عن سعد بن أبي وقاص رضي الله عنه قال: رد رسول الله صلى الله عليه وسلم على عثمان بن مظعون التَّبَتُّلَ، ولو أذن له لاختَصَيْنَا.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Tinutulan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kay `Uthmān bin Mađ`ūn ang pag-ayaw sa pakikipagtalik. Kung sakaling nagpahintulot siya roon, talagang nagpakapon sana kami."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Isinaysay ni Sa`d bin Abī Waqqāṣ, malugod si Allāh sa kanya, na si `Uthmān bin Mađ`ūn, dahil sa tindi ng paghahangad nito sa pagtuon sa pagsamba, ay nagnais na maglaan ng sarili para sa pagsamba lamang at iwan ang sarap ng buhay. Nagpaalam ito sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na hindi makipagniig sa babae at tumuon sa pagtalima kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ngunit hindi siya nagpahintulot dito dahil ang pag-ayaw sa sarap ng buhay at ang pagtuon sa pagsamba lamang ay bahagi ng pagpapakalabis sa relihiyon at pinupulaang monastisismo. Ang tumpak na Relihiyon lamang ay ang pagsasagawa ng pagsamba kay Allāh kalakip ng pagbibigay sa sarili ng bahagi nito sa mga kaaya-ayang bagay. Dahil dito, tunay na kung sakaling nagpahintulot ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kay `Uthmān, talagang sinunod na sana ito ng marami sa mga masikap sa pagsamba.