عن عبد الله بن عمرو رضي الله عنهما عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«لَيْسَ الْوَاصِلُ بِالْمُكَافِئِ، وَلَكِنِ الْوَاصِلُ الَّذِي إِذَا قُطِعَتْ رَحِمُهُ وَصَلَهَا».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 5991]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay hindi ang nakikitumbas, bagkus ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 5991]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang taong lubos sa pakikiugnay sa kaanak at paggawa ng maganda sa mga kamag-anak ay hindi ang taong nakikipagtumbasan sa paggawa ng maganda ng paggawa ng maganda; bagkus ang nakikipag-ugnayan sa kaanak nang tunay na lubos sa pakipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon. Kahit pa gumawa sila ng masagwa sa kanya, tunay na siya ay nakikipagtumbasan sa kanila ng paggawa ng maganda sa kanila.