+ -

عن سبيعة الأسلمية رضي الله عنها أنها كانت تحت سعد بن خولة -وهو من بني عامر بن لؤي، وكان ممن شهد بدرا- فتوفي عنها في حجة الوداع، وهي حامل. فلم تنشب أن وضعت حملها بعد وفاته. فلما تعلت من نفاسها؛ تجملت للخطاب، فدخل عليها أبو السنابل بن بعكك -رجل من بني عبد الدار- فقال لها: ما لي أراك متجملة؟ لعلك ترجين النكاح؟ والله ما أنت بناكح حتى يمر عليك أربعة أشهر وعشر. قالت سبيعة: فلما قال لي ذلك: جمعت علي ثيابي حين أمسيت، فأتيت رسول صلى الله عليه وسلم فسألته عن ذلك؟ فأفتاني بأني قد حللت حين وضعت حملي، وأمرني بالتزويج إن بدا لي». وقال ابن شهاب: ولا أرى بأسا أن تتزوج حين وضعت -وإن كانت في دمها-، غير أنه لايقربها زوجها حتى تطهر.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Subay`ah Al-Aslamīyah, malugod si Allāh sa kanya, siya noon ay maybahay ni Sa`d bin Khawlah, na kabilang sa liping `Āmir bin Lu`ayy. Ito noon ay kabilang sa nakasaksi sa [labanan sa] Badr. Namatayan siya nito sa Ḥajj ng Pamamaalam samantalang siya ay nagdadalang-tao at hindi naglaon ay isinilang niya ang dinadala niya matapos pumanaw ito. Noong nahinto ang pagdurugo niya dala ng panganganak, nagpaganda siya para sa alok sa kasal. Pinuntahan siya ni Abussanābil bin Ba`kak, isang lalaking kabilang sa liping Abduddār, at nagsabi ito sa kanya: "Ano itong nakikita kong ikaw ay nagpapaganda? Marahil ikaw ay umaasang mag-asawa? Sumpa man kay Allāh, ikaw ay hindi mag-aasawa hanggang sa dumaan sa iyo ang apat na buwan at sampung araw." Nagsabi si Subay`ah: "Kaya noong sinabi niya sa akin iyon, nagsuot ako ng damit ko nang gumabi at pinuntahan ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at tinanong ko siya tungkol doon. Humatol siya sa akin na maaari na akong mag-asawa nang isinilang ko ang dinadala ko at pinayagan niya ako na mag-asawa kung minabuti para sa akin." Nagsabi si Ibnu Shihāb: "Wala akong nakikitang masama na mag-asawa siya kapag nagsilang siya, kahit pa man siya ay nasa pagdurugo niya, gayon pa man hindi siya lalapitan ng asawa niya hangang sa huminto ang pagdurugo niya.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Pumanaw si Sa`d bin Khawlah at naiwan ang maybahay niyang si Subay`ah Al-Aslamīyah habang ito ay nagdadalang-tao. Hindi nagtagal at isinilang niya ang dinadala niya. Noong huminto ang pagdurugo niya dala ng panganganak ay nagpaganda siya. Siya noon ay nakaaalam na siya ay nakalabas na sa `iddah dahil sa pagkasilang ng dinadala niya at ipinahihintulot na sa kanya ang mag-asawa. Pinuntahan siya ni Abussanābil bin Ba`kak noong siya ay nagpaganda kaya nalaman nito na siya ay nakahanda para sa mga mag-aalok ng kasal. Minasama nito siya batay sa paniniwala nito na hindi pa natapos ang `iddah niya. Sumumpa ito na hindi ipinahihintulot sa kanya ang mag-asawa hanggang sa dumaan sa kanya ang apat na buwan at sampung araw bilang pagbatay sa sabi ni Allāh (Qur'ān 2:234): "Ang mga papanaw sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay, mag-aabang ang mga ito sa mga sarili ng mga ito nang apat na buwan at sampung araw." Siya noon ay hindi nakatitiyak sa katumpakan ng tinataglay niyang kaalaman at ang dumating naman ay nagbigay-diin sa kahatulan sa pamamagitan ng panunumpa. Kaya pumunta siya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at tinanong ito tungkol doon. Humatol ito sa kanya ng pagpapahintulot mag-asawa nang isinilang niya ang dinadala kaya kung ibig niyang mag-asawa ay karapatan niya iyon bilang pagganap sa sabi ni Allāh (Qur'ān 65:4): "Ang mga may dinadalang-tao, ang taning [ng pag-aabang] nila ay hanggang sa maisilang nila ang dinadalang-tao nila." Ang babaing namatayan ng asawa habang siya ay nagdadalang-tao, natatapos ang `iddah niya pagkapanganak. Kung hindi naman siya nagdadalang-tao, ang `iddah niya ay apat na buwan at sampung araw.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Portuges
Paglalahad ng mga salin