Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

Kapag dumating ang isa sa inyo sa pagdarasal at ang Imam ay sa kalagayan niya,Isagawa ninyo ang tulad ng ginagawa ng Imam
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pantayin ninyo ang inyong mga linya,Sapagkat tunay na ang pagpapantay sa mga linya ay kabilang sa pagiging ganap ng pagdarasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
(( Hindi ba natatakot yaong nagtataas ng ulo niya bago ang Imam,na palitan ni Allah ang ulo niya ,nang ulo ng Asno,o palitan ang itsura niya na tulad ng itsura ng Asno?))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa mga tao,pagaanin niya ito,sapagkat kabilang sa kanila ang mahina,may sakit,at may pangangailangan,Subalit kapag nagdasal kayo [mag-isa] sa sarili ninyo,habaan niya ito hanggang sa kanyang naisin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Itinalaga lamang ang imām upang sundan kaya huwag kayong umiba sa kanya. Kapag nagsagawa siya ng takbīr, magsagawa kayo ng takbīr. Kapag yumukod siya, yumukod kayo. Kapag nagsabi siya ng Sami`a -llāhu liman ḥamidah (Dinggin nawa ni Allāh ang sinumang nagpuri sa Kanya), magsabi kayo ng Rabbanā wa laka -lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri). Kapag nagpatirapa siya, magpatirapa kayo. Kapag nagdasal siya nang nakaupo, magdasal kayo nang mga nakaupong lahat.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagluluwalhati [sa Allah] ay para sa mga kalalakihan at ang palakpak ay para sa mga kababaihan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakakita ng isang lalaking nagdarasal nang mag-isa sa likuran ng hanay, kaya nag-utos siya rito na umulit ng ṣalāh nito.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
'Kapag nagdasal kayo, magtuwid kayo ng mga hanay ninyo, pagkatapos mamuno sa inyo ang isa sa inyo. Kapag nagsagawa siya ng takbīr ay magsagawa kayo ng takbīr
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nakakita ng isang lalaking nag-iisa,Hindi nagdadasal sa mga tao,Nagsabi siya: O pulano! Ano ang pumipigil sa iyo sa pagdarasal kasama ang mga tao? Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,Ako ay naging Junob ( nakipagtalik o linabasan), at walang tubig.Nagsabi siya: Gumamit ka ng alikabok,sapagkat ito ay sapat na sa iyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pagpapatantayin ninyo ang inyong mga linya o babaliktarin ni Allah ang inyong mga mukha
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating ako na nakasakay sa babaing Asno,habang ako sa mga oras na iyon ay malapit ng maging binata,At ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal sa mga tao sa Mina na walang nakaharang,Dumaan ako sa harapan ng mga linya,Bumaba ako.Ipinadala ko ang babaing Asno na pinangangalagaan,at pumasok ako sa linya,at walang sumuway sa akin kahit na isa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tumayo kayo at manalangin ako para sa inyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi pa ako nakapagdasal sa likod ng Imam kailanman ng higit na magaan na pagdarasal,at higit na ganap na pagdarasal maliban sa [Pagdarasal] ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung ikaw ay nagdasal lamang ng " Luwalhatiin ang Pangalan ng Iyong Panginoon", "Ako [Allah] ay nanunumpa sa Araw at sa kanyang marilag na liwanag","Ako [Allah] ay nanunumpa sa Gabi habang lumulukob sa liwanag"? Sapagkat nagdadasal sa likod mo ang Matatanda at Mahihina at May Pangangailangan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nagsabi siya: Sami`a -llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allah sa sinumang nagpuri sa Kanya), walang bumaluktot na isa man sa amin ng likod niya hanggang sa lumapag ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nakapatirapa. Pagkatapos ay lumalapag kami sa pagpapatirapa matapos niya."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
