+ -

عن أم سلمة رضي الله عنها مرفوعاً: «جاءت امرأة إلى رسول الله صلى الله عليه وسلم فقالت: يا رسول الله، إن ابنتي توفي عنها زوجها، وقد اشتكت عينها أفَنَكْحُلُها؟ فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : لا -مرتين، أو ثلاثا-، ثم قال: إنما هي أربعة أشهر وعشر، وقد كانت إحداكن في الجاهلية ترمي بالبَعْرَةِ على رأس الحول». فقالت زينب: كانت المرأة إذا توفي عنها زوجها: دخلت حفشا، ولبست شر ثيابها، ولم تَمَسَّ طيبا ولا شيئا حتى تمر بها سنة، ثم تؤتى بدابة -حمار أو طير أو شاة- فتَفْتَضُّ به! فقلما تفتض بشيء إلا مات! ثم تخرج فتُعطى بعرة؛ فترمي بها، ثم تراجع بعد ما شاءت من طيب أو غيره».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Umm Salamah, malugod si Allāh sa kanya: May babaing pumunta sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang babaing anak ko ay namatayan ng asawa at idinaing nito ang mga mata nito kaya lalagyan po ba namin siya ng kuḥl?" Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng hindi nang dalawang ulit o tatlo. Pagkatapos ay nagsabi siya: "[Ang `iddah na] ito ay apat na buwan at sampung araw lamang samantalang ang isa sa inyo sa Panahon ng Kamangmangan ay nagtatapon ng dumi ng kamelyo sa paglipas ng isang taon." Nagsabi si Zaynab: "Ang babae noon, kapag namatayan ng asawa, ay pumapasok sa isang dampa, nagsusuot ng pinakamasama sa mga kasuutan niya, hindi humihipo ng isang pabango ni anuman hanggang sa nilipasan siya ng isang taon. Pagkatapos ay bibigyan siya ng isang hayop: asno o ibon o tupa, at ikukuskos niya ito [sa katawan niya]! Madalang ang ikinuskos na hindi namamatay! Pagkatapos ay lalabas siya at bibigyan ng dumi ng kamelyo at itatapon niya ito. Pagkatapos ay manunumbalik siya sa [paggamit ng] anumang niloob niya na pabango o iba pa rito."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Dumating ang Islām at inalis sa mga tao ang mga pabigat ng Panahon ng Kamangmangan, lalo na sa babae. Sila noon ay nagtatrato nang masama sa kanya at nang-aapi sa kanya kaya naman pinangalagaan ng Islām ang karapatan niya. Sa ḥadīth na ito, may pumuntang isang babaing sumasangguni sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ipinabatid nito sa kanya na ang asawa ng anak nito ay namatay kaya naman iyon ay nagluluksa. Ang pagluluksa ay pag-iwas sa pagpapaganda subalit iyon ay dumaing ng hapdi sa mga mata kaya may pahintulot ba para roon sa paggamit ng kuḥl? Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh nang inuulit-ulit habang nagbibigay-diin doon. Pagkatapos ay binawasan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang yugtong mananatiling nagluluksa ang babae dahil sa pagkamatay ng asawa para maging apat na buwan at sampung araw. Kaya hindi pa ba matitiis ng babae ang maikling yugtong ito na may kaunting kaluwagan? Ang mga babae noong Panahon ng Kamangmangan, pumapasok ang nagluluksa sa kanila sa isang maliit na bahay na para bang ito ay isang lungga ng ligaw na hayop. Iniiwasan niya ang pampaganda, ang pabango, ang paligo, at ang pakikihalubilo sa mga tao kaya nagkakapatung-patong sa kanya ang mga libag at ang mga karumihan, habang nakabukod sa mga tao sa buong taon. Kapag natapos siya roon, bibigyan siya ng dumi ng kamelyo at itatapon niya ito bilang pahiwatig na ang nakalipas sa kanya na kagipitan, higpit, at hapis ay hindi nakapapantay nitong dumi ng kamelyo kung ihahambing sa pagganap ng karapatan ng asawa niya. Dumating ang Islām at pinalitan nito ang kasalaulaang iyon ng isang pagpapala at ang kakitirang iyon ng kaluwagan. Pagkatapos ay hindi pa siya makapagtiis na hindi gumamit ng kuḥl. Kaya naman wala siyang pahintulot upang hindi iyon maging daan tungo sa pagbukas ng pinto ng pagpapaganda para sa nagluluksa.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin