+ -

عن عبد الله بن مسعود رضي الله عنه قال:
عَلَّمَنَا رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ خُطْبَةَ الحَاجَةِ: إِنَّ الحَمْدَ للهِ، نَسْتَعِيْنُهُ وَنَسْتَغْفِرُهُ، وَنَعُوْذُ بِهِ مِنْ شُرُوْرِ أَنْفُسِنَا، مَنْ يَهْدِ اللهُ فَلَا مُضِلَّ لَهُ، وَمَنْ يُضْلِلْ فَلَا هَادِيَ لَهُ، وَأَشْهَدُ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا الله، وَأَشْهَدُ أَنَّ مُحَمَّدًا عَبْدُهُ وَرَسُوْلُهُ، {يَا أَيُّهَا النَّاسُ اتَّقُوا رَبَّكُمُ الَّذِي خَلَقَكُمْ مِنْ نَفْسٍ وَاحِدَةٍ وَخَلَقَ مِنْهَا زَوْجَهَا وَبَثَّ مِنْهُمَا رِجَالًا كَثِيرًا وَنِسَاءً وَاتَّقُوا اللَّهَ الَّذِي تَسَاءَلُونَ بِهِ والأرحام إن الله كان عليكم رقيبا} [النساء: 1]، {يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ حَقَّ تُقَاتِهِ وَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنْتُمْ مُسْلِمُونَ} [آل عمران: 102]، {يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَقُولُوا قَوْلًا سَدِيدًا (70) يُصْلِحْ لَكُمْ أَعْمَالَكُمْ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ذُنُوبَكُمْ وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَقَدْ فَازَ فَوْزًا عَظِيمًا} [الأحزاب:70 - 71].

[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي وابن ماجه والنسائي وأحمد] - [سنن أبي داود: 2118]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nagturo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng talumpati ng pangangailangan: "Inna –lḥamda lillāh, nasta`īnuhu wa-nastaghfiruhu wa-na`ūdhu bihi min shurūri anfusinā. Man yahdi –llāhu, fa-lā muḍilla lah; wa-man yuḍlil, fa-lā hādiya lah. Wa-ashhadu al lā ilāha illa –llāhu wa-ashhadu anna Muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Yā ayyuha –nnāsu –ttaqū rabbakumu –lladhī khalaqakum min nafsin wāḥidatin wa-khalaqa minhā zawjahā wa-baththa minhumā rijālan kathīran wa-nisā'an wa-ttaqu –llāha –lladhī tasā'alūna bihi wa-l'arḥām; inna –llāha kāna `alaykum raqībā. (Qur'ān 4:1) Yā ayyuha –lladhīna āmanu –ttaqu –llāha ḥaqqa tuqātihi wa-lā tamūtunna illa wa-antum muslimūn. (Qur'ān:102) Yā'ayyuha –lladhīna āmanu –ttaqu –llāha wa-qūlū qawlan sadīdan yuṣliḥ lakum a`mālakum wa-yaghfir lakum dhunūbakum; wa-man yuṭi`i –llāha wa-rasūlahu fa-qad fāza fawzan `aḍ̆īmā. (Qur'ān 33:70-71) (Tunay na ang papuri ay ukol kay Allāh; nagpapatulong tayo sa Kanya, humihingi tayo ng tawad sa Kanya, at nagpapakupkop tayo laban sa mga masama sa mga sarili natin. Ang sinumang pinatnubayan ni Allāh ay walang magliligaw rito at ang sinumang iniligaw ni Allāh ay walang magpapatnubay rito. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na naghihilingan kayo sa pamamagitan Niya, at sa mga sinapupunan. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid. O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh nang totoong pangingilag magkasala sa Kanya, at huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga Muslim. O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at magsabi kayo ng sinasabing tama, magsasaayos Siya para sa inyo ng mga gawain ninyo at magpapatatawad Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay nagtamo nga ng isang pagkatamong sukdulan.)"

[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 2118]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagturo sa kanila ng talumpati ng pangangailangan. Ito ang sinasabi sa sandali ng pagpapasimula ng pananalita sa mga talumpati at sa harap ng pangangailangan nila, gaya ng talumpati ng pagkakasal, talumpati sa ṣalāh sa Biyernes, at iba pa sa mga ito. Ang talumpating ito ay naglaman ng mga dakilang kahulugan gaya ng paglilinaw sa pagkakarapat-dapat ni Allāh sa lahat ng mga uri ng papuri, paghiling ng pagpapatulong mula sa Kanya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya, pagtatakip ng mga pagkakasala at pagpapalampas sa mga ito, at pagdulog sa Kanya laban sa lahat ng mga kasamaan ng sarili at iba pa sa mga ito.
Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kapatnubayan ay nasa kamay ni Allāh, kaya ang sinumang pinatnubayan Niya ay walang magliligaw rito at ang sinumang iniligaw ni Allāh ay walang magpapatnubay rito.
Pagkatapos binanggit niya ang pagsaksi sa Tawḥīd: na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh; at ang pagsaksi sa pagkasugo: na si Muḥammad ay Lingkod ni Allāh at Sugo Niya.
Winakasan niya ang talumpating ito sa pamamagitan nitong tatlong talatang naglalaman ng pag-uutos ng pangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya bilang paghahangad ng kaluguran ng mukha Niya. Ang ganti sa sinumang gumawa niyon ay ang kaayusan ng mga ginagawa at mga sinasabi, ang pagtatakip-sala sa mga masagwang gawa, ang kapatawaran sa mga pagkakasala, ang kaaya-ayang buhay sa Mundo, at ang pagtamo ng Paraiso sa Araw ng Pagbangon.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpapasimula ng mga talumpati ng kasal, ṣalāh sa Biyernes, at iba pa sa mga ito sa pamamagitan ng talumpating ito.
  2. Ang talumpati ay nararapat na maging naglalaman ng papuri kay Allāh, Dalawang Pagsaksi, at ilan sa mga talata ng Qur'ān.
  3. Ang pagtuturo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya ng kinakailangan nila sa Relihiyon nila.
Ang karagdagan