At ayon Abe Al-Abbas Sahl bin Saad bin Sa`edi-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay umabot sa kanya na ang Mag-anak na Am`r bin Awf,ay mayroon sa pagitan nila ay hidwaan,Lumabas ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang ayusin ang pagitan nila sa mga tao na kasama niya,nahadlangan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at dumating na ang oras ng pagdarasal,At dumating si Bilal kay Abe Bakar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya: O Aba Bakar,Katotohanan na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nahadlangan at dumating na ang oras ng pagdarasal,Maaari ba sa iyo na manguna sa mga tao?Nagsabi siya: Oo,kung nanaisin mo,Itinindig ni Bilal ang dasal,at nanguna si Abu Bakar,Nag Takbir siya at nag-takbir ang mga tao,at dumating ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naglalakad sa mga linya hanggang sa tumindig siya sa isang linya,at gumawa ang mga tao ng palakpak,At si Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ay hindi lumilingon sa pagdarasal,At ng dumami ang mga tao sa pagpapalak-pak,ay lumingon siya,Kung kaya`t ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagbigay ng senyales sa kanya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Itinaas ni Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ang kamay niya,at pinuri niya si Allah,at bumalik siya na lumalakad sa likod niya hanggang sa tumindig siya sa linya,at pumunta sa unahan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagdasal siya sa mga tao,at nang matapos ay humarap siya sa mga tao,Nagsabi siya:(( O mga tao,ano ang nangyari sa inyo nang may dumating na bagay sa inyong pagdarasal ay gumawa kayo ng pagpalak-pak?Ang palakpak ay para lamang sa mga kababaihan,sinuman ang may dumating sa kanya sa pagdarasal niya,ay magsabi ng:Subhanallah,sapagkat walang makakarinig nito kahit isa, kapag nagsasabi na:Subhanallah; maliban sa itoy mapapalingon.O Aba Bakar:Anu ang humadlang sa iyo na magdasal sa mga tao nang magbigay ako ng senyales sa iyo?Nagsabi si Abe Bakar: Hindi karapat-dapat sa anak ni Abe Quha`fah na magdasal sa mga tao sa pagitan ng kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Napagkaisahan ang katumpakan.Ang kahulugan ng ((nahadlangan)): Pinigilan nila ito upang gawing bisita nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyo itong gawin,Kapag nakapagdasal ang isa sa inyo sa kanyang paglalakbay at inabutan niya ang Imam na hindi pa nkapagdasal,Magdasal siya kasama niya,sapagkat sa kanya,ito ay [magiging] kusang-loob
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katunayan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay sumakay sa kabayo,nahulog siya rito at nasugatan ang (kanyang katawan sa) bandang kanan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Saed Al-Khudri,Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakita niya sa mga kasamahan niya ang pagpapahuli,Nagsabi siya sa kanila: ((Manguna kayo at sumunod kayo sa akin,at susunod sa inyo ang sinumang darating na huli sa inyo,at mananatili ang mga Tao na nagpapahuli hanggang sa ipagpapahuli din sila ni Allah)) Saheh Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O kayong mga Tao,tunay na kayo ay mahigpit (sa mga Tao),Sinuman ang magdasal sa inyo sa mga Tao ay (gawin niya itong) magaan, sapagkat kabilang sa kanila ay may sakit at mahihina at may pangangailangan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
(Magdasal kayo nang dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at kapag dumating ang oras ng pagdarasal,tumawag ng Azān ang isa sa inyo at manguna sa inyo ( sa pagdarasal) ang may pinakamarami sa inyong (naisa-ulo) mula sa Qur-an
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Mangunguna sa mga tao [sa pagdarasal] ang pinakamahusay sa kanila sa pagbasa sa Aklat ni Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Anas bin Malik,nagsabi siya:(( Nagdasal ako kasama ang isang ulila sa bahay namin,sa likod ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at ang nanay ko na si Ummu Sulaym ay nasa likod namin)) Isinaysay ni Imam Al-Bukharie sa kanyang Saheeh
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Naway dagdagan pa ni Allah ang iyong pagpupursige at huwag mo na itong ulitin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Ummu Warqah bint `Abdullah bin Al-Harith Al-Ansari,at tunay na inipon niya ang Qur-an- at ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pinag-utusan siya na maging Imam sa mga nananahanan sa bahay niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay [itinalaga niyang] Tagapangalaga si Ibn Ummi Maktum,Nag iimam sa mga Tao kahit na siya ay bulag
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Umuwi kayo sa inyong pamilya,at manatili kayo sa piling nila,turuan ninyo sila at pag-utusan ninyo sila,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng ganito sa oras na ganito,at kapag sumapit ang pagdarasal,manawagan ng Adhan ang isa sa inyo at mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu