+ -

عن سهل بن سعد الساعدي رضي الله عنهما أن رسول الله صلى الله عليه وسلم بَلَغَهُ أن بني عمرو بن عوف كان بينهم شَرٌّ، فخرج رسول الله صلى الله عليه وسلم يصلح بينهم في أناس معه، فحُبِس رسول الله صلى الله عليه وسلم وحَانتِ الصلاة، فجاء بلال إلى أبي بكر رضي الله عنهما ، فقال: يا أبا بكر، إن رسول الله صلى الله عليه وسلم قد حُبِس وحَانت الصلاة فهل لك أن تَؤُمَّ الناس؟ قال: نعم، إن شِئت، فأقام بلال الصلاة، وتقدم أبو بكر فكبَّر وكبَّر الناس، وجاء رسول الله صلى الله عليه وسلم يمشي في الصفوف حتى قام في الصفِّ، فأخذ الناس في التَّصْفيقِ، وكان أبو بكر رضي الله عنه لا يَلْتَفِتُ في الصلاة، فلما أكثر الناس في التَّصْفيقِ الْتَفَتَ، فإذا رسول الله صلى الله عليه وسلم فأشار إليه رسول الله صلى الله عليه وسلم فرفع أبو بكر رضي الله عنه يَدَهُ فحمد الله، ورجع القَهْقَرَى وراءه حتى قام في الصف، فتقدم رسول الله صلى الله عليه وسلم فصلى للناس، فلما فرغ أقبل على الناس، فقال: «أيها الناس، ما لكم حين نَابكم شيء في الصلاة أخذتم في التصفيق؟! إنما التصفيق للنساء. من نَابه شيء في صلاته فليَقُل: سبحان الله، فإنه لا يسمعه أحد حين يقول: سبحان الله، إلا التَفَتَ، يا أبا بكر: ما مَنَعَك أن تصلي بالناس حين أشَرْتُ إليك؟»، فقال أبو بكر: ما كان ينبغي لابن أبي قُحافة أن يصلي بالناس بين يدي رسول الله صلى الله عليه وسلم .
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Sahl bin Saad bin Sa`edi-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay umabot sa kanya na ang Mag-anak na Am`r bin Awf,ay mayroon sa pagitan nila'y hidwaan,Lumabas ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang ayusin ang pagitan nila sa mga tao na kasama niya,naantala ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at dumating na ang oras ng pagdarasal,At dumating si Bilal kay Abe Bakar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya: O Aba Bakar,Katotohanan na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naantala at dumating na ang oras ng pagdarasal,Maaari ba sa iyo na manguna sa pagdarasal sa mga tao?Nagsabi siya: Oo,kung nanaisin mo,Itinindig ni Bilal ang dasal,at nanguna si Abu Bakar,Nag Takbir siya at nag-takbir ang mga tao,at dumating ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naglalakad sa mga linya hanggang sa tumindig siya sa isang linya,at gumawa ang mga tao ng palakpak,At si Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ay hindi lumilingon sa pagdarasal,At nang dumami ang mga tao sa pagpapalak-pak,ay lumingon siya,Kung kaya`t ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagbigay ng senyales sa kanya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Itinaas ni Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ang kamay niya,at pinuri niya si Allah,at bumalik siya na lumalakad sa likod niya hanggang sa tumindig siya sa linya,at pumunta sa unahan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagdasal siya sa mga tao,at nang matapos ay humarap siya sa mga tao,Nagsabi siya:(( O mga tao,ano ang nangyari sa inyo nang may dumating na bagay sa inyong pagdarasal ay gumawa kayo ng pagpalak-pak?Ang palakpak ay para lamang sa mga kababaihan,Sinuman ang may dumating sa kanya sa pagdarasal niya,ay magsabi ng:Subhanallah,sapagkat walang makakarinig nito kahit isa, kapag sinasabi ang:Subhanallah; maliban sa itoy mapapalingon.O Aba Bakar:Anu ang humadlang sa iyo na magdasal sa mga tao nang magbigay ako ng palatandaan sa iyo?Nagsabi si Abe Bakar: Hindi karapat-dapat sa anak ni Abe Quha`fah na magdasal sa mga tao sa pagitan ng kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Umabot sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na ang mag-anak na Am`r bin Awf ay mayroon sa pagitan nila na hindi pagkaka-unawaan.hanggang sa umabot ito sa pakikipag-patayan,At ipinaalam ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tungkol doon,Lumabas ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kasama nito ang ilan sa mga kasamahan niya,Naantala siya sa kanila at pumasok na ang oras ng pagdarasal at ito ay dasal sa hapon(Al-Asr),tulad ng nabanggit ni Imam Al-Bukharie sa salaysay nito at pananalita nito,At nang dumating ang oras ng pagdarasal ng hapon (Al-Asr),Nag-adhan at nag-iqamah,at ipinag-utos ni Abu Bakar at nanguna siya,"Pagkatapos ay dumating si Bilal kay Abe Bakar malugod si Allah sa kanya,at nagsabi siya:((O Aba Bakar,Katotohanan na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naantala at dumating na ang oras ng pagdarasal,Maaari ba sa iyo na mamuno sa pagdarasal sa mga tao?Nagsabi siya: Oo,kung nanaisin mo, Itinindig ni Bilal ang dasal,at nanguna si Abu Bakar,Nag Takbir siya at nag-takbir ang mga tao,at dumating ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naglalakad sa mga linya ,Dinagdagan ni Imam Al-Bukharie sa salaysay:"nilalabag niya ito ng matinding paglabag" hanggang sa tumayo siya sa unang linya.At sa salaysay ni Imam Muslim:"Nilabag nito ang mga linya hanggang sa tumayo siya sa unang linya" At nang malaman ng mga tao na nandoon ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kasama nila,ay gumawa sila ng pagpalakpak,Sa kagustuhan nila na magdasal sa likod ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,At si Abu Bakar malugod si Allah sa kanya ay narinig niya ang palakpakan nila ngunit hindi niya napag-alaman ang dahilan,At siya malugod si Allah sa kanya ay hindi lumilingon dahil sa kaalaman nito nang pagbabawal ng paglingon sa pagdarasal,at ito ay paglihim mula kay satanas,naglilihim siya rito sa pagdarasal ng alipin,ayon sa naihatid doon mula kay Imam Attermidhie at iba pa sa kanya,Ngunit nang dumami ang mga tao sa pagpalakpak,lumingon siya malugod si Allah sa kanya,kung kaya`t nakita niya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,na kasalukuyang nasa pagdarasal,Nagbigay siya ng palatandaan sa kanya-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-na manatili sa kung ano ang mayroon sa kanya mula sa pangunguna sa pagdarasal ng mga tao,tulad ng naisalaysay ni Imam Al-Bukharie:"Nagbigay siya ng palatandaan sa kanya na, manatili ka sa lugar mo" Itinaas ni Abu Bakar ang kamay niya at pinuri niya ang Allah pagkataas-taas Niya,dahil sa nakita niya mula sa pakikitungo ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanya,Pagkatapos ay bumalik siya na naglalakad ng dahan-dahan sa likod, hanggang sa tumayo siya sa linya ng mga mananampalataya,at pumunta sa unahan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at nagdasal siya sa mga tao na namumuno,At nang matapos siya,Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-sa pagdarasal nito,humarap siya sa mga tao sa mukha nito,at nagsabi:(( O mga tao,ano ang nangyari sa inyo nang may dumating na bagay sa inyong pagdarasal ay gumawa kayo ng pag-palakpak?Ang pag-palakpak ay para lamang sa mga kababaihan,Pagkatapos ay ipinahayag niya sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin kung sakali na may dumating sa kanila na bagay sa pagdarasal,Nagsabi siya:(Sinuman ang may dumating sa kanya sa pagdarasal niya,ay magsabi ng:Subhanallah,sapagkat walang makakarinig nito kahit isa, kapag sinasabi ang:Subhanallah; maliban sa itoy mapapalingon).Pagkatapos ay nagsabi siya:(( O Aba Bakar:Ano ang humadlang sa iyo na magdasal sa mga tao nang magbigay ako ng palatandaan sa iyo?Nagsabi si Abe Bakar: Hindi karapat-dapat sa anak ni Abe Quha`fah na magdasal sa mga tao sa pagitan ng kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.at iyan dahil sa pagmamahal niya at pagdadakila niya at pagrespeto niya malugod si Allah sa kanya-sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan