+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «إنما جُعِلَ الإمام ليِؤُتَمَّ به، فلا تختلفوا عليه، فإذا كبر فكبروا، وإذا ركع فاركعوا، وإذا قال: سمع الله لمن حمده، فقولوا: ربنا ولك الحمد. وإذا سجد فاسجدوا، وإذا صلى جالسا فصلوا جلوسا أجمعون».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Itinalaga lamang ang imām upang sundan kaya huwag kayong umiba sa kanya. Kapag nagsagawa siya ng takbīr, magsagawa kayo ng takbīr. Kapag yumukod siya, yumukod kayo. Kapag nagsabi siya ng Sami`a -llāhu liman ḥamidah (Dinggin nawa ni Allāh ang sinumang nagpuri sa Kanya), magsabi kayo ng Rabbanā wa laka -lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri). Kapag nagpatirapa siya, magpatirapa kayo. Kapag nagdasal siya nang nakaupo, magdasal kayo nang mga nakaupong lahat.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Pinatnubayan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga Mananampalataya hinggil sa kasanhian ng pagtalaga sa imām. Ito ay upang tularan siya ng mga nagdarasal sa dasal nila. Hindi sila iiba sa kanya sa isa man sa mga gawain ng ṣalāh. Sinusubaybayan lamang ang mga paglipat niya ng posisyon ayon sa pagkakasunud-sunod. Kapag nagsagawa ang imām ng takbīr para sa pagpapasimula ng ṣalāh, magsagawa kayo ng gayon din. Kapag yumukod siya, yumukod kayo matapos niya. Kapag pinaalalahanan niya kayo na si Allāh ay tumutugon sa sinumang nagpuri sa Kanya sa pamamagitan ng pagsabi ng Sami`a -llāhu liman ḥamidah (Dinggin nawa ni Allāh ang sinumang nagpuri sa Kanya), purihin ninyo Siya, pagkataas-taas Niya, sa pamamagitan ng pagsabi ng Rabbanā laka -lḥamd (Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri). Gayon din sa anumang nasaad sa ibang mga anyo, halimbawa: Rabbanā wa laka -lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri), Allāhumma rabbanā wa laka -lḥamd (O Allāh, Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri), at Allāhumma rabbanā laka -lḥamd (O Allāh, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri). Kapag nagpatirapa siya, sundan ninyo siya at magpatirapa kayo. Kapag nagdasal siya nang nakaupo dahil sa kawalang-kakayahan niya sa pagtayo, bilang pagsasakatuparan sa pagsunod, magdasal kayo nang mga nakaupo, kahit pa man kayo ay nakakakayang tumayo.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin