigilan nila ito upang gawing bisita nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Asma`-malugod si Allah sa kanya-:Na ang isang babae ay nagsabi: O Sugo ni Allah,Tunay na mayroon akong (kasamang pangalawang asawa ng asawa ko);magkakaroon ba ako ng kasalanan kung magkukunwari akong busog sa asawa ko sa hindi naman niya ibinibigay sa akin?Ang sabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Ang nagkukunwaring busog sa hindi naman ibinigay sa kanya ay tulad ng nagsusuot sa damit na hindi totoo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
At ayon kay Abe Saed Al-Khudrie ,malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: Dumating ang isang babae sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pngalagaan-Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,pumunta ang mga kalalakihan dahil sa mga salita mo,Pumili ka sa amin mula sa sarili mo ng isang araw na pupunta kmi sa iyo rito at ituturo mo sa amin ang mula sa itinuro sa iyo ni Allah,Nagsabi siya:((Magtipon-tipon kayo sa araw na ganito at ganito)),At nagtipon-tipon sila ,at dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tinuruan niya sila mula sa itinuro sa kanya ni Allah,pagkatapos ay nagsabi siya:((Wala mula sa inyo na isang babae na nakapagbigay ng tatlo mula sa kanyang anak maliban sa silay magiging pantakip sa impyerno)) Nagsabi ang isang babae: At kung dalawa? Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( At ang dalawa)).Napagkaisahan ang katumpakan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ahitin ninyo ito: ang lahat nito, o hayaan ninyo ito: ang lahat nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag naputol ang pamigkis ng sandalyas ng isa sa inyo, huwag siyang maglakad suot ang kabila hanggang sa naayos niya ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Palitan ninyo ito at iwasan ninyo ang kaputian [ng balbas].
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong bunutin ang uban sapagkat tunay na ito ay liwanag ng Muslim sa Araw ng Pagkabuhay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ḥadīth ng kuwento ni Barīrah at asawa nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abdullah bin Omar malugod si Allah sa kanilang dalawa:Na siya ay nagdeborsiyo sa kanyang asawa na siya ay nagreregla.Binanggit iyon ni Omar sa sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya`t sumambulat sa galit sa kanya ang sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Pagkatapos ay nagsabi siya:"Balikan niya ito."Pagkatapos ay panatilihin niya ito hanggang sa matapos nito ang regla.Pagkatapos ay magreregla ito at matatapos nito ang regla.Kung nais niyang diborsiyuhin ito ay diborsiyuhin niya ito na walang regla bago niya nakatalik. Iyan ang iddah gaya ng ipinag-utos ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan."Sa isang pananalita:"Hanggang sa magregla siya ng regla sa hinaharap,bukod pa sa regla niya na dinoborsiyo mo siya."Sa isang pananalita:Nahadlangan ito sa diborsiyo nito at binalikan ito ni Abdullah gaya ng ipinag-utos sa kanya ng Sugo ni Allah,-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
tunay na ang maybahay ko ay nagsilang ng isang batang maitim." Nagsabi siya: "Mayroon ka bang mga kamelyo?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Ano ang mga kulay ng mga iyon?" Nagsabi siya: "Mga pula." Nagsabi siya: "Mayroon ba sa mga iyon na kayumanggi?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya paanong nangyari iyon?" Nagsabi ito: "Ipinagpapalagay ko ito na isang katangiang minana niyon." Nagsabi siya: "Kaya marahil ang anak mong ito ay nagmana ng isang katangian."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Papaano na gayong nag-angkin na siya na pinasuso niya kayong dalawa?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi mo ba napag-alamang si Mujazziz ay tumingin kanina kina Zayd bin Ḥārithah at Usāmah bin Zayd. Tunay na ang dalawa sa mga paang ito ay galing sa ibang dalawa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pag-aasawang mut`ah sa Araw ng Khaybar at sa karne ng asnong inaalagaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Wala kang karapatan sa kanya sa sustento.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpalaya kay Ṣafīyah at ginawa niya ang pagpapalaya rito bilang bigay-kaya rito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May isang lalaking nagparatang sa maybahay niya ng pangangalunya at nagkaila sa pagiging mula sa kanya ng anak nito sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya inatasan sila ng Sugo ni Allāh na magpalitan ng sumpa gaya ng sinabi ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Pagkatapos ay humusga siya na ang bata ay para sa babae at pinaghiwalay niya ang nagpalitan ng sumpa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Walang nauukol para sa iyo sa kanya." Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, ang salapi ko?" Nagsabi siya: "Walang salaping ukol sa iyo. Kung ikaw ay nagtapat laban sa kanya, iyon ay dahil napahintulutan kang makipagtalik sa kanya. Kung ikaw naman ay nagsinungaling, [ang karapatang] iyon ay higit na malayo ukol sa iyo sa kanya."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang babae noon, kapag namatayan ng asawa, ay pumapasok sa isang dampa, nagsusuot ng pinakamasama sa mga kasuutan niya, hindi humihipo ng isang pabango ni anuman hanggang sa nilipasan siya ng isang taon. Pagkatapos ay bibigyan siya ng isang hayop: asno o ibon o tupa, at ikukuskos niya ito [sa katawan niya]!
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang ḥadīth ayon kay Subay`ah Al-Aslamīyah kaugnay sa `iddah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na siya, kahit pa man hindi naging anak na panguman ko, ay hindi ipinahihintulot sa akin. Tunay na siya ay talagang anak ng kapatid ko sa pagpapasuso. Pinasuso ako at si Abū Salamah ni Thuwaybah, kaya huwag ninyong iaalok sa akin ang mga anak ninyo ni ang mga kapatid ninyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagnanais ka bang bumalik kay Rifā`ah? Hindi, hanggang sa matikman mo ang pulot niya at matikman niya ang pulot mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang bata ay para sa [may-ari ng] higaan at para sa nangangalunya ay ang pagbato
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na magkulay dalandan ang lalaki.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tinapos ng `iddah ang taning nito; alukin mo siya ng kasal sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